Chapter 5

14 4 0
                                    

Chapter 5

Kanina pa akong naglalakad dito sa bayan subalit wala parin akong nakikitang trabaho na pwedeng pasukan.Ang hirap talagang maghanap ng trabaho dahil di pa ako tapos sa pag-aaral idagdag mo pa yung init, gutom at pagod ko pero syempre hinding hindi ako susuko.Kelangan kong makompleto ang school supplies ko sa mismong araw na 'toh.

Sa aking paglalakad ay napadaan ako sa karinderyang puno ng customer.Hindi magkanda ugaga ang mga nagtratrabaho don sa pagserve at sa paghuhugas kaya't nilapitan ko ang ale na sa tingin ko ay ang may ari.

“Magandang Umaga po!kayo po ba ang may ari ng karinderyang toh?” tumango naman siya.

“Pwede po ba akong mag extra sige na po ket taga hugas lang po ng pinggan o di kaya'y taga serve ng pagkain.Sige na po para po makabili na ako ng school supplies,.” pagmamakaawa ko dito.

“Sige sige Ineng, punta ka na don sa kusina.” kaya dali dali naman akong pumunta sa kusina at inumpisahan ng hugasan ang tambak tambak na plato at kaldero.

Habang tumatagal ay padami ng padami ang customer kaya todo bilis ako sa paghugas ng mga plato.Medyo kumumulubot nga ang mga palad ko dahil sa sabon.Di kasi ako masyadong sanay sa paghuhugas ng ganito karaming pinggan kasi nga don sa bukid eh dalawa lang kami ni lola ang kumakain kaya tig dadalawang pinggan at kubyertos lang ang hinuhugasan ko.

Kaya lang titiisin ko nalang ang pangungulubot ng mga palad ko di naman ako nasasaktan eh iisipin ko nalang na para lahat sa pag-aaral 'toh.Gusto ko kasing makaahon kami sa kahirapan ni lola at gusto ko ring mapagamot siya kaya't sinisipagan ko ang pag-aaral nang sa ganon ay matupad ko ang aking mga mithiin.

Magtatanghali na at mas lalo pang dumagdag ang mga customer.Masakit na din ang likod ko kakayuko.Medyo nangangalay na din ang mga kamay ko kakabuhat ng plato.Nilabas na kasi nila ang mga babasagin at mabibigat na plato dahil naubusan na sila ng mga pinggan.

Ang hirap talaga pag may ganito kang business lalo na't patok ang business niyo sa mga tao pero at the same time maganda rin yung ganto kasi kahit pagod ka eh madami ka namang nakikita.Nakikitang gwapo,mach---ay jk lang syempre pera.

“Oh Ineng tumayo ka muna dyan at kumain ka don ako na muna ang bahala diyan,.” napalingon ako sa nagsalita, yung may ari pala.

“Opo Aling-- ano nga po pangalan niyo?” napatawa naman siya ng mahina.

“Marta ang pangalan ko Ineng ikaw anong pangalan mo?” pagtatanong niya.

“Katya po Aling Marta.Salamat nga po pala sa pagpaextra sakin dito.Naku naku kanina pa talaga ako naghahanap ng mapagtratrabahuhan.Kulang kasi talaga yung pera kong pambili ng school supplies.Pasukan pa naman bukas,.” mahaba habang paliwanag ko.

“Oh siya sige na Ineng pumunta ka na don at kumain na.Alam kong gutom ka na.” tumayo naman ako at nag-inat inat.Aray ang sakit ng likod ko.

Pumunta na ako sa pagpipilian ng pagkain at kumuha na.Kumuha ako ng dalawang cup ng kanin at isang cup ng dinuguan tsaka kumuha din ako ng konting pipino.Dinala ko na ang pagkain ko sa pinakamalapit na mesa at nagsimula ng kumain.Ang sarap ng dinuguan.

Habang kumakain ako ay pumasok bigla sa isip ko si lola.Ano kayang kinakain niya don?masarap kaya ang ulam niya?.Di ko maiwasang malungkot.Naiimagine ko kasi na hindi masarap yung ulam ni lola tapos ako dito sarap na sarap sa kinakain ko.Nawawalan tuloy ako ng gana pero mamaya sisikapin kong makabili ng lechon manok para naman masarap ang ulam namin mamaya.

Matapos kong kumain ay agad kong hinugasan ang aking plato at pinuntahan si Aling Marta para kunin ang sweldo at magpaalam na din.

“Aling Marta pasensya na po kayo ngunit di po ako pwedeng tumagal dito.Pwede ko na po bang makuha yung sweldo ko?” pagtatanong ko.

“Oo naman Ineng,.” sabay bigay sakin ng 500 na agad ko namang tinanggihan.500?!para sa paghuhugas lang ng plato naku naku di naman makatarungan yun noe.

“Hala Aling Marta bat po 500?!simpleng paghuhugas lamang po iyon ng plato,.” pagtatanggi ko.

“Ano ka ba Ineng, deserve mo naman na bigyan ng ganitong halaga.Masipag kang bata tsaka nakikita kong pursigido ka talaga sa pag-aaral kaya't tanggapin mo na para naman makompleto na yung school supplies mo,.” wala na kong nagawa pa kaya't tinanggap ko na ito.

“Salamat po talaga ng marami Aling Marta sobra sobrang biyaya na po ito para sakin.Nang dahil dito di na po ako maghahanap ng another job ngayong araw.Makakauwi na din po ako ng maaga.Salamat po talaga Aling Marta!” saad ko habang abot tenga ang ngiti.

“Walang anuman Ineng basta pagbutihan mo lang ang pag-aaral mo at malayo ang mararating mo,.” napatango naman ako dahil don.

“Sige na po Aling Marta, aalis na po ako para bumili ng school supplies.Paalam po hanggang sa susunod nating pagkikita!” pamamaalam ko sakanya.

Lumabas na ako ng karinderya at nag-abang ng traysikel.Pupunta nalang ako sa City Mall at mamimili ng school supplies balita ko kasi mura ang mga tinda don.Nasa 1,500 kasi ang pera ko.Mga 1,200 siguro ang magagamit ko sa school supplies at yung 200 naman ay ipambibili ko ng lechon manok at ang 100 naman ay siyang magiging pamasahe ko pauwi at kung may sobra don ay ipapaload ko nalang.

Maya-maya pa ay may dumaan ng traysikel kaya't sumakay na ako.

“Manong sa City Mall po ako,.” magalang kong saad kay manong driver.

“Sige hija,.” at pinaandar na niya ang traysikel.

Habang umaandar ang traysikel ay di ko maiwasang pagmasdan ang matatayog na mga gusali.Maganda ang mga ito pero di hamak na mas maganda ang mga puno kesa dito.

Marami akong nakitang maiitim na usok na siyang binubuga ng mga sasakyan.May nakikita din akong mga bata na namamalimos.Meron din akong nakikita na mga vandalism sa bawat pader.

Ibang iba talaga ang bayan sa bundok.Sa bundok kasi sariwa ang hangin wala kang makikitang maiitim na usok meron namang usok kaso makikita mo lang yun sa mga niluluto o sa mga tuyot na dahon na sinisigaan.

Sa aking pag-iisip ay di ko na napansin na nandito na pala kami kung hindi ako sinabihan ni manong driver.Nagbayad na ako at tsaka bumaba na at pumasok na sa City Mall.

Pagkapasok ko palang ay langhap ko na ang iba't ibang amoy ng tao at damang dama ko rin ang lamig ng aircon.Kitang kita ko din ang mga stall na may nakalagay na ‘free taste’.

Maraming batang naglalaro sa playground, mga magjowang nagdedate at meron ding magpamilya na nagbobonding.Naiinggit tuloy ako.

Mabuti pa sila kompleto ang pamilya eh ako?lola lang ang meron ako kasi iniwan ako ng pamilya ko.Minsan tuloy naiisip ko kung mahal ba talaga nila ako?bakit nila ako iniwan kay lola?siguro pabigat ako sa pamilya namin kaya't iniwan nila ako kay lola at namuhay sila ng wala ako.

Pero syempre iintindihin at rerespetuhin ko nalang ang kanilang ginawa.Siguro may malalim naman silang rason kung bakit nila ako iniwan kay lola.

Ayaw ko din kasing magtanim ng sama ng loob sa kanila.Alam ko namang mahal nila ako eh.Bakit pa ako nandito sa mundo kung hindi nila ako mahal?may malalim lang sigurong problema ang dumating sa kanila kaya't kinailangan nila akong iwan kay lola.

Sana lang talaga maganda ang rason nila para naman di ako masaktan ng lubos.Mas masakit kasing masaktan ka ng pamilya kesa sa jowa o kaibigan kasi yung pamilya mo, ang kakampi mo sa lahat ng oras at kailangan talaga ng bawat tao ang pagmamahal ng isang pamilya.Kaya nga gusto ko ng makita sila eh kasi matagal na kong naghahanap ng kalinga mula sa aking pamilya.Oo may lola ako pero iba parin talaga pag buo mong pamilya ang magmamahal sayo.

‘Walang makakapantay sa pagmamahalan at samahan ng isang pamilya’.Kaya nga hinihiling ko talagang makita ko na ang totoo kong pamilya upang malaman ko na kung ano ang feeling na magkaroon ng kompleto at masayang pamilya.

I hope na makita ko na ang pamilya ko balang araw.

Out Of Data(Internet Series #6) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon