Chapter 13

11 4 0
                                    

Chapter 13

Natapos din sa wakas ang klase namin ngayong araw.Kanina pa ako kinikindatan ni Lyka at ginagamit ang mapanukso niyang mukha.Namumula tuloy ako kanina, buti nalang di napansin ni prof at mga kaklase namin.

Nandito kami ngayon sa hallway.Napagdesisyunan kasi naming sabay sabay na umuwi, pero syempre sa ibang daanan dadaan si Lyka.

“Lyka saan ka nga ulit nagstestay?” tanong ni Hanz kay Lyka.

“Sa Hotel,” simpleng sagot niya.

“Saang hotel ba?”

“Sa Dalla's,” napatango naman si Hanz dahil don.

“Kat, puntahan nga natin do'n si Lyka sa Hotel niya minsan.” pag-aaya sakin ni Hanz.

“Oo naman, pag di tayo busy, balita ko kasi tatambakan tayo ng thesis next week eh,” malungkot kong saad.

“Oo nga, ang hirap pa namang gumawa ng thesis.Papatayin yata tayo.” iiling iling na saad ni Lyka.

“Sino kayang nakaimbento ng thesis thesis na yan 'no? Sarap niya kutusan,” naiinis na wika ni Hanz.

Nag-usap pa sila ni Lyka pero ako? nanatili lang na tahimik.Iniisip ko kasi kung paano ko hahatiin ang oras ko sa thesis at ang oras ko kay Adam.Sana lang di 'to magdala ng problema sa relasyon namin.Kakasimula palang eh.

Nakarating na kaming tatlo sa sakayan kaya naman naghiwalay na kami.Iba kasi ang rota papuntang hotel at bundok.Nasa left side ang hotel samantalang nasa right side naman ang bundok.

Habang nasa traysikel kami ay wala parin ako sa aking sarili.Paano nalang pag nagsawa sakin si Adam? Paano nalang pagmagtampo siya? Paano ako pag nagbreak kami? Alam kong di ganong tao si Adam pero di ko maiwasang mag-isip eh.

Sa sobrang lutang ko ay di ko napansin na nandito na kami sa tindahan ni Aling Nena.Agad akong bumaba ng traysikel at nagbigay ng bayad.

Pagkarating ko sa tindahan ni Aling Nena ay walang pasabi sabi na kinuha ko ang aking cellphone at inopen ang app.

Adam

'Adam?'

'Don't call me Adam, call me babe,'

Kung di sana ako kinakabahan ngayon baka naglupasay na ako sa kilig.

'may problema'

'what happened babe?'

'baka mawalan ako ng oras sayo sa susunod na mga araw,'

'why?'

'tatambakan kami ng thesis,'

'Its ok babe I understand, don't worry di kita iiwan.Basta 'wag ka lang magpapastress masyado babe.Eat your meal always.'

Unti-unti namang nawawala ang kaba ko dahil don.Feel ko tuloy ako ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo.

'Thank you babe,'

'Did you just call me babe?'

'Yes babe, ayaw mo ba?'

'No! I'm just surprise.Btw how's your school?'

'Maayos naman yung school namin walang sira,'

'No I mean kamusta ka, yung studies mo hindi yung school haha,'

'Ay hala sorry kala ko kasi yung school yung kinakamusta mo eh.Ok naman ako babe ikaw? Kamusta trabaho mo?'

'I'm doing my job well lalo na ngayong girlfriend na kita,'

Out Of Data(Internet Series #6) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon