Panimula

518 13 3
                                    

💃Panimula 💃


Malapit nang magtapos ang klase ngayong araw at kasalukuyang tinatalakay namin ang agham ukol sa pagmamahal.

"..and it is said to be called Sternberg's Triangular Love. It is his own perspective about love, and we have lots of it, isn't it?" iginala ni Professor Angli ang tingin sa klase. "Robert Sternberg made this theory during the 1980s. Hindi ko naman kayo inaanyayahang maniwala sa teorya niya, pero gusto ko lang na matutunan niyo rin yun." sumeryoso ang klase, "Joke lang, asa lesson kasi natin talaga." at tumawa sila.

Si Professor Angli ang pinakabibo sa lahat ng mga guro dito. Palagi kasi kaming napapagalitan ng princEPAL kaya sabi niya, siya na lang daw siguro makakagawang ngumiti sa amin. Lagi kaming kinukumpara, pero alam ko namang natural yun e. 

"I want you to define Infatuation. Anyone?" Nakita kong nagtaas ng kamay si Jason. "Parang paghanga sa isang tao sir, yung tipong sobra-sobra, kahit baliw na baliw ka na, wala kang pakialam. Kahit magkamatayan pa." sabi niya at napatingin silang lahat sa akin.

Napayuko ako, nakaramdam ng kirot. 

Wala na eh.

Wala na sya.

Kapag nagmamahal ka kasi, hindi mo namamalayan, nagagawa mo na ang kahit ano, para lang makuha mo yung gusto mo.

Nagtaas ako ng kamay.

"Yes, Mr. Santiago?" sabi ni sir Angli. Damang-dama ko ang mga titig ng mga kaklase ko. May halong takot at lungkot. Tumayo ako.

"May I go out, sir?" sabi ko at  tumingin ako sa taas, pinipigilang tumulo ang luha ko. Tumango siya.

Dali-dali akong lumabas ng pinto, hindi tumitingin sa kung kanino.

Dumiretso ako sa paborito naming parte ng school  na ito.

Smokesfield High.

Humiga ako sa silong ng puno, bakit siya pa?

Bakit hindi na lang ako?


Mga tanong na hindi ko masagot. 

"Kasi mahal ka niya, kaya niyang nagawang mamatay para sayo."

Napatingin ako sa nagsalita.

Bakit siya nandito? 

U & I [EDITING....]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon