Chapter 15
Matapos ang araw na yun ay tuluyan na akong nilayuan ni Hanz.Sa room ko lang siya nakikita lagi.Nagbago nadin siya.'Di na siya yung dating Hanz na pala ngiti, bibo at palaging nang-aasar.Siya na ang Hanz na walang pake sa paligid niya, ni di na nga alam ang salitang ‘ngiti’ eh.
Maya maya pa ay pumasok ang prof namin kaya't napatuwid ako ng upo.
“Good Morning Class,” bati niya.
“Good Morning Prof,” bati namin pabalik.
“Good News Class, matatapos na next week ang tambak tambak niyong thesis tsaka sa lunes na din ang sem-break niyo,” napahiyaw naman ang mga kaklase ko dahil do'n.
“Sa wakas makakagala na din ako,”
“Magcecellphone ako buong araw,”
“Magbeaubeauty rest nadin ang aking brain cells,”
“Makakapagdate nadin kami ng bebe ko,”
Ilan lang yan sa mga sinasabi ng kaklase ko.Halos lahat yata kami dito sa room ay excited na excited magkaroon ng sem-brake.Lalo na ako.Makakapag-usap na kasi kami ni Adam ng maayos at madalas ko ding makakasama si Lola.
Nagklase na samin si prof at sinundan pa ito ng iba pang mga prof hanggang sa natapos ang araw.
Nandito na ako sa bahay ngayon at hinihintay na makatulog si lola.Gising parin kasi siya at nakatitig lang sa bubong namin.
“Pasensya ka na apo,” nagulat ako sa kanyang sinabi.
“La? Bakit po?” umiwas siya ng tingin at nakita ko siyang nagpahid ng luha kaya naman dali dali ko itong linapitan.
“La bakit po? May masakit po ba sa inyo,” nag-aalalang tanong ko.
“W-wala s-sige matutulog na ako apo,” sabay pikit niya ng mata at talukbong ng kumot.
Lumipas ang ilang minuto at nakatulog na si lola kaya naman natulog nadin ako.
KINABUKASAN ay nagising ako dahil may humahagod sa buhok ko.Pagmulat ko ng mga mata ay sumalubong sakin si lola na naluluha kaya naman agad akong napabangon at tiningnan siya ng may pag-alala.
“La anong nangyare? May masakit ba sa inyo? Ayos lang kayo? Ba't kayo umiiyak?” sunod sunod kong tanong, napatawa naman siya.
Baliw na ba si Lola? Ba't siya tumatawa habang umiiyak? Tears of Joy?
“Ayos lang ako apo, napuling lang,” sabay tawa na halata namang pilit.
“Weh? Sure kayo la?” tumango tango naman siya.
'Di na ako nagtanong pa sa kanya dahil halata namang ayaw niya akong sagutin.Sana lang talaga di umaatake sakit niya, pero mukhang hindi naman yata.'Di naman masama ang mukha eh.
Bumangon na ako at nagprepare na para pumasok sa eskwelahan.Biyernes ngayon kaya't umpisa bukas ay sem-break na.Nakakaexcite tuloy.
Natapos na akong magprepare kaya naman pinuntahan ko na si Lola.
“La, aalis na po ako hayaan niyo po bukas eh mag uumpisa na ang sem-break namin kaya't mapapadalas na tayong magkasama,” saad ko, napatango naman siya.
“Sige apo, aasahan ko yan,” at bagayang ngumiti.
“Sige La ah aalis na po ako,” pamamaalam ko tumango naman siya at ngumiti ng todo ket walang ngipin si Lola maganda parin siya para sakin.She's the most beautiful woman I've ever seen.
“Sige apo ingat ka,” matapos iyong sabihin ni lola ay lumakad na ako paalis.
Paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Hanz na palabas narin sa bahay nila kaya naman napahinto ako, para pagmasdan siya.Namimiss ko na siya.Alam kong minahal niya ako pero di ko kayang magalit sa kanya.Wala naman siyang kasalanan eh, nagmahal lang naman siya.Minahal niya lang ako.
BINABASA MO ANG
Out Of Data(Internet Series #6) [Completed]
Teen FictionKatya Ramos is the girl who stole Adam Easton's heart.She's a simple girl who lived at the top of the mountain.She also born in poverty thats why she can't afford to buy load sometimes. Adam Easton and Katya Ramos meet each other in a dating app and...