19
Jason
It has been a month. Walang Lloyd. Walang masayang mukha. Walang nakangiti.
"Bakit ba apektadong apektado kayo kay Lloyd?" Tanong sa akin ni Andrea. "I've been asking you since last last week." Totoo. Never ko siyang sinagot bukod sa pagtingin ko sakanya. "Naaawa na ako sa inyo, e." Sabi niya pa.
Siya lang ang kasama ko sa ospital. Maski si Anna, hindi pa kami okay.
Babalikan kami ng buong barkada mamaya. Sinasabayan pa ng lungkot ko ang kidlat.
Tumayo ako at nagpagpag. "Labas lang ako." Sabi ko kay Andrea at tuluyan na kong lumabas.
Ano nanaman bang gagawin ko?
Bakit ba ako apektadong apektado kay Lloyd? Simple lang. Tumatanaw ako ng utang na loob. Kung hindi sa kanya, hindi ako itong Jason na to ngayon. Actually yung bahay namin eh galing sa kanila. Gusto kasi niyang magkakasama kami. E sa apartment lang kami noon. So binigyan niya kaming tatlo ng bahay.
Di magiging maayos ang buhay ko nang wala si Lloyd. Siya ang kabarkada ko, kaibigan, kapatid kong nandiyan sa oras ng kalamidad at ng lahat. HashtagMedyoOANaTalagaJason.
Dumiretso na naman ako sa pinakamalapit na coffee shop. Aræzellí yung name ng shop. Dito ako palagi magsimula last month.
Umupo ako at alam kong alam na nila ang order ko. Mocha coffee. 50 percent sugar.
Maya't maya ay dumating na ang order ko. "Sir. Ikaw lang talaga ang kilala kong nagkakape pag may problema." Sabi ni Lucille. Ang manager nila dito. Nginitian ko sya. "Kesa naman alak diba?" Sabi ko at napatawa naman sya. "Sige, relax lang po kayo!" Sabi niya at umalis na.
Bakit ba ganito nalang palagi. Ba't di pa sya magising. Tangina mo lloyd. Shet ka.
Iginala ko ang tingin ko. May magsyotang naglalandian. May pamilyang masaya. May magbabarkadang masaya. Nakakainggit.
Nakita ko si Hark na papasok, kasama si..? Teka. Anong meron? Akala ko ba may tama si Hark kay Cean? Nagtatawanan pa sila.. na ang saya saya!
Kinuha ko na ang cp ko at pinicturan sila. Ang saya niyo ah. Nang makaupo na sila, tumayo na ako at yumuko palabas para di nila ako makilala.
Bumalik na ako sa ospital. Pag taas ko, binuksan ko ka agad ang pintuan. Asaan si andrea? "Andrea?" Pasigaw na sabi ko. Walang sagot. Tinignan ko ang kama. Wala si Lloyd!
"Lloyd?!" Tinignan ko ang cr. Shit asan sila!
Narinig kong bumukas ang pintuan. Isang nakawheel chair, at babaeng nakapusod ang pumasok.
"Ang tagal mo, bro!" Si Lloyd.. pumunta ako sa kanya at yinakap siya. Naramdaman kong tumulo ang luha ko. "Tangina mo Lloyd, huta ka lanjo." Nalang ang nasabi ko.
-
YAOI NA ITUHHHH! AHHAHAHA joke lang. Sorry ang sabaaaw! WRITER'S BLOCK OHEMGEE.
BINABASA MO ANG
U & I [EDITING....]
Teen FictionYou hated me much, and that, caught my attention. Having you by my side wasn't my intention but only to make you like me, a famous dancer in school, who isn't worthy of your glance. But then, came a snap, and I didn't notice, you became mine, and...