Prologue

44 9 10
                                    

‘Yes!may load na ako sa wakas!’ saad ko sa aking sarili habang bumababa sa bundok.

Wala kasi talagang signal don kahit may load ka kaya kailangan ko pang bumaba ng bundok para don tumambay kina Aling Nena.Malakas kasi ang tama ng signal don.

Pagkarating ko sa tindahan ni Aling Nena ay kaagad akong umupo sa lagi kong tinatambayan na upuan.Dali dali kong binuksan ang aking cellphone at hinanap ang dating app.Lagot baka galit na yung boyfriend ko nito.

Pagbukas na pagbukas ko ay halos gumuho ang mundo ko sa aking nakita at nabasa.

Adam

‘babe?I can't take this anymore lagi ka nalang offline.Kung mag online ka naman lagi kang may tinatapos na thesis.I think we should break up’

Sent 7:30pm friday.

Akala ko naintindihan na niya ako?Sinabi ko naman sa kanya na may problema ako sa signal at load pero ano toh? Nangako pa siya sakin eh sabi niya di niya ako iiwan at naiintindihan niya ang sitwasyon ko.Pero I guess tama nga sila ‘Promise's are meant to be broken’.

May kasalanan din naman ako at di ko yun itatanggi.Lalaki parin si Adam at nangangailangan iyon ng pagmamahal kaya kailangan niya talaga ako sa mga panahong yun pero anong magagawa ko? kung hindi lang sana ako nakatira sa bundok at sana may maayos na signal baka mapunan ko ang pagkukulang ko sa kanya.

How I wish na sana pinanganak nalang akong mayaman.


Out Of Data(Internet Series #6) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon