39

29 1 1
                                    

Ian's POV
*Same day*
Pauwi na ako ng bahay at parang may masama akong kutob. Parang hindi ako mapakali-- pinagpapawisan, malamig ang mga palad, at nanginginig. Parang hindi ako okay, na okay.

Hindi ko pa rin makontak si Jako. Pano ba? Eh parang di niya yata matanggap yung nangyari sa amin nung noon noon pa. At saka, hindi ko na kasalanan kung napapano si Christine. Kasalanan ko ba na hindi niya matanggap yung nangyari noon? Eh, sa totoo namang puppy love lang yon, pero sineryoso niya.

Maganda naman na siya eh, aaminin ko. Kahit na transgender pa siya, oo, maganda siya, pero napaka-immature niya! sana naman, kung sinabi nang ayaw ng tao, sana itigil na, hindi yung ipinagpipilitan pa. Babae siya-- kahit natural na lalaki-- pero still, mali pa rin yun. Hindi dapat mang-approach ang babae.

Kung gusto niyang maging babae, alam niya sana ang mga responsibilidad bilang babae.

Bumaba na ako sa tricycle at dumiretso na sa pagbukas ng pintuan ng bahay namin.

Pag bukas ko, ay bumungad sina mama na nasa sala. Kasama si Pito, ang ama ni Christine, at ang kanyang Ina. Mukhang may seryoso silang pinag-uusapan.

May nakalapag na tea, at biscuits sa lamesang maliit at hindi maipinta ang kanilang mga mukha.

Napatigil sila nang makaramdam na nandito na ako.

"Anak." Sambit ng aking ina.

Hindi ko sila pinansin at tumuloy na sa pagtanggal ng sapatos. Habang tinatanggal ko ito, nagsalita uli si mama. "Anak." Sabi nito. This time, tinignan ko na siya.

"Ma." Lang ang tanging lumabas sa aking mga bibig. Kahit na marami akong gustong sabihin, kung ito lang ang lumabas, ito lang talaga. Nais ko mang tanungin kung anong mayroon, kung bakit sila narito, at kung bakit ganun ang kanilang mga mukha.

"Pe-puwede ka ba namingh makausap?" Bulalas ni Pito.

"Seryoso ito, anak." Sabi ni mama.

"Tungkol ito kay Christine." Sabi naman ng ina niya.

Napatigil ako sa pagtanggal ng aking sapatos. Tinignan ko sila. Wala kang makikitang nakakurba na nagpapakita ng kasiyahan sa mga labi nila, panay lamang mga malalamlam na mata, at nakabusangot na mga bibig. Wala akong nagawa kundi ang tumango.

Kahit na masama sa aking loob, pag kapalit ko ng tsinelas, umupo ako sa tabi nila.

"Ano ang mayroon sa kaniya, ma?" Tanong ko rito, iniiwasan kong tumama ang aking mga mata kina Pito at Pita.

Mukha silang kinakabahan. Napakunot ng noo si Pito at saka napalunok.

"Gusto ka ng anak namin, Ian." Panimula nito. "Sana pumayag ka." Sabi nito saka inabot sa akin ang isang folder, na may medyo makapal na laman. Pagbukas ko, ang nakita ko ay, Marriage Contract.

Napatihaya ako sa gulat. Bigla ko nalang itong nabitawan. Tinignan ko sila at binalangkas ang salitang, "HINDI." Tapos na ang desisyon ko. Hindi, hinding hindi ako papayag.

Lahat sila napatigil at nakatingin nalang sa akin. Nakita ko si Pita na tila ba'y mangiyak-ngiyak na. Bigla siyang napahawak sa kaniyang bibig at humikbi. Inakbayan siya ni Pito at saka sinimulang patahanin.

Sinenyasan ni mama si Pito na kausapin ako at siya na ang bahala kay Pita.

Hinawakan ako ni Pito at dinala sa labas ng bahay.

Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. "Anak, please, pumayag kana." Sabi nito at nakita ko naman ang sinseridad sa kaniyang mga mata. "Yun ang hiling ni Christine noon. Baka sakaling pag narinig niya ito'y magising siya mula sa pagkaka-comma." Sabi nito na ikinagulat ko naman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

U & I [EDITING....]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon