18

71 10 0
                                    

18

Jason's POV

Di ako mapalagay kaya't pumunta na ako sa bahay nina Lloyd. Nag-door bell na ako.

Lumabas ang kumadrona nila. "Hello po, manang. Si Lloyd po?" Sabi ko ng nakangiti pa. Natigilan siya at namula. "Ah, wala rito." Sagot niya. Akmang isasara na niya ang pinto ngunit pinigilan ko ito. "Manang nagbyahe pa po ako, pa-cr naman po." Tae hindi ata ako kilala nito.

"A-ah sige." Ang galing! NAGBYAHE AKO EH KAPIT BAHAY KO LANG SI LLOYD. wow. Uto-uto siya! Madaling mananakawan nito si Lloyd e.

Nagpasalamat na ako at nagkunwaring naliligaw. Pero papunta ako sa kwartong tinuluyan namin non. Malinis na. Pero isang bagay lang nakapukaw ng pansin ko. pagsara ko ng pinto, may nakasabit na susi sa likod nito. Wala dito si Lloyd.

Titignan ko lahat ng kwarto.

Nagsimula ako sa katabi nito. Gimamit ko na ang unang susi na may nakalagay na 108. Guest room din na iisa lang ang kama. Ganun din mas maliit lang. Walang kahit anong pwedeng ebidensya.

Asan kaya.. lumabas na ako at tinignan uli ang room 109. Ganun din. Hotel ba tong bahay nila at andami daming kuwarto?!

Sinunod sunod ko na. Napapagod na ako. Room 121 na ako. May natitirang 9 na kwarto pa. Napansin ko yung tatlong magkakalayong pinto. Nilapitan ko ito. Walang numher sa taas.

Baka ito yung master's bedroom? Tatlo? Seriously?

Sinubukan kong hanapin ang walang numerong susi.. wala naman. Syet. Wala dito.

Nagtungo ako sa kusina nila. Alam ko doon nila nilalagay yung susi e. Kunwari na lang ulit eh naliligaw ako. Wala namang nakakapansin ss akin.

Una kong nakita yung susi na madaming naka lagay. Ipinalit ko ang hawak ko doon sa nakasabit. May narinig akong mga yapak kaya napatihaya ako.

Napasipol ako. Napansin ako nung babae, Carmela ata to eh. "Oh, kuya Jason!" Sabi niya. Puwet naman o, kilala niya ako. "Uh ano, kasi.." sabi ko na nauutal.

Lumapit sya sa akin, nanghilakbot naman ako. "Psh. Kung gagawa ka, wag halata kuya ha? Alam ko naman na plano mo, e." Sabi niya saka kumindat. "Are you with me?" Sabi ko na nabuhayan ng loob. Ngumiti sya.

"Ah teka kuya. Mali yang susi na kinuha mo. Ang tanga naman neto." Sabi niya. Aba! "Ho--" tinakpan niya ang bibig ko.

"Antayin mo ako dito. Kukunin ko yung susi." Sabi niya at umalis.

Dumaan ang kumadrona. "Oh, nakapag-CR ka na ba?" tanong nya. "Di pa po eh. Sasamahan daw po ako nung babae kasi naliligaw ako.." sabi ko na sana hindi halata. Tumango naman sya at umalis.

Maya't maya ay nandyan na si Carmela. "Sa kwarto nya." Sabi niya. "Akala ko ba sasama ka?" Tanong ko sa kanya dahil nang umabante ako ay di siya gumalaw. "Nahahalata tayo ng kumadrona. Inintriga niya ako kanina. Ah basta, sige na!" Sabi niyang pabulong na sigaw. Naglakad na ako.

Natapat na ako sa kwarto niya. Alam kong sa kanya to kasi may lloyd na nakalagay sa Door knob. Ngayon ko lang napansin. Mejo fail.

Sinaksak ko na ang susi at ipinihit ko na ito.

Lloyd's POV

Wang wang nalang ng ambulansya ang naririnig ko. Hindi ko man lang maimulat ang mga mata ko. Pakiramdam ko paralisado ako.

Ang bigat ng mga talukap ng mga mata ko. Hindi pa ako makahinga ng maayos. Yun bag bawat hinga mo pakiramdam mo eh mabubulunan ka.

Ah syet ang sakit. Kumirot ng kumirot ang puso ko hanggang sa wala na talaga akong maramdaman.

Jason's POV

Nakita kong nakahandalusay si Lloyd sa sahig kaya't hindi ako nagpadala sa galit ko. Pagkabukas ko ay isang madilim na kwarto ang bumulaga.

Binuhat ko sya at nakita ng kumadrona ngunit naawa rin ito kaya't hinayaan niya akong idala sya sa ospital.

Kawawa sya. Bakit ba siya ginaganito.

Tinawagan ko na ang buong barkada. Alam na kaya to nila tita? Pero imposible. Hindi nila hahayaang magkaganito si Lloyd eh.

"Asan si lloyd?" Grabe. Nakakagulat namang mga to. Nasa likod kona pala sila. "Antayin nalang daw natin.." sabi ko.

Umupo na kami at nakita naming lumabas ang duktor mula kwarto kung saan siya ipinasok. "Jason, tama ba?" Tanong niya ng makita akong tumayo.

"Kailangan itong malaman ng mga magulang niya.. may importante akong sasabihin." Sabi niya na bigla akong dinagsa ng kaba. "Opo, tatawagan ko muna po sila."

-

OHMYGOD HELLO! OUR EXAM'S DONE! TULUNGAN NIYO AKONG IPAGPRAY NA SANA MAGSTAY YUNG RANK KO AS IT IS. TvT LOVE YOU ALL

U & I [EDITING....]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon