5
Nang sumapit na ang alas-singko ng hapon, nagsiuwian na ang mga kaklase ko at ang iba pang mga estudyante. Sinundo ako nina Jj dito sa clinic.
"You okay na, bro?" Sabi nito na parang nag-aalala nga. Lumapad naman lalo ang ngiti ko nang maalala ko ang nangyari kanina. Lagot sa akin yung babaeng yun sa "sleeping punch" niya, na dahil don eh nakatulog na naman ako ng sobrang himbing.
Nga lang, may pasa naman sa mukha.
"Teka, bro, anyare sayo?" sabi ni Ian ng mapansin na medyo nag iiba na ang kukay nung sinuntok ng babaeng yun. "Huwag mong sabihing umalis ka dito at pinuntahan mo si Hark para suntukin." Sabi na naman niya.
Hay, Ian. Umaandar na naman ang pagka-Obsessive Compulsive niya.
"Bro, trust me, hindi ako nakipag suntukan." Sabi ko at itinaas ang kanang kamay ko.
"Eh napano yan? Sinuntok mo sarili mo? Nahulog ka?" Sabi ni Jako at napagbuntong hininga.
"Well," sabi ko at mas lumapad ang ngiti ko. "Babae ang nanuntok sa akin." Sabi ko at kinindatan sila.
"Baka binastos mo ha? Image mo, Ken." Sabi sa akin ni Ian.
Jusko. Image ko pa talaga importante? Eh bakit, bawal bang maging pilyo minsan? Eh bakit yung iba? Kilalang kilala na sa pagiging Cassanova pero wala namang pake ang tao.
Kung gusto talaga kami ng tao, matatanggap nila kami, maging ano man kami.
Ganun naman eh.
Pag sumasayaw, gusto ka lang pag sumasayaw. Pero pag wala nang sayaw? Balewala ka nalang. Ang hirap magentertain ng tao kasi gusto nila nare-reach mo yung expectations nila. Yeah, whatever.
"Si Richie ang sumuntok sa akin." Matipid ko nalang sumagot at nang akmang magsasalita na si Ian, nagsalita na ako kaagad, "Tara na!" Sabi ko at ngumiti na naman.
Kinuha ko na ang bag ko at naunang lumabas. Sumunod naman sila.
💃
Hindi ko alam ang pangalan ng bakeshop na to kahit palagi naming pinupuntahan.
Pano ba kasi, makakalimutin ako eh, hehe.
Nyemas pati pangalan ng iba nahihirapan na ko kasi pangalan ko nalang memoryado ko! Ano na ulit pangalan ko? Joke. Hi. Ako si Joke. At ikaw si? Hay nako. Basta bakery to. Bat kasi dami pang pautot pwedeng bakery nalang ipangalan nila.
Pero tinatawag ko nalang itong Mickey's bakeshop. Kamukha kasi ni Mickey Mouse yung nagtitinda eh, si Manong Ben, mahaba ang ilong, masiyahin, malalaki ang mga mata, at palatawa.
Meron ding bar sa loob. Tuwing gabi maririnig mo nalang yung mahinang tugtog pag dadaan ka. Kasi maski sound proof naman eh maririnig mo pa rin dahil sa mga nakabukas na bintana at pintuan.
Narinig kong nagtatawanan sila Jj at Jako, pinagtatawanan kasi nila ako. Hindi ko na naman alam yung pangalan ng bibilhin kong tinapay, tinititigan ko to palagi at nagbabakasakaling maalala ang pangalan.
"Yo-yo ba?" Sabi ni Manong Ben na may malapad na ngiti.
"Ayun! Yo-yo nga po, limang piraso po. Hehe." Sabi ko.
"Aba, syempre naman! Oh eto," sabi ni manong ben at inabot na ang yo-yo. Inabot ko na rin ang pera ko.
Yo-yo, may iba't ibang kulay, depende sa flavor. Tig lilimang piso lang. Ang sarap pa. (Check multimedia; totoo po ang yoyo hehe, from JBK)
Nagsibilihan na rin ang tatlo.
"Oh, naparami ka ata ng brownies ngayon bro?" Sabi ko kay Jason na may hawak na tatlong box ng brownies. Inilagay niya sa bag niya yung isa.
"Ah, dadalawin ko kasi si Anna, may sakit kasi eh." Sabi nito at napatango na lang kami.
"Aba, ang special naman ni Anna~sa." Sabi ni Jako.
"Bro, ako lang pwedeng tumawag ng ganon kay Anna." Sagot naman ni Jj.
"Okay, chill, bro, chill." Sagot niya naman at tumawa kami.
"Sige bro, una na ako." Sabi ni Jason at nagpaalam na.
Sumakay na rin kami ng tricycle papunta sa village namin.
"Ako na, bro!" Sabi ni Ian.
"Rainbow village po kuya, Blue street." Sabi niya at nagbayad. Magkakatabi lang naman ang bahay namin eh. Syempre, dahil sa poging tulad ko.
"Bro, parang ang laki ng problema ni J ano?" Sabi ni Jako.
"Huy! Parang hindi ka J ah!" Sabi ko at humagalpak naman sila sa tawa.
"Ang corny mo bro, pero bro, ampangit mo." Sabi ni Jako.
"Hoy, ako kaya ang pinakagwapo sa Hunters!" Sabi ko naman,
"Nahuli ka na ng henerasyon bro." Sabi niya at muling tumawa.
"Bro, old school, mukha ka nang lolo eh." Sumbat ni Ian
"At least, Ako pinagwapo dito!" Sabi ko at pinakita ang muscles ko, "masel-musclean pa!" Sbi ko naman.
"Oo na nga fafa!" Sabi nila at tumigil na ang tric.
"Oh pano ba bro, bukas ulit!" Sabi ko.
"Parang hindi na tayo magkikita, ah?" Sabi naman ni Ian at napailing nalang kami.
Tumawa sila ng kaonti saka kami naghiwa-hiwalay. Kanya-kanya nang pasok sa bahay.
"Kuyaaaa! You're home!" Sinalubong ako ni Lyanne ng mahigpit na yakaaaap.
"Hi baby, how was school?" Tanong ko naman sakanya saka lumuhod to kiss her on her forehead.
"I had five stars kuya." Sabi niya sabay inextend ang braso para makita.
"Woah. Galing naman. Have you eaten yet?" Tanong ko sakanya.
"Nope kuya. I'm waiting for you eh." she said as she pouted.
Ang cute ng kapatid ko grabe! Lyanne Aceana Santiago is my best friend, my sibling, my love and my baby. Panoba naman kasi, 9 years ang gap namin.
"Tara, kain na tayo." Sabi ko sabay buhat sa kanya.
"Laro tayo mamaya kuya!" Sabi niya sabay nagkaclap.
"Yes baby." Sabi ko sabay binaba ko na sya sa upuan nya.
"YEHEY! Lechon!" Sigaw niya at napailing nalang ako. "Kuya say ahhhh" sabi niya saka niya ako sinubuan ng lechon. Nginitian ko naman sya.
"Say ahhh" sabi ko din.
"Ew kuya kare!" Sabi niya. Ayaw nya ng kare kare.
"Try it kasi. Masarap. Nomnomnom." Sabi ko saka ko ito sinubo.
Tapos na kaming kumain. Pinalinis na namin ang pinagkainan namin. "Kuya ano laro natin?" Tanong nya saka tumingala. "Ano ba gusto mo?" Sabi ko. "Barbie!" Tumango nalang ako. Sanay na akong maglaro ng pambabae. Syempre, mahal ko tong kapatid ko kaya kahit ano, para sa kanya, gagawin ko. Sana ganyan din sina kuya, mama, at papa.
BINABASA MO ANG
U & I [EDITING....]
Teen FictionYou hated me much, and that, caught my attention. Having you by my side wasn't my intention but only to make you like me, a famous dancer in school, who isn't worthy of your glance. But then, came a snap, and I didn't notice, you became mine, and...