11

112 11 0
                                    

11

"Alam niyo, ang we-weird ninyo." Sabi ko at naiinis na din ako sa mga pinagsasasabi nila. "Sabi ni Hark Dopplegänger. Tapos ikaw, depression babla!"

Tumingin naman ng dalawa sakin. "Hindi man ako psychologist o psychiatrist pero--" pinutol ko ang sasabihin ni Andrea. "Oo, hindi ka psychologist o anuman e bakit ikaw pa ang pinuntahan namin?!" Nanggagalaiti akong tumayo at dumiretso sa Cr. Ano nga ba kasing nangyayari at kung minamalas pa ako may kasama pa akong mga wirdo. Tsk!

Psychologist. Psychiatrist daw! Science maniac lang naman eh!

Tumitig ako sa salamin at tinignan ang sarili ko. Hindi sa akin umiikot ang kwentong to pero bakit ba to nangyayari?! Ugh. Napahilamos ako sa mukha.

"Alam mo ba kung gaano kasakit sa kanya 'yon?" Napatingin naman ako sa nagsalita. Si hark. "Oo alam ko pero kasi dapat direct to the point!!" Nasabi ko nalang. "Kung di-nirect to the point niya, may maiintindihan ka? Diba wala? So explanation muna." Napatahimik naman ako. Dala ata to ng pagiging magagalitin ko. Nagiging agresibo ako.

"Ano. Makikinig ka pa ba sa kanya?" Tanong nya sa akin. Dont make decisions when you're mad. It might cause trouble. Paulit ulit na dumaloy sa utak ko ang sentence na yan. "Sige na! Oo na! Labas!" Sabi ko at lumabas naman siya. Magisa ko nanaman sa CR na to.

Pakikinggan kona. Boset. Ang dami kasing pautot!

Nang makalabas na ako nakita ko silang prenteng nakaupo at inaantay ako. Umupo na din ako. "Sabihin mo na sasabihin mo, dadalawin ko pa si Anna." Direktang pagsabi ko.

"Osige." Pagpayag ni Andrea. "Tulad nga ng sabi mo, last na usap ninyo ni Anna e, away. Tapos kay Cean, wala, ganun din sa kanya," sabi niya at saka nginuso si hark. "Depression. Depressed ka," ulit ulit niyang sabi. Ipinukulan ko naman ito ng masamang tingin. "Depressed people don't feel sad at all-they may feel lifeless, empty, and apathetic, or men in particular may even feel anger," pagsasabi niya at nakaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan. Lifeless? Empty? Apathetic? Anger? What the heck? "Katulad nga ng sabi mo, nag away kayo, so you'll feel mad sa sarili mo, kasi wala kang nagawa kundi tanggapin ito, tapos about yung kay Cean baka namimiss mo siya or may effect yung post -- if totoo man ito or hindi." pagpapatuloy niya.

"E, what about me? Alangan namang depressed din ako?" Sabi ni Hark. "E lagi kaming nagsa-skype ni Cean. Pero shet teka, totoo ba yung plane crash, Jj?" Tumingin siya sa akin.

"Di ko alam. Pero basta, eto muna!" Pagpipigil kong mainis sa segway niya. Napatango naman sya.

"E maybe sa case mo kuya e, yun nga, illusion." Sabi niya kay Hark. "Illusion refers to a specific form of sensory distortion. Unlike a hallucination, which is a distortion in the absence of a stimulus, an illusion describes a misinterpretation of a true sensation," sabi niya. Pft. Ano ba naman to. "Its either naghahallucinate ka or naiisip mo lang na siya talaga yon." Sabi niya ulit.

"Imposible! Magkasama kami kahapon eh!" Pagtutol ni Hark.

"Sa tingin mo, papaano kayo naghiwalay nung uwi na kayo, kuya?" Tanong ni Andrea. Nagisip naman ito.

"Oo nga, hindi ko maalala." Sabi naman niya. "Yan nga, kuya. Hindi mo maalala kasi hindi naman nangyari," sabi ni Andrea."Ganun ba?" Tanong ko naman.

"Then how can you explain the post? Sa fb, the text?" Tanong ko naman sakanya ng ikinabigla niya. "Baka someone's playing pranks on you," sabi niya naman sa akin. "Malalaman din natin yan, soon." Sabi niya ulit. "So wala ka nang dapat ipagalala, Jason. Hindi yan dopplegänger o ano, superstitions lang yan," sabi niya at ngumiti at tumango tango na lang ako.

"Pahiram mo kaya cp mo sa kanya ng maaral nya?" Sabi ni Hark atsaka naman nagtinginan sila. "Ayaw ko nga!" Sabi ko at saka tumingin sa malayo. Tumawa naman sila. "Hindi ko aanuhin yan! Naka iPhone din ako, oh!" Sabi niya saka ipinakita ang iPhone 5s nya na may case nanaman nung monokuma chuchu. "Palitan mo to ng 6 kapag nasira mo!" Pagmamaktol ko at tumawa nanaman sila. Tumayo na kami at sumunod si hark.

"Yun lang naman ang kailangan naming malaman. Sige, salamat." Sabi ko at tinignan si Hark na prenteng nakaupo pa. "Saan tayo punta ngayong nag-cutting tayo?" Sabi ni Hark.

"Aalamin natin nangyari kay Cean," sabi ko at sumunod na siya sa akin. Nagpaalam na kami kay Andrea na naiwan doong kumakain at umiinom ng kape. Kumaway naman siya at kumaway din si Hark.

Sus. Depression. Utut niya.

Nang makasakay na kami biglang nagsalita si Hark. "Akala ko ba may bibisitahin ka pa?" Sabi niya. "Oo, mamaya. Baka magalit siya kasi maaga pa. Malaman niyang nag cutting ako," napatango tango naman siya.

On the way na kami sa bahay at inaasahan kong nandon na si mama. Sana nga.

Kinapa ko ang susi sa bulsa ko at sinaksak ito atsaka binuksan. Pinaupo ko naman si Hark sa sala at hinanap si mama.

"Jay!" Pagtawag ni mama. "Ma, andyan yung boyfriend ni Cean," sabi ko at saka tumango at dumiretso ng kusina para kumuha ng pagkain. Umakyat naman ako para kunin yung laptop. At saka tumuloy.

"E kung totoo nga po e, di sana may balita na sa TV patrol, or sa GMA, or sa kahit anong network," sabi ni Hark na dinig ko. "Hindi ko alam hijo, tumawag lang sa akin ang mommy niya kagabi. Yun din ang sabi," sabi ni mama atsaka nakita na nila ako kaya lumapit na ako saka nilapag sa mesa ang laptop ko.

"Hays. Sana wala pong nangyari sakanya kundi hindi ko kakayanin," sabi niya at bakas sa mata niya ang kalungkutan. "Sana nga," sabi ni mama.

-

A/N: GUYTH HINDI LANG NAMAN KAY KEN UMIIKOT TONG STORY NA TO SO WAG KAYONG MAGAGALIT DAHIL MAY SUMAKOP NA SA ILANG CHAPTERS. FILLER LANG DIN NAMAN KASI YANG MGA YAN, YUNG MGA NAKA BOLD AT ITALIC NA WORDS OR SENTENCES. CLUES YAN! BORING NO? ☺ SALAMAT SA SUPPORT! AND BTW MAKIKILALA NIYO RIN SI CEAN. NEXT CHAPTER SI LLOYD NA BAAAA? ;)

U & I [EDITING....]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon