37

31 0 0
                                    

Ian's POV

Magmula kahapon may nagmi-missed call sa akin from an unknown number. Ni hindi ko naman binalak na sagutin kasi nga, hindi ko naman kilala. At saka, ano pa, wala naman ako sa mood eh. Tsk. Bakit kasi nagkaroon pa ng bisexual sa mundo?

Bumaba ako sa hagdan at dumiretso si Dining area. Nakita ko ro'n ang kapatid kong elementary, si mama, at ang isang pamilyar na lalaki. Parang nakita ko na siya somewhere.

"Good Morning." Banggit ko at saka hinugot ang upuan at umupo. Tinignan lang nila ako at napahinto sila sa pag-uusap.

"Good morning, anak." Bati ng mommy ko. Hindi ko na lamang sila pinansin at kumuha na ako ng makakain. Ano pa ba? Tsk. Wala ako sa mood. "Anak, hindi mo ba nakikilala ang Pito mo?" Sabi nito. Pito? Biglang may kumabog sa utak ko at biglang sumakit ang ulo ko. "Pito?" Sambit ko. "Oo, yung dada ni Tin." Ni Christine? Pito? Kasi hindi ko masambit no'n ang salitang Tito? Anong ginagawa niya dito?

Tinignan ko sya at sumubo. Nakangiti siya sa akin. "Kamusta, nak?" Sabi nito at nabulunan ako. Dali-dali kong kinuha ang tubig at uminom. Ano daw? Anak? "Ayos lang po." Sabi ko. Nagpunas ako ng labi at tumingin sa kanila. "Mauna na po ako." Sabi ko. Syempre pa-cool, diba. "Ha? Anak. Di ka pa nagsipilyo." Sabi ni mama nang nasa pintuan na ako. Potek! Tss. Humarap ako sa kanila at tumakbo pataas. Tumuloy na ako.

Madami ang naglalakad patungong gate ng school. Nakapamulsa lang akong naglalakad. Pagdating ko sa room 202, ang classroom namin, lahat sila nakatingin sa akin. Ang iba nagwawalis, ang iba nagse-cellphone, nag-uusap, lahat sila napatigil.

Anong meron? Masama ang tingin nila sa akin. Yung isa kong kaklase na nasa dulo ay may hawak na lapis, naputol niya ito. Tumuloy na lang ako sa paglalakad at umupo na sa upuan ko. Saktong nag-bell ay dumating si Lloyd at Jason sa pintuan na hinihingal. Nakahinga ako ng maluwag.

Umupo na sila sa upuan nila na malapit sa akin. Naglabas ako ng papel at ballpen at nagsulat.

[Saan kayo galing?!] Sabi ko rito. Iaabot ko sana kay Lloyd kaso nagsasalamin siya. Lumingon ako kay Jason at sabay pa kaming nagulat. May iaabot din siya. Napahagikgik kami ng kaonti.

[bakit ang sama ng tingin ng mga kaklase natin?] sabi nito.

[malay ko nga eh. baka may fever pa rin sila sa nangyari sa 4Lloyd.] sabi ko at saka inabot. Ganun din ang kanyang ginawa.

[sa ospital. naospital yung gf ni Jako. Matindi yung natamo niyang sugat sa disgrasya. kaninang umaga, nagwala pa si Jako sa bahay nila.]

Napatigil ng sandali ang puso ko sa kakatibok. Ano? Ano daw?

Narinig ko nang pumasok ang classroom adviser namin. "Stand up." Command ni Lloyd. "GoodMorning Maam!" "Sit down." Sunod-sunod kong narinig ngunit tila bang napako ako sa kinauupuan ko.

"Problema tol?" Bulong ni Lloyd at saka inilabas muli ang salamin. Napatingin ako rito. "Kailan ka pa naging vain?" Sabi ko. Tumawa siya ng mahina at nagsuklay ng buhok gamit ang daliri niya. Napabuntong hininga na lang ako.

"Okay, class. May bago nga pala tayong magiging kaklase. Excited na ba kayo?" Sabi ni ma'am. "Transferee?" Bulong ko kay Lloyd. Sa kalagitnaan ng taon?

"Oo. Sila yung nakabanggaan namin kanina. Kambal eh. Kala mo maganda yung isa. Ay hindi, pareho pala sila, kambal nga diba. Tsk." Sabi nito at umirap irap. "Isip-bata naman yun eh. Aggressive masyado." Sabi nito ulit at tumingin sa salamin. "Gwapo ko ba tol?" Sabi nito sabay pacute. "Kanina ka pa eh." Sabi ko rito at binato ng papel.

U & I [EDITING....]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon