36

19 1 0
                                    

36

Ian's POV.

JS prom is coming. At tatatlo palang kaming magkakaayos. Papano ba 'to? Hindi ba dadalo si Jako?

Nakahiga ako sa kama ko. Ilang araw na nang malaman kong si Jason at si Anna na daw. Ang sweet naman. Tsk.

BITTER AKO E sa ano? Tss. Ikaw ba naman mahulog dahil sa maling akala. Bigla akong kinilabutan. Shhiiittt. Kadiri lang. Sa bakla ako nahulog.

Whatever. Puppy love lang yun. Hanggang dun na yun.

Pero nga. Sigurado, mawawalan na ng time sa barkada si JJ dahil may Girl friend na siya. Edi wow. Ganda ng lovelife niya. Samantalang si Lloyd naghahanap pa ng mahaharot. Naks! Ako okay na dito. Okay na kahit tumandang mag-isa....walang mag aalaga...walang mag mamahal... Magisa.. STUPID THOUGHTS! Tss. Kaasar lang. Pwede naman umampon tas mag-hire ng yaya, diba?!

Para ano? Parang Yaya Maya-Sir Chief lang ang story niyo? Kukuha ka ng katulong tapos maiinlove ka dun? Kahit na inis na inis ka kasi mahirap siya?

Stop it! You're ruining my mood! Stupid thoughts! Would you just EFFIN STOP?! Di ko rin naman kasing maiwasan na magisip. Nakakaloko naman. Hays!

Dibale.

Si Jako, I think magmumuni muni lang yun. And He'll be back to his usual self. The smiling one. Nagkamali ako nun. He'd never stop smiling. Babalik at babalik siya sa aming mga kaibigan niya kasi mahal niya kami at 'di niya kami matitiis. Ugh, bromance. Nako, ang yaoi much.

Pagkatapos ng Prom, Valentines day, tapos March na. GRADUATION DAY NA. Nako. Masyado ata akong advanced.

Lahat ng tawag ko kay Jako hindi nasasagot kasi unattended yung cellphone niya. Tapos naman pag sisilipin ko yung bahay nila, wala namang kailaw-ilaw. Iniisip ko nga kung na-rehab na naman ba sya. Mamaya naman, sa puntod ng kapatid niya ako pupunta. sa memorial garden. halos lahat ng expenses sa kapatid ni Jako eh si Lloyd ang gumastos eh. Ewan ko kung ba't ganun pa din siya kay Lloyd.

'Di ako sanay sa tahimik. Well I guess I'm ready to go naman na. Kaya isinuot ko na ang rubber shoes ko. Lalakadin ko lang naman yung Memorial Garden eh. Kasi nasa mismong subdivision na namin yun.

Kumuha na ako ng pera pambili ng bulaklak at kandila na ititirik ko mamaya.

"Ma punta pang po memorial garden!" Sigaw ko atsaka lumabas na. Lahat ng makakasalubong ko nginingitian ako kaya nginingitian ko rin sila pabalik.

Natatanaw ko na yung flowershop kaya tinakbo ko nalang.

"Blue roses po." Sabi ko atsaka namula yung nagtitinda, mukha siyang college student na nagpa-part time dito eh. Inabot ko na ang bayad, nagpasalamat at umalis na.

Dumiretso na ako sa sementeryo. May parang bahay yung kay Jeric eh. Hindi ko nga lang alam ang tawag. Kulay puti tapos mataas. Parang halos laging pinipinturahan e, never nadudumihan.

Habang naglalakad ako, may natatanaw akong mag-syota na naghaharutan. Nakapulupot sa braso ng lalaki yung braso ng babae at parang ang saya saya nilang nagHAHARUTAN. Hello! Asa public po kayo! Tsk.

Nang papalapit na sila ng papalapit, napansin ko lang.. Parang kilala ko yung lalaki. Nakablonde ng buhok pero parang kilala ko siya. Singkit na mata.. Magandang katawan.. Nagkalagpasan na kami ng maamoy ko siya..

Napahinto ako sa paglalakad at Lumingon ako pabalik. "Jako?" Nahinto naman siya at ganun din ang babaeng kasama niya na tumatawa. Lumingon ang babae na may masamang tingin. "Christine?!"

"Oo bakit?!" Sabi nito at lumayas na saka hinila si Jako. Nakarinig ako ng "Panira ng araw" sa kanila. Waddapak? Hindi naniwala sa akin si Jako na bakla yun? Punyemas. Edi magsama sila. Tsk. Naman eh. Bakla kasi yun, bakla!! Tsk. Nakakawalang gana. Aish!

Didiretso na lang ako sa puntod ng kapatid niya. Nigga.
May nakatirik na kandilang kulay orange at may nakalagay bulaklak na kulay asul sa vase ng kapatid niya. Binuksan ko na ang pinto at saka tumuloy.

"Oy, hi Je! Kamusta ka?" Sabi ko ng nakangiti at nakatingin sa picture niya. Umupo ako at nagtirik ng kandila. "Hay, Je. Yung kapatid mo, ang sakit sa ulo." Sabi ko at biglang humangin. "Kung alam mo lang.. minsan na nga magkaroon ng girlfriend, bading pa." sabi ko. Tumigil ng kaonti ang ihip ng hangin. Nasindihan ko na ang kandila at ibinaba ko na ito kasabay ng bulaklak. "Ikaw ba, kamusta ka na diyan?" Tanong ko. "Namimiss na kitang kalaro. Dati lang nakikipaglaro ka sa akin ng tagu-taguan eh. Ngayon din ulit? Kulit mo talaga." I smirked. nakakamiss tong bata na to. Sobra. Walang ibang ginawa kundi ngumiti. "Tulungan mo naman akong mapagbati-bati yung mga kuya mo, oh.. lahat sila, depressed. hindi ko na din alam kung ano ang ikikilos ko eh." Napasigh ako. "Hindi ko mabasa yung utak ng kuya mo. Nag away kaming lahat, nawala siya, tapos makikita ko nalang siya, kasama yung first love kong transgender. nakakadiring isipin, kaya kung tutol ka, mag-isip ka ng paraan para hindi sila magkatuluyan.." Sabi ko at bigla akong may narinig na katiting na kampanteng tawa. Lumingon ako at nakita ko si Christine.

"Bakit? Nagseselos ka?"

Third Person's POV

Nagulat si Ian at naiwan siyang nakatulala. "Ano, naseselos ka?" Banggit nito. "Pagkatapos mong malaman lahat, iniwan mo na ako." sabi ni Christine na nanginginig. "Iniwan mo ako..iniwan mo.." sabi nito na tila ba may pighating hindi mabitawan.

"Bata pa tayo non. Wala pa tayong alam sa ganyan." sabi ni Ian na sa wakas ay nakawala na rin sa gulat.

"BATA PA?! BUT YOU WERE IN LOVE!" Sigaw ni Christine sa kanya.

"IN LOVE? What the heck?! 'Wag ka ngang umasa! Bata pa tayo 'nun! Hindi ko pa alam ang ginagawa ko! Wala pa tayong muwang sa mundo 'nun!" Sigaw ni Ian.

Napatigil sila ng ilang minuto. biglang tumulo ang luha ni Christine. "Sana pala..sana pala.. Hindi nalang kita sinundan.. sana pala.. hindi na kita pinahanap.. sana pala..hinayaan ko nalang na mamatay ako..sana pala.." hindi na naituloy ang sasabihin ni Christine nang biglang tuloy-tuloy na ang luha nito.

"Anong pinagsasasabi mo?" Tanong ni Ian. Nagtakip ng bunganga si Christine at tumalikod na. "Sana pala..hindi na ako nagpakatanga." sabi nito sa pagitan ng mga paghikbi niya.

Naiwan si Ian doong tulala. Napaisip siya, 'Ano ba ang pinagsasasabi niya?! Sinundan? Pinahanap? Ano?! Kailangan ko itong malaman.. ano ba lahat ng yun?!"

Samantalang si Christine naman ay tumakbo papunta ng high way, hindi na lang niya namalayan, nakahilata na pala siya sa daan. Hindi na lang luha ang tumutulo, pati dugo. Ang mga tao, nagsisigawan. Ang lahat ng nakikita niya ay umiikot. wala siyang maramdaman na kirot. Namamanhid ang katawan niya. Hindi siya makakilos. At tila bumibigat ang talukap ng mga mata niya..hanggang sa itim nalang ang lahat ng nakikita niya.

U & I [EDITING....]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon