23

52 8 0
                                    

23

Jako

Sabi nga. Lagot. Sabi nga eh. "Ay sorry, sorry!" Sabi ni girl two. Nagtitimpi na yan. "Stupid." Sabi ni Ian at tumayo. "San ka pupunta tol? Di pa ako tapos kumain!" Sabi ko. Actually gusto ko lang naman makasama si girl 1. Kaya sana umalis na si girl 2.

"E di wag ka sumama." Sabi niya. Saka lumakad. Tinignan ko sya't papunta siya sa bilihan ng mga damit. "Lah, friend.  Galit na sya?" Sabi ni girl 2 na boses lalaki. Tumango ako saka uminom sa soda ko. "Duh!" Sabi niya saka nagflip ng hair. At bigla itong nahulog. Ngayon ko lang narealize. Nakapambabae siya at nakawig sya. Walang boobs at skinny.  Bakla.

Tumingin ako kay girl one. Parang nasusuka na ako. "Gay kayo?" Tinanong ko ng direkta. "Ah, no, ako lang." Sabi ni gay.

"Ah by the way, I'm Christina. And you are?" Tanong niya saka ngumiti. "I'm K-kobe." Sabi ko at napakamot sa ulo dahil sa kaba. Nakioagshakehands naman ako. "And you?" Sabi ko kay gay. "My name is Mariana dela Peña pag gabi at Marcus naman pag umaga, pero Mariana pa din sa ngayon! Maraming salamat po!" Sabi niya at saka nagposing. Ehh. Wala kompake. Nginitian ko sya saka ko naman ibinaling ang atensyon ko kay Christina.

"So saan ka nag-aaral?" Sabi niya. Narinig ko namang may tumawag ng ngalan ko. At tama ako. Si Ian nga. Nilabas ko ang wallet ko at humugot ng call card ko. Binigay ko kay Christina at saka tumayo. "Call me." Sabi ko saka ko ito kinindatan saka lumayo.

I feel like Lloyd today. Ehmegerd.

Lumabas na kami ng Blue River. "Problema mo, Ba't ka bigla nagsungit?" Sabi ko. "Bulag ka kasi. Mga bakla yun eh." Sabi niya. "Ulul. Yung Marcus lang." Sagot ko naman. "Kapitbahay namin yung dalawang yun noon! Mayaman sila!" O tapos, pinaglalaban niya?

"O ano naman?" Sabi ko. Sumakay na kami. "Mayaman sila kaya may pera siyang magpa-sex change. Si Tina, Christopher pangalan nun e." Dafq? "Tapos, yung isa, si Marcus, ayaw niyang magpa-sex change kasi gusto niya kung anong meron siya." Sabi nito.

"Bakit alam mo yung story nila kung di ka nila kilala?" Tanong ko naman dito. "Malamang, nakalimutan na nila ako. Kalaro nila ako non." Di naman kapanipaniwala tong story nito. "Di nga?"

"Oo nga, diba nga, pagtungtong ko ng elem, lumipat na naman kami, kaya di na nila ko kilala kasi malaki na ako." Hmm.. maniniwala ba ako? "Nagpapalayuan pa kami ng ihi namin no--aray ko naman!!"

"Ang bastos mo kasi tol, buset!" Sabi ko. Gago to. Pati ba yun ikkwento. Tawa siya ng tawa. Nakitawa na din ako.

"San na tayo punta ngayon?" Sabi ni Ian. "Kina Jason nalang" sabi ko. May problema yun e. Kailangan niya ng kausap.

"Sige tol. Pero nga, totoo mga sinabi mo?" Tanong ko. "Bahala ka kung ayaw mong maniwala."

Sabi niya at ipinikit niya na ang mga mata niya. Nakarating na kami kina Jason at nagbayad na kami. Bumaba na ako at nakita ko nakamulat na mga mata niya, bumaba na din siya.

Pinindot na namin ang doorbell atsaka naman binuksan ni tita. "Hello po tita!" Sabi namin saka kami yumakap, "Hello, ang lalaki niyo na!" Sabi naman niya. "Hehe. Magkakapit bahay lang naman po tayo tita, kaw naman," sabi ni Ian saka kami tumawa. "Pasok muna kayo oh!" Sabi niya at saka kami pinapasok. "Nasaan po pala si Jason?" Sabi ko. "Ah, asa kwarto niya. Ayaw niy lumabas." Sabi niya at saka nalungkot. "Sige't puntahan niyo siya." Sabi ni tita ulit. 

Ngumiti na kami at pumunta na sa kuwarto niya. Kumatok na kami. "Jason?" Wala pa din. Inulit namin hanggang sa binigyan kami ng susi. Binuksan na namin ito at nakita naming nasa veranda siya mg kwarto niya. Alam naman naming hindi to gagawa ng ikakasama niya pag may problema to eh. Mahal niya buhay niya, at hindi siya tanga.

"Bro.." sabi namin. Napatingin naman siya samin at ibinaling niya ulit ang tingin niya sa labas ng walang imik. Narinig namin siyang humihikbi. Lumapit kami sakanya at saka namin tinapik ang likod niya. Kitaniyo kahit problemado, maayos pa din kwarto niya. Ako kahit walang problema magulo kwarto ko.

Tinignan ko siya. Nasa mga mata niya ang dalawa niyang palad. "Bakit.. ba hindi.. niya ako.. hayaang mag.. explain?" Sabi niya sa pagitan ng hikbi niya. "Tae naman e, si Lloyd?! Pagseselosan?!" Sabi niya at tinanggal niya ang mga kamay niya sa mga mata niya. "Nakakagago naman, e! Lalaki yun, pagseselosan niya!?" Patuloy nito.

"Sige lang bro." Sabi ni ian. "Nakakainis! Ano to, yaoi?!" Sabi niya ulit. Nakita ko namang may sugat siya sa paa niya, kasi nakabandage at may dugo dugo pa. "Ano bang mali na pinahahalagaan ko tong kaibigan ko?! Kung wala naman si lloyd, my life would be different!! Hindi ko kayo makikilala, hindi ko siya makikilala!! Diba!!" Sigaw nito patuloy na humihikbi at lumuluha.

Tumahimik na ang lahat at puro hikbi nalang ang naririnig namin. Niyakap namin siya. "Pero.. nasan si.. lloyd ngayon.. yung inuna.. ko bago.. sya." Sabi niya at iyak ng iyak. Oo nga, nasaan si lloyd na inuna niya? Maikukunsidera ko naman sana kasi may sakit sya, kaso naman, maski isang beses naman sanang bisitahin niya naman tong kaibigan niya eh. "Pero hindi naman niya alam yung mga nangyari." Sabi ni ian. "Unconscious siya nang mangyari lahat, simula nung birthday mo. Walang nagkuwento sakanya." Sabi ni ian.

"Bro, umiiyak na to at lahat lahat, sakanya kapa kakampi?"  Sabi ko. "Hindi naman sa kumakampi bro, pero nga, hindi din naman kasalanan ni lloyd yon."

"Ni pag labas niya ng ospital, kinausap nya ba tayo sa mga nangyari?! Hindi, kasi hindi siya interesado!!!" Sigaw ko. Kung patuloy lang to, baka mawasak kami. Kampihan e. Gago kasi. Yung may todong sakit na dinadamdam, yun iniwan.

-

Late. Sarreh na.

U & I [EDITING....]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon