35.1

55 4 0
                                    

ALEERT! CLIFFHANGER ALERT!!
Still the same day.
35.1

Jason's POV

Pagkatapos kong makipagbati, nagisip ako kung papaano ko ba susuyuin si Anna. Nahihirapan ako e, masyado akong unprecedented sa mga nangyayari. First ko ba naman, akalain mo yun.

Pero yung mga nababasa ko din meron din namang nakakatulong. Kesyo flowers, chocolates, or something like that.

Kailangan ko ng drastic advice from someone, it's now or never.

Umuwi nalang muna ako para kausapin si mama tungkol dito. Si mama ang expert dito eh, siyempre napagdaanan na niya 'tong mga 'to. Nasaktan na siya, natuto, lahat-lahat na. Syempre, sa lahat ng puwedeng makatulong sa tao e, yung parents natin. Kasi ako, wala naman akong hiya kaya kahit anong open ko sa mom ko, okay lang. Always siyang nandiyan and she will never leave me. She's my mom, my sister, my friend, my shadow, and the moon of my life.

Ano ba, papakiligin ko pa si Anna kaya mamaya na 'tong drama ko. Hahaha.

Pagdating ko ng bahay ay agad akong dumiretso sa kuwarto ni mama. nang nasa harap na ako ng pinto niya ay kumatok na ako.

"Ma, you there?" Sabi ko.

"Pasok lang, nak." Sabi nito at saka ko binuksan ang pinto. Nasa harap siya ng tv at nanunuod ng OMG. Hays, si mama talaga. "O, Ano yun, nak?"

Kinakabahan akong magsabi kasi baka sabihin niya na namang ang korni-korni ko. Korni daw kasi ang taong in love. 😂🔫

"Ma, kasi..ano.." sabi ko at napakamot sa ulo. Tinapik niya naman ang bandang kanan ng sofa sa harap ng tv niya dito sa kwarto niya na senyales na pinapaupo niya ako. "Bakit, 'nak?" Ika nito.

"Ma, pano ba manuyo ng babae?" Tanong ko sakanya. Napangiti siya at ibinaling niya ang tingin niya sa tv.

"May nangyari ba sa inyo ni Anna, anak?" Sabi nito.

"Opo ma, sorry ngayon ko lang po nasabi," sambit ko. Tinignan niya naman ako at hinawakan ang pisngi ko paa maiharap ako sa kanya.

"Alam mo nak, nung kasing taon kita, ganyan din nangyari sa akin." huwat? Nagkukuwento na siya e di niya pa alam Yung nangyari a. "Kasi anak, pansin ko naman sa kilos mo e, ganyan na ganyan din ang tito Ralph mo noon." sabi nito. Si tito Ralph ang ex ni mama. Close pa din sila. "Kami pero, hindi kami. yun bang tipo na kami pero away kami ng away. Halos 4 months ata yun na 'di kami nagpapansinan. Ayun, nagsawa, nangbabae." sabi niya. What?! Hindi ako ganun tapos sasabihin niyang pareho kami. Naman si mama.

"Nung nangbabae na siya, dun ko na tinapos lahat. Wala na ding saysay yung pagiibigan namin, kung gano nga dapat ang tawag don, kung wala naman kaming komunikasyon. ni simpleng ngiti, hindi niya maibigay. Kaya ikaw anak, bago ka iwan ni Anna, gawan mo na ng paraan." Sabi niya at tumingin agad siya sa TV at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko.

"Yun nga, ma.. pero hindi ko alam kung pano ko siya susuyuin. Sa tinagal tagal naming unstable, baka ayaw niya na sa akin." tumingin ulit siya at saka ngumiti, ulit.

"Baliw ka, kahit ganyan yan, hindi ka niyan makakalimutan. Kahit nga non e, nambabae si tito mo, mahal pa din namin ang isa't isa. Madaling magsawa nak, kaso mahirap maghanap ng ibang katulad ng minahal mo." Sabi nito. "Kasi, para hindi ka magsawa, bago ka pumasok sa isang bagay, isipin mo muna, 'Kaya ko ba to? Eto na ba talaga to?' Isipin mo yung kahihinatnan ng gagawin mo. Every move you make, affects your daily life." pagpapatuloy nito. "Oh siya, masyado nang madrama ang mama mo. Pero nga, may tanung ako nak." Sabi niya at saka tinaas baba ang kilay.

"Ano 'yun, ma?" Sabi ko.

"Kayo na ba?" Tanong niya sa akin na parang sumakit yung ulo ko.

"Hindi pa, ma." sabi ko.

Natahimik siya ng ilang segundo. "Yan ang mahirap, nak. MU lang kayo, nililigawan mo pa lang siya.. Walang commitment. Pero mahal ka naman ni Anna, sa tingin ko Pero ayun nga, wapang commitment. Para bang nawalan ka ng karapatan."

"Karapatan na ano, ma?"

"Boyfriend moves." Sabi ni mama. "Kaya tindihan mo 'tong panliligaw mo sa kanya ngayon. Magpakita ka ng SOBRANG effort. Kaya mo ba, 'nak?" Ngumiti siya atsaka itinaas niya ang ulo ko. Napangiti naman ako atsaka napatango. "Okay, let's go!"

U & I [EDITING....]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon