38

35 2 0
                                    

38

Lloyd's POV
I'm exhausted. =_= Bwisit na Briseis yan! Tsk, ang pangit talaga ng balita. May J-S prom daw. Marami na namang mag-iimbita sa akin para lang maisayaw ako, hays. 😪 De seryoso, kainis na prom to. Sino namang aayain kong date ko? Si Richie? Oo nga no, nice idea, chance ko na 'to! Pero pano? Baka sabihin niya naman na inaaya ko lang siya tapos magfeeling-feelingan na naman siya. Ay, bahala na nga.

Hindi na ako nakawheelchair kaya't nakakapunta na ako kung san ko man gustuhin, palagi nga lang may dalang nebulizer.

Hinugot ko na ang cell phone ko mula sa bulsa ko, wala pa si Richie dito sa bahay, sinamahan niya pa si Nurse sa office para ayusin yung mga kailangang ayusin. Kaya't wala akong choice kundi itext siya. Dahil maaga pa lang naman, at half day kami, 3PM palang naman kaya't aayain ko nalang siyang mag-mall. Ah, bahala na.

"Hey." Tinext ko siya.

"Ano na namang kailangan mo?" Reply naman niya. Tignan mo to, kanda-sungit sungit eh, wala naman akong ginagawa sa kanya. Jusme ah.

"Oras ka uwi?" Sabi ko ulit.

"Maya saglit, patapos na to. May kailangan ka na naman ba?" Sabi nito. Naiimagine ko yung mukha niyang nakakunot, at maraming wrinkles sa noo! Haha!

"Oo, samahan mo ako sa mall."

"Bakit?"

"Magtitingin ng para sa JS." Sabi ko sa kanya, at umabot ng sampung minuto bago ako makatanggap uli ng reply niya.

"Ah, sige. Mauna ka na, antayin mo na lang ako don." Sabi niyaz

Tumayo na ako at nagbihis. Isang plain white shirt at minatch ko nalang sa jagger pants at nag rubber shoes. Ayos na to. Lumabas na ako ng kuwarto at kinuha ang susi ng sasakyan, tutal nakuha ko na yung lisensya ko. Ako nalang magmamaneho, at baka gabihin pa kami.

Diniretso ko na sa mall at nang mai-park ko na ay tinignan ko ang phone kong may tatlong missed calls at isang text. "Asan ka na? Ang tagal mo naman! Nandito na ako sa mall! Sa harap ng dept store, bilisan mo!" Sabi ni Richie. "Alam ko naman na excited kang makita ako, pero chill, girl." Sabi ko saka tumawa.

Bumaba na ako at dali-daling umakyat sa escalator, natanaw ko na siya na naka-pants, at naka shirt ng kulay puti rin. Destiny! Di biro.

Nang matanaw niya na akong naglalakad, nakaramdam ako ng nakamamatay na aura, mainit ang paligid, at nakatingi siya sa akin ng may tumatangis na mata, mamamatay na ata ako, pero huwag muna ngayon dahil marami pa akong pangarap.

Napakamot ako, "Hehe, akala ko matagal ka pa." Tinignan naman ako nito ng masama. "Uy, sige na, bati na tayo." Sambit ko rito at kinalabit kalabit ko siya. Hindi niya pa rin ako pinapansin, naglalakad kami at sinusundan ko lang siya. "San tayo punta?" Sabi ko rito. Tumigil siya na tila ba'y napahiya. "Bakit ka kasi sumusunod!?" Sabi niya, tinignan ko nalang ang namumutla niyang mga pisngi at tumawa, sabay pinisil ko ang mga ito.

Sinamaan niya ulit ako ng tingin, at pinipigilan ko ang tawa ko. Umakyat kami hanggang makapasok kami sa isang boutique: Meril's shop, nakalagay.

"Oh, bakit puro naman gowns dito, akala ko ba para sayo?" Sabi nito. "Ay, oo pala, babae ka! Hahahaha!" Sabi niya, lintek diba? Ang moody nitong taong to.

U & I [EDITING....]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon