Chapter 9

13 3 0
                                    

Chapter 9

Nagising ako dahil may kung sinong poncio pilato ang sumusundot sa aking ilong.Pagmulat ng aking mata ay inis kong tiningnan si Hanz na siyang may gawa non.

“Kainis ka Hanz natutulog yung tao eh!” inis na sambit ko sa kanya.Napahagalpak naman siya ng tawa dahil don.

“Dalian mo na papasok tayo ngayon sa school  gurl remember?” potakte sinasapian din ba 'toh? Saan niya nakuha ang gurl gurl na yan.

“Hanz ikaw ba yan? Sinapian ka din ba katulad ni Lola? Bat ganyan ka magsalita? Ipapaalbularyo na ba kita?” sunod sunod ko na tanong sakanya sabay tawa.

“Dzuh why ba you are ganyan magthink.I'm just arte arte na gay coz I just want it kaya!” conyo niyang saad kaya mas lalo pa akong napatawa.

“Tama na Hanz, mamamatay na ko kakatawa sayo,” sabay gesture ng stop.

“Oo na dalian mo na! Bumangon ka na diyan at magluto ng almusal tsaka maligo dahil maaga tayong aalis.” pagkasabi niya non ay dali dali akong bumangon at pumunta ng kusina para magsaing at initin ang lechon manok na natira kagabi.

Pagkarating ko ng kusina ay kaagad akong nagtakos ng bigas at nagsaing.Naghintay ako ng mga ilang minuto at sa wakas luto na din kaya naman kinuha ko na ang lechon na manok na nasa lalagyan ng bigas at ininit ito.

Matapos kong magsaing at mag init ng lechon manok ay umakyat ako sa kwarto at kinuha ang aking uniporme.Sa t'wing maliligo kasi ako dinadala ko ang damit ko doon dahil sa loob na ako magbibihis.Medyo nakakahiya kasing magbihis sa kwarto namin bukod sa kurtina lang ang nagsisilbing pintuan namin ay yung bintana din namin ay walang kahit na anong takip kaya't nakakahiya.

Tinungo ko na ang banyo at nagsimula ng maligo.Ilang minuto din akong nagtagal sa banyo bago ako lumabas.Pagkalabas ko ay pumunta agad ako sa kusina at doon ko naabutan si lola at si Hanz, na nakabihis na din tulad ko.Nag-aayos sila ng hapag kaininan.Nilapitan ko naman agad si lola at nagmano.

“Goodmorning po La!” masayang bati ko.

“Kain ka na apo at maaga daw kayong aalis sabi nitong si Hanz,”

“Sige po La,” saad ko at umupo na para kumain.

Tahimik lang kaming kumakain well ganito naman palagi ang nangyayare sa t'wing kumakain kami.Matapos naming kumain ay prinepare ko na ang babaunin kong lunch sa eskwelahan.Di na ako uuwi ng bahay mamaya dahil gastos lang iyon sa pamasahe kaya't magbabaon nalang ako.

Matapos kong magprepare ng baon ay dali dali kong hinugasan ang mga pinggan bago pumunta kay lola at binilinan ito.Oh diba parang bata si lola kung ituring ko.

“La, may natira pa pong kanin diyan at ulam.Yan po muna ang ulamin niyo mamaya.Doon po kasi ako magtatanghalian sa eskwelahan dahil kung umuwi pa ako dito sa bahay, magastos sa pamasahe.Hayaan niyo La mamayang hapunan masarap na naman ang ulam natin.May pera naman akong natira dito.” pagbibilin ko sa kanya.

“Ano ka ba apo, itabi mo nalang yang pera mo para sa pag aaral mo.P'wede naman tayong maglaga nalang ng kamote, para iwas gastos,.” agad naman akong umiling dahil sa sinabi niya.

“La naman hindi ako papayag na laging kamote nalang ang kakainin natin noh! Gusto ko pong makatikim kayo ng masasarap na ulam lagi,.”

“Oh siya sige na nga, lumakad na kayo ni Hanz habang maaga pa,.” tingnan niyo si lola tinataboy ako.

“Para niyo naman akong tinataboy La pero sige po La lalakad na po kami, dadaan pa ako kela Aling Nena.Magseselpon ako don,.” machachat ko na naman ulit si Adam.

“Sige apo pero wag kang magpapalate sa klase ah, unang araw mo pa naman ngayon.” bilin sakin ni lola kaya naman napatango ako.

“Sige po la! Ingat kayo dito ah babye po mahal po kita.” sabay halik sa nuo niya at naunang lumabas na, sumunod naman sakin si Hanz.

“Hanz? Anong nararamdaman mo pag nahuhulog ka na sa isang tao?” di ko alam kung bakit ko yun naitanong.Kusa nalang itong lumabas sa bibig ko.

“Nahihiya ka sa twing kausap mo siya, hindi ka makatingin ng deretso sa kanya at higit sa lahat nakakaramdam ka ng kilig at yung tipong hinahanap hanap mo yung presensya niya.Teka? Don't tell me inlove ka?” agad naman akong umiling.

“Hindi ah! Curious lang ako.” pag-angal ko.

“Weh? Baka naman ako yung gusto mo ah? Don't worry icrucrushback agad kita yieee,.” sabay sundot sa aking tagiliran.

“Magtigil tigil ka nga Hanz, Ang kapal naman ng apog mo.” sabay tingin ko sakanya ng may pandidiri.

“Bakit gwapo naman ako ah?” saad niya sabay pout.

“Hoy Hanz tigil tigilan mo nga yang kahanginan mo tsaka wag kang magpout mukha kang asong gala.” saad ko sabay tawa.

Di na nasundan ang usapan namin dahil napikon na siya.Ganyan talaga kami mag-asaran, palagi siya ang talo.Sa twing aasarin niya kasi ako ay siya naman ang mapipikon sa huli.

Nakarating na kami sa tindahan ni Aling Nena ng walang imik.Agad kong kinuha ang cellphone ko at inopen ang data.Wala na pala akong load kaya dali dali akong tumayo at tinawag si Aling Nena.

“Aling Nena!” agad naman siyang lumapit sakin.

“Ano iyon Kat?”

“Paload nga ho ng 50 pesos,” sabay abot ng bayad.Agad naman niya akong pinaloadan.Matapos niya akong maloadan ay umupo na ako at inopen kaagad ang Find Your Match na app.

Bumungad sakin ang madaming message ni Adam.

Adam

'mamimiss din kita'

'hi?goodeve?'

'eat your dinner'

'nawalan ka na naman siguro ng signal'

'pasukan niyo na pala bukas ah? Goodluck.Aral kang mabuti para sa future natin.'

Sent Sunday at 5:35pm

Dami niyang chat pero yung pinakahuli talaga ang naging sanhi ng pag ngiti ko.Mag aral daw ako para sa future namin.

Adam

'Hoy Adam gusto mo ba talaga ako?'

Akmang iooff ko na sana ang cellphone ko dahil maaga pa at baka hindi siya gising ng magreply siya bigla.

'yeah I think I like you, so pwede ba kitang maging girlfriend?'

'Ayy speed ka boi? Di mo pa nga ako nililigawan eh!'

'If that's what you want, I will court you'

'Luh seryoso ka talaga?'

'Sa palagay mo?'

'Gago ka ba? Ikaw nga ang tinatanong ko eh!'

'Alright, Alright I'm not that serious.I just want to experience having a girlfriend.'

Ewan ko ba ba't parang tinutusok ng libo libong karayom ang puso ko ng mabasa ko iyon.

'So kaya mo ako chinat para maging gf mo?'

'No, Nong una gusto kitang maging kaibigan ngunit nasayo yung katangian ng gusto kong maging gf eh.'

'Ok sige babye na papasok na ko.'

Matamlay kong binaba ang cellphone ko at inoff.Akala ko seryoso siya, nakalimutan ko pala na walang seryoso sa Internet Love, pero nagtataka ako.Bakit ako nalulungkot? Am I already into him? Am I inlove with him?

Out Of Data(Internet Series #6) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon