6

174 13 2
                                    

6

Jj's POV.

Kung ikaw nasa sitwasyon ko, siguradong hindi ka lang mapapailing sa mga kasama ko. Barkada ko sila ng mahigit ilang taon na, kilalang kilala na namin ang isa't isa, bukod sa mga sarili namin. Araw-araw may nagbabago sa isa sa amin, ngunit hindi naman namin ito napapansin dahil na rin siguro ay nabuo ang barkada namin para patatagin ang pundasyon ng bawat isa, at maaari na ring dahil sa kasabihang, "May magbago man sa isa, walang mababago sa pinagsamahan ng lahat." na pinaniniwalaan namin.

Hays. Kahit na abno ang mga kabarkada ko, mahal ko sila.

Nasa harap na ako ng pintuan ng bahay nina Anna-sa. Pinindot ko na ang doorbell at tumayo na ng pirmi para mag-antay sa kunsino mang magbubukas nito.

"Oh, bayaw!" pag bati sa aking ng kapatid ni Anna, si kuya Christian Trajico, na kahit papaano ay nakakasundo ko dahil sa light personality niya.

"Yo, kuya!" sabi ko at nakipag-apir.

"Uy, brownies! Sa akin ba yan?" sabi niya ng nagbibiro. Inabot ko naman ito.

"Sa inyo po kuya," sabi ko at dali-dali naman nitong binuksan ang pinamili ko para sa kanila. Kumuha siya ng isa at binanatan niya na.

"Kuya, suggestion lang, sa loob mo kaya kainin?" sabi ko ng tumatawa ng mahina. Napatigil naman siya't napaisip.

"Aba, oo nga ano! Sige, salamat ha! Bye!" sabi niya at ng akmang isasara niya na ang pinto ay pumagitna ako rito. Nagtaka naman ito.

"Bibisitahin ko po si Anna." sabi ko ng nakangiti.

"Ah! Oo pala, pasok!" pag aya niya. "Uh, Jj, diretso ka nalang diyan, baka siya pa ang gusto mong lumabas?" pagbibiro nito at napailing ako. Nagpasalamat na ako at tumuloy.

Kumatok ako sa pinto at ng may marinig akong, "Pasok." ay walang alinlangan kong binuksan ang pinto. "Oh, Jj!" sabi nito at napaupo mula sa pagkakahiga.

"Kamusta naman ang Prinsesa ko?" sabi ko at ngumiti siya ng tila kinilig sa tinanong ko.

"Ayos naman po, Prinsipe ko." sagot naman nito. Shet! Kilig to da max!

Umubo ako para hindi mahalata. "Uh, may brownies pala akong binili para sa inyo." sabi ko.

"Hala, nag-abala pa. Pero salamat ah." sabi nito at ngumiti ako. "Anyway, what brings you here?" tanong niya.

Hindi pa ba obvious? "Binibisita ka?" sagot ko ng patanong.

"Hay nako Jj, hindi pa ba sapat na sinabi kong okay na ako? Naaabala ka pa eh". sagot nito.

"Ayos lang naman, basta para sa mahal ko." sagot ko at bigla siyang napagbuntong hininga.

"Jj, hindi naman ako sinungaling para itago at sabihin na okay ako kung hindi ako okay. Hindi naman ako kasing pabebe ng iba." sabi nito.

"Anna, nag-aalala lang naman ako eh. At saka, gusto ko lang i-share yung time ko sa'yo." sagot ko.

"Bakit ka pa ba nag-aalala kung alam mo naman na kasing okay na ako, hindi ba? Wala ka bang tiwala sa mga sinasabi ko?"

This is pointless.

Hindi ko na alam kung saan tutungo tong pinaguusapan namin.

"Concerned ka ba sa akin, o ayaw mo lang ang presensya ko?" sagot ko.

"Ayoko naman kasing nasasayang oras mo."

"Pano ba nasayang eh pag dating ko rin naman ng bahay eh kukunin ko rin lang ang cell phone ko para macontact ka? Mas okay na yung nakikita kita kaysa nababasa ko lang yung mga texts mo. Mas gumagaan ang pakiramdam ko. Atsaka isa pa, namimiss na kita."

U & I [EDITING....]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon