Chapter 10

10 3 5
                                    

Chapter 10

Malungkot ako buong byahe sa di ko malamang dahilan.Ewan ko ba nakakalito, nakakalito 'tong nararamdaman ko para kay Adam.Kanina ang saya saya ko pa nong chinat siya pero nang dahil lang sa simpleng ‘Im not that serious’ niya bigla nalang akong nalungkot.

Sa sobrang lutang ko ay di ko pa sana mamamalayan na nandito na kami sa eskwelahan kung hindi pa ako tinapik tapik ni Hanz.

“Anyare sayo Kat? Kanina ka pa lutang at mukhang malungkot, may problema ba?” takhanng tanong ni Hanz kaya naman dali dali akong umiling.

“W-wala k-kinakabahan lang,.” pagdadahilan ko.

“Ano ka ba Kat wag kang kabahan! Nandito naman ang pogi mong kaibigan eh!” kung nasa wisyo ako ay baka nabatukan ko na 'to.Nginitian ko nalang siya ng pilit at naglakad na papasok ng school.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa gate ng school ay 'di ko inaasahan ang makikita ko.Nakita ko si Bea na may binubully na namang babae.

Naaawa ako sa babae.Gusot gusot ang basang uniporme nito at marami din siyang pasa, tulad lang ng nangyare sakin no'n sa mga kamay ni Bea at mga katropa niya.

Habang pinanunuod ko sila ay nabaling ang tingin ni Bea sakin kaya naman namutla ako bigla.Don't tell me bubullyhin niya na namam ako this year?

“You're free now Katya, we found new toy to play right?” at binalingan niya ang babaeng kanina pa nakaluhod at nakayuko.

“Answer me freak!” napaigtad ako sa biglaang pagsigaw ni Bea pati ang babaeng binubully nila napaigtad din.

“Y-yes a-ate,” ate?kapatid niya?

“Don't call me ate you freak! Hindi kita kapatid!” galit na galit na saad ni Bea.Halos lumabas na lahat ang ugat niya sa leeg dahil sa kakasigaw.

“And you Katya.” baling niya sakin.

“Be happy, tapos na ang serbisyo mo samin right guys?” at bumaling siya sa mga kaibigan niyang baliw din tsaka tumawa.

Nakatingin lang ako sa babae.Naaawa ako sa kanya.Gusto ko man siyang tulungan pero naduduwag ako.Natatakot ako na baka mangyari ulit sakin ang pambubully nila.

“Let's go Kat,.” nagulat ako sa paghila sakin ni Hanz pero agad din naman akong nakabawi.

Pumunta na kami sa Nursing Building dahil nursing ang kurso naming dalawa ni Hanz.Isa din siguro 'to sa rason kung bakit kami close ni Hanz.

“Kawawa naman yung babaeng yun 'no?”

“Oo nga balita ko transferee lang daw yun tapos napagtripan agad.”

“Kasalanan naman niya eh,.”

“Ano ba'ng ginawa niya?”

“Kanina daw kasi pinapatabi siya ni Bea pero ayaw niya kaya yun,.”

“Kawawa naman siya anganda pa naman niya 'no?”

“Oo nga bes, pero hayaan na natin siya.”

Yan ang naririnig kong bulungan ng dalawang estudyante na nakasalubong namin.Naaawa tuloy ako sa babaeng yun.Kung sana lang talaga kaya kong labanan si Bea eh pinagtanggol ko na yun, pero wala eh duwag ako.

Nakarating na kami sa room.Matamlay padin ako hanggang ngayon.Matamlay ako dahil kay Adam at dahil sa babaeng yun.Oo alam kong 'di ko kilala ang babaeng yun pero kasi naiimagine ko sa kanya yung dating ako.

Kahit saang sulok ng paaralan ay palagi akong pinagkakatuwaan nila Bea.Binubusan ng tubig, juice o di kaya'y kape.Sinasabunutan pa nila ako at minsan ay sinusuntok.Naranasan ko pa ngang hipuan ng mga katropa niya, pero wala eh 'di ko sila kayang labanan.

Out Of Data(Internet Series #6) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon