Chapter 18

6 3 0
                                    

Chapter 18

KINABUKASAN ay nagising ako ng mga alas tres ng hapon.Ang haba pala ng naging tulog ko kagabi.Ilang araw din kasi akong puyat.Buti nalang at hindi pa ako deds hanggang ngayon.

Bumangon na ako at lumabas ng kwarto.Hapon palang ngayon kaya wala pang mga bisita na dumadating.Sa gabi kasi sila kadalasang dumadating kasi sa gabi nagdadasal ang mga matantanda at sa gabi din ang sugal.

Papungas pungas akong dumiretso sa kusina at naghilamos.Matapos kong maghilamos ay kumain muna ako ng tirang sopas kagabi bago lumabas ng bahay.

Naabutan ko don si Hanz na nagwawalis kaya naman nilapitan ko ito.

“Hanz asan sila Tita at Tito?” pagtatanong ko.

“Nasa bahay, pinauwi ko muna para makapagpahinga sila, nga pala ayos lang ba tulog mo? Good afternoon.” bahagya naman akong napatango.

“Hmm...ayos naman ang tulog ko ikaw natulog ka ba kagabi? Ba't ang laki ng eyebags mo?” mukha siyang panda.

“H-Hindi eh, ako kasi ang nagbantay dito dahil pinagpahinga ko sina mommy at dad kagabi,.” napatango naman ako dahil do'n.

“Matulog ka muna sa kwarto ko Hanz, ako na ang magbabantay dito,.” napailing naman siya.

“Hindi na, mamaya nalang ako matutulog pag bumalik na sina Mommy at Dad para naman may kasama ka,.” napangiti naman ako dahil do'n.

Sana talaga kaya nalang natin turuan ang pusong magmahal.Sana si Hanz nalang ang minahal ko.Ang swerte siguro ng mapapangasawa ni Hanz soon.Masipag na caring pa sa'n ka pa?

Maya maya pa ay nagulat ako ng may pumaradang BMW na sasakyan sa tapat namin.Mahal yung sasakyan na yan kaya paniguradong mayaman ang nakasakay rito.

May bumabang nakaitim ng suit at sa porma nito ay masasabi mong body guard kaya naman siniko ko si Hanz na ngayo'y nasa tabi ko at nakatitig din sa sasakyan.

“Kilala mo?” pabulong kong tanong sakanya, umiling naman siya.

“Hindi eh pangkaraniwang sasakyan lang naman kasi ang ginagamit ng mga business partner ni Daddy kaya malabong kabusiness partner niya yan.Baka naman magtatanong lang ng direksyon,” sagot niya.

“Pero bakit dito sa bundok? P'wede naman don sa bayan magtanong ah.” nagtataka kong saad.

Nasagot lahat ng kasagutan ko nong lumabas si Lyka sa sasakyan na yun kaya naman napatakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya.

“I miss you Kat and also Condolece sa Lola mo,” saad niya sa pagitan ng pagyayakapan namin.

“I miss you too Lyka at tsaka sorry di ako p'wedeng mag thank you dahil bawal daw yun sabi sa pamahiin,” saad ko sabay pout.

“Ok lang ano ka ba tsaka may kasama ako ngayon at siguradong matutuwa ka kapag nakita mo siya.” ha? Sinong kasama niya?

Nasagot lahat ng kasagutan ko nong bumaba ang isang lalaki sa kotse.Ang lalaking unang dumurog ng puso ko.Ang lalaking unang minahal ko.Ang lalaking kalaro ko sa larong tinatawag na Internet Love.

“Kuya Adam! Si Katya oh!” sabay turo sakin kaya naman kinurot ko siya.

“Nakipagbreak siya sakin,” bulong ko kaya naman medyo nagulat do'n si Lyka.

Umalis na ako sa tabi ni Lyka at pumunta sa tabi ni Hanz dahil papalapit sa pwesto namin kanina ni Lyka si Adam.Bakas sa gwapong mukha ni Adam ang pagkagulat sa ginawa ko.Naramdaman ko ring napakuyom ang kamao ng katabi ko.

“Hey babe? Why are you avoiding me? Aren't you happy that I'm here?” haha gago tangina? 'Di niya ba alam na may kasalanan siya.

“Gago ka ba? 'Di mo ba alam ang ginawa mo sa kanyang mokong ka!” naiinis na sigaw ni Hanz na agad namang kinakunot ng noo ni Adam.

“Ginawa ko?” potangina mo Adam.Nagmamaang maangan pa hayop!

“Tangina mo mokong ka!” nanggagalaiting sigaw ni Hanz kaya naman hinawakan ko ang braso niya at inilingan.

“'Wag kang makipag away Hanz,” saad ko at binalingan ng tingin si Adam.

“Umalis ka na dito Adam.Alalahanin mo muna ang pagkakamali mo bago ka pumunta dito.” seryoso kong saad.Kita ko naman ang pagdaan ng kuryusidad na may halong lungkot sa kanyang mga mata.

“Babe? Are you pranking? I don't do anything wrong,” nagulat ako ng biglang kumawala sakin si Hanz at sinuntok si Adam kaya naman napahinga ito sa lupa.

“Gago ka ba?! Sinaktan mo siya tanginamo!” nang gagalaiting sigaw ni Hanz kaya naman inawat ko 'to.

“Hanz tama na ano ba?! Wala kayong respeto kay Lola!” 'di ko na maiwasang maiyak dahil do'n.

“Ikaw Adam?! Tama na please lang 'wag ka ng mag maang maangan kung anong mali mo.'Wag mong binabaliktad ang lahat,.” patuloy padin ako sa pag-iyak matapos kong sabihin yun.

Wala akong pake kahit makita niya akong umiyak.Tangina kasi eh.Tangina.'Di niya alam ang mali niya seryoso?'Di niya alam na nakipagbreak siya sakin? Sino bang ginagago niya?

“B-Babe trust me di ko alam kung ano ang nagawa ko, can you explain it to me?” nang-iinis ba 'tong hayop na 'to?

“Alamin mong hayop ka!” saad ko bago siya tinalikuran at pumasok ng bahay.

Narinig ko pang tinatawag niya ako pero hindi ko na ito liningon.Para sa'n pa? Tinapos niya na diba? pero sana lang wag kong pagsisihan ang ginawa kong 'to.

Alam ko sa sarili kong mahal ko si Adam at 'di ko itatanggi yun pero may part kasing nagsasabi sakin na 'di ko na dapat siya bigyan ng chance dahil sasaktan lang niya ulit ako.Naduwag na ba akong umibig ulit?

Nang makapasok ako sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto at umiyak lang ng umiyak.Pisteng Adam yun pinapaiyak na naman ako.

“La, pinapaiyak na naman po ako ni Adam,” sumbong ko habang nakatitig sa makulimlim na kalangitan.

“Sabi niya 'di niya daw alam ang mali niya La, gago ba siya? Ginawa gawa niya tapos 'di niya alam,.”  umiiyak kong saad.

Ang gago naman talaga niya eh.Parang ako pa 'yong pinapalabas niyang mali.'Di niya ba talaga alam yung ginawa niya? Ang tanga tanga niya naman kung ganon.

Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa 'di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Out Of Data(Internet Series #6) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon