9

197 10 0
                                    

9

Nandito na ako sa harap ng salamin sa canteen. Hay, ang gwapo ko talaga. Isang singkit, maputi, matangkad, sexy, kaya lang walang abs at V-line, pero sobrang gwapo pa din lang naman. Yun nga kang si MJ na yon. Makatanggi sa akin.

Sino bang hanap niya? Baka naman yung Hark na yun na walang binatbat sakin kundi yang gwapo niya rin mukha. Pakshet edi magsama sila. E pero nga kasi, wala dapat tumatanggi sa Lloyd Ace Kendall Luis Mark Santiago na to.

Inaantay namin ni Ian si Jako at Jj kasi nagpunta daw sila ng CR. Whatever. Di bale, ang gwapo ko nga naman talaga. "Hoy bro. Ma-in love ka na niyan sa sarili mo sige ka." Sabi ni ian. Tumawa naman ako. "Makatawa. May ganon naman ha!" Sabi niya at tumawa ulit ako.

"Bro, nahihibang ka na." Sabi ko saka tumawa.

"Meron nga bro, narcissism yon! Yun yong nai-in love ka na sa sarili mo na sobrang inaadmire mo na pati katawan mo!" Sabi niya. "Oo na." Sagot ko para matigil na siya.

"Magang maga ata mata mo, bro?" Tanong ko kay Jj, na kahit alam ko naman na. State the obvious lang mga pre. "Umiyak ka?" Tanong ko sa kanya. "Di tol. Natamaan ng Pana ni Ashe tapos ng powpow ni Jinx. Pinagsasasapak kasi siya." Sabi naman ni Jako. Aba, kailan pa to naging pilosopa, ay este, pilosopo?!

"Gago." Sambit ko nalang at narinig kong tinanong ni Ian kung bakit siya umiyak. O natamaan ng Pana ni Ashe at ni Powpow. Ano ba yan! Nahihibang na din ako.

Pinakinggan ko ang kwento niya.

Jason's side.

Umalis na si Cean at oo nga, gumaan ang loob ko. Langya, ganda talagang pikunin ng pinsan ko. Natatawa na lang ako.

Napatigil na lang ako sa pag tawa ng may marinig akong nagsalita galing sa pintuan ko. "So habang ako nalulungkot, ikaw, patawa-tawa?" Aniya. Nagulat naman ako.

"Namisinterpret mo lang, natawa lang naman ako kasi--" pinutol niya ako. "So magkkwento ka na nandito ako sa labas? " sabi niya saka nakatayo lang. "Sorry. Nag tanong ka kasi, e." Sambit ko naman. "Pasok ka na, ipapaliwanag ko lahat."

"Di na. Tatayo na lang ako dito. Kakahiya," sabo niya saka umirap. "Sige na, please, baby?" Sabi ko sa kanya pero hindi siya kumibo.

"Kung di ka magsasalita at tatapusin agad yan, e bahala ka." Akmang aalis na siya ng pigilan ko siya. "Oh, wag kang lalapit." Sabi niya saka naman ako umismid.

"Eh kasi nga. Malungkot ako nang makauwi ako galing sa inyo. Tapos kasi.. dumating si Cean. E, nainis ko nanaman siya kaya ako napapatawa," sabi ko sa kanya. "Kahibangan." Sabi niya saka umalis. Hahabulin ko pa sana siya ng biglang nag ring ang iPhone 4s ko.

"Hello?" Sagot ko. Pero walang sumagot. Puro ungol at malabong linya lang. "Hello? If this is a prank, please stop." Sabi ko at lumabas na sa kwarto.

Nasa lingid pa lang ako ng hagdanan nang may tumatawag na naman. Tinignan ko nalang ito at wala namang pangalan. Pero kung unknown ito, dapat number, hindi 'Unknown'

Kinabahan ako pero hindi ko na sinagot. Bumaba nalang ako ng hagdan at nakita ko si mommy nasa table, "buti naman andiyan ka na, anak." Sabi niya at saka tumayo para yakapin ako. Naiyak siya.

Ang pinakamahirap na part para sa aming mga lalaki e, ang makitang umiiyak ang nanay namin. Ewan ko lang sa Iba. "Si Cean." Nakahinga ako ng mejo maluwag ng si Cean lang pala. Asan na si anna?

"Naaksidente daw yung plane na sinakyan niya. Hindi pa nahahanap." Nagulat ako sa sinabi niya. "What?! Pero andito siya kanina, ma! Kasama niya pa si Hark!" Sabi ko naman. "At nasaan pala si Anna, ma?"

U & I [EDITING....]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon