20
"This is a start of something new."
LloydSo yeah. After that night, nanatili pa ako sa ospital for 3 days. No mom, no dad, no family, just friends. Binayadan lang nila ang babayadan sa ospital. Shush.
Whatever. Masaya pa din ako don. Nag ooxygen tank at nebulizer ako kapag hindi na naman ako makahinga. Always naman ata e.
Pero pumapasok na ako sa school. Naka wheelchair nga lang. "Wala naman akong pilay bat ako nakawheel chair?" Tanong ko kay Richie. Siya ang assistant nurse sa school kaya siya ang magha-handle sakin! "Kasi, kapag naglakad ka, madali kang mapagod, ang tendency non, hindi ka makakahinga ng maayos." Napatango nalang ako.
"So sa klase ko muna ikaw papasok?" Tanong ko sakanya. Tumango naman siya. Nakikita ko na din ang soft side niya. Bumabait na siya sa akin. Malamang, may sakit ka e, pag napahamak ka siya pa gagasta! Sabi ng huta kong konsensya. Langya tumigil ka nga.
"So ikaw din maghahatid sakin pauwi?" Tanong ko. Iritado naman syang umoo. Alam ko naman e, tinatanong ko pa. Sana naman sa Ganitong lagay, mahulog na sya sa akin.
Sinabi ng principal na siya muna ang personal alalay ko, tutal madami pa naman daw siyang balance sa school. Every week daw na aalagaan niya ako, minus 2k.
Sa bahay siya matutulog, sa klase ko na siya, more chance of making her fall for me.
Nakaupo siya sa tabi ko ng tumunog ang tyan ko. Lunch na pala. "Tara na." Sabi niya at tumayo saka itinulak na naamn ang wheelchair ko.
"Anong kakainin mo?" Tanong niya. "Kung anong sayo." Sabi ko at ngumiti. Namula siya at tumalikod nalang.
Kumain na kami at sumapit na ang hapon. Ang bilis ng oras!
Sinakay niya na ako sa van namin at saka siya sumunod. Ang awkward. Walang nagsasalita.
Prente lang kaming nakaupo habang tumatama ang malamig na hangin na nanggagaling sa aircon.
Tunog ng makina lang ng sasakyan ang maririnig. Nakakabinging katahimikan.
"Ano ba talagang sakit mo?" Tanong niya na ikinagulat ko. Nagsalita na sya. "Hindi ko alam." Sabi ko. Hindi ko naman talaga alam at wala akong balak na alamin.
"Grabe ketanga mo naman." Sabi niya. "Ano? Tanginang yan!" Sabi ko. Nagulat ako tae minura niya ko. "De joke. Pahinga ka lang, BOSS." Sabi niya saka umirap.
Kalokohan ata to eh.
Nakarating na kami at ibinaba niya na ako sa sasakyan. Binuksan nila ang pintuan namin at dumiretso na kami sa kwarto ko. "Dito ka din sa kwarto ko?" Sabi ko. "Malamang. 'Wag nga tanga." Sabi niya at umirap ulit. Parang masstress ako dito eh. Kinuha niya na ang maleta niyang di ko napansin na meron pala. "Ayos. Excited ka pa yatang matulog dito ah." Sabi ko. Spg na to. Dejoke. Umirap nalang siya at patuloy lang siya sa ginagawa niya.
--
Savaaaawwww. Sarreh na.
BINABASA MO ANG
U & I [EDITING....]
Teen FictionYou hated me much, and that, caught my attention. Having you by my side wasn't my intention but only to make you like me, a famous dancer in school, who isn't worthy of your glance. But then, came a snap, and I didn't notice, you became mine, and...