30

62 8 0
                                    

30

Lloyd's POV

"Guys, ano bang meron?" Sabi ko sa kanila at si Jako lang ang tumingin. Parang dudurugin ako. Ano ba? Nakakailang ah. "Kanina ang init ng ulo ninyo jj at jako. Ano bang meron? At ikaw naman Ian parang naiilang ka?" Sabi ko nang patanong.

"Buti naman alam mo." Sabi ni Ian. Ano ba, "Hello?! Hindi to oras para magaway away?!" Sabi ko saka winave pa ang kamay.

"Ano nalang? Hahayaan niyi to? Para madurog ang 4Lloyd?!" Sabi ko ulit.

"Edi mabuti pa. Kita mo nga. Tong grupo natin naalala mo, e si jj, na nandyan oras oras, bawat minuto, asa tabi mo. Nang lumabas ka ng ospital, nasan ka na? Nagpasalamat ka ba sakanya? Ni binisita mo ba sya? Siya ang namomroblema ngayon!" Nagulat ako sa sinabi niya. Natamaan ako. Oo nga. Nagpasalamat ba ako? Hindi. Napakasama kong kaibigan. "Ano ba kasi talagang gusto mo?! Yung tayo laging asa taas kahit di na tayo okay?! Ni minsan pagbigyan mo din yang 325! Kasi hindi natin kailangan maging sikat! Para ano lang? Akuhin natin lahat ng gagawin?! Hindi mo ba alam na with a great power comes a big responsibility?! Sa tingin mo kakayanin ba nating akuhin lahat yon??! Magshare ka din, Lloyd!!" Selfish ako. Napakaselfish ko. Bakit ba hindi ko naisip lahat yon? Kasi gusto kong matalo si Hark. yun lang ang nasa isip ko. Hindi ko naisip yung mga kasama ko.

Di ko alam tumulo na pala yung luha ko. Napayuko nalang ako at humarap kay Principal saka nagpunas ng luha.

"Pasensya na sa pagiging selfish." Yun nalang ang nasabi ko. "Gusto ko lang naman na tinatrato tayo ng maayos--" pinutol ako ni Jako. Ang sakit talaga. Napalaselfish ko pala. "Bakit? Kapag normal na estudyante ba tayo without fame eh hindi nila tayo tatratuhin ng maayos?! O baka naman ang ibig mong sabihin eh gusto mo ng espesyal na pagtrato?! Yun ba?!" Sabi ni Jako. Tila nanginginig ang boses nya.

Tinignan ko si Ian sa gilid ko at nakalagay ang kamay niya sa noo nya. Umiiyak di yata sya.

"Ano?! Ano! Sabihin mo!" Sabi ni Jako.

"Tama na, bro." Sabi ni Jj. Para din syang lumuluha. Suminghot sya sa huling word na sinabi niya.

"Tangina. Seryoso Jj?! Tama na?! Are you dead serious?! Pinagtatanggol na kita tapos pipigilan mo ako?! At ikaw Ian, ngayon, sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin!!"

Tinanggal ni Ian yung kamay niya. Tumingin siya kay Jako. lumuluha din siya. "T-tama na.." Sabi ni principal. "Huwag kang makialam dito." Sabi ni Jako na ikinagulat naming lahat. Si Jako ang pinaka rumerespeto sa mga teachers.. Tapos.. Epekto ko ba to?

"Sabihin ko lahat ng gusto ko?" Sabi ni Ian saka suminghot. "Si Lloyd!! Siya lahat!!!! May utang na loob tayo sakanya, bro!! Kung hindi niya tinulungan si Jj nung Jimdandy, at hindi tayo tinawag, hindi mabubuo ang 4Lloyd!! Hindi tayo makakalipat ng bahay!!! Alam mo ba kung bat kami lumipat noon?! Kasi isinugal ni daddy lahat ng pera namin!! At saktong dumating si Lloyd! Siya lahat!! Kung hindi siya dumating, sana wala ako dito! Sa private ako noon bro! Pero muntik akong nakick out dahil wala akong pang tuition! Muntik nang magsuicide si mama non! Hindi namin alam yung gagawin namin! Kung hindi ko nakilala si Lloyd, patay na sana si mommy!!" Sabi ni Ian at tuloy tuloy ang daloy ng luha mula sa mata nya. "Malaki ang utang na loob ko sa kanya, Jako!" Sabi niya.

"Ikaw, malaki ang utang na loob mo. Kami? Pinilit niya lang naman sina mamang lumipat diba?! Bakit ko tatanawin na utang na loob yun? Nang iniwan namin ang bahay namin sa Angeles, nasunog yon!! Andun lahat ng memories ko kasama ni Jeric! Si Jeric yung kapatid ko!! Kapatid kong namatay dahil tumakbo sya sa loob nang nasusunog na ang bahay dahil nandun yung mga dapat naming kunin na stuffed toys niya! Nang pagpasok niya dun, may biglang sumabog. Dun na sya nawala!!" Umiiyak na kaming lahat at nakatunganga lang si Principal na kaharap ko.

Pero, wala naman akong kasalanan sa pagkamatay ni Jeric diba? Oo nga pinilit ko silang magkakapitbahay na kami kasi walang tumitira dun sa tatlong bahay pa namin. Tsaka yung bahay naman nila noon eh gawa lang sa kahoy.. Kaya sinabi ko. Tinanggihan ako ng magulang niya dahil malaking offer daw yon. Pero pinilit ko kasi sayang yon diba? Atsaka para magkakasama na din kami..

"Sorry." wala na akong ibang masabi kundi sorry. Kung makikisabay pa yung init ng ulo ko, lalong lalala ito. "Sorry." pag ulit ko.

"Sorry?! Bro! Hindi mabubuhay ang kapatid ko kapag nagsorry ka!" Sabi ni Jako.

"Pero wala namang kinalaman sa pagsabog si Lloyd, hindi ba?" Sabi ni Principal. "'Wag kang makialam sabi!!" Sigaw ni Jako.

"Ako may utang na loob ako sakanya." Sabi ni Jason. Napatingin sila sakanya, pati na rin ako. "Kung wala sya ngayon.. Patay na ako." Sabi niya. "May baril na dala si Shaira nun.. Yung kapatid ni Evenlyn. Nilabas niya na non yung baril ko. Itututok nya na sana nang biglang dumating si Lloyd.." tuloy tuloy ang iyak namin at humihikbi na din kami. Pati si Principal eh..

"Sir bakit ka umiiyak?" Sabi ko nang pahikbi.

"Ngayon ko lang kasi nalaman.. Na kahit mahangin ka, madami ka papang naitutulong. You're the man." Sabi niya.

Tahimik ang lahat. Wala atang balak magsalita. Maski ako eh. Maayos pa kaya ito?

Ayaw ko lang naman kasing mawasak kami eh. Pero oo na aaminin ko na. Masyado akong selfish. Oo na.

"Sorry na mga bro." Sabi ko. Saka humarap sakanila at nagform ng parang yayakapin ko sila.

"Hindi nga madadala--ayos lang bro." Pinutol ni Ian si Jako saka nakiyakap, sumunod si Jj at sir. Tinignan namin si Jako.

U & I [EDITING....]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon