Chapter 14
Lumipas ang mga araw at tama nga ako.Tinambakan kami ng thesis.Ang dami dami naming gagawin.Hindi na nga ako nakakapag online dahil bukod sa busy ako eh wala rin akong pera pampaload.
Nawawalan tuloy ako ng oras kay Adam.Kaya ngayon susubukan ko siyang kamustahin, pero wala pala akong load.Siguro sa sunod nalang.
Ket magjowa na kami ay di parin nagbabago ang ugali niya.Palagi parin siyang nagbibitiw ng banat at palagi niya akong pinaflood ng messages.
Mas lalo din kaming naging close ni Lyka.Minsan nga kinakamusta ko yung kuya niya sa kanya tsaka pinapasabi ko din ang gusto kong sabihin sa kuya niya.
Nothing's changed, except nalang kay Hanz.Ewan ko ba pero para kasing nagbago na siya simula nong sabihin ko sa kanyang boyfriend ko si Adam.
Hindi na siya pala imik.Minsan din hindi niya ako sinasabayan sa pag-uwi.Idadahilan niya na may pinapagawa sakanya yung mommy o daddy niya.Hindi ko alam kung bakit niya ako iniiwasan.
Anyways nandito ako ngayon sa canteen kasama si Lyka.Hindi namin ngayon kasama si Hanz kasi sa library daw muna siya at paonti onting tatapusin ang mga thesis niya.Sabi ko nga kanina pwede namang dito niya gawin sa canteen pero ayaw talaga niya.He's always avoiding my gaze, na parang pag tiningnan niya ako sa mata magiging bato siya.Medoza lang ang peg?
“Lyka kamusta na kuya mo?” pagtatanong ko.
“Ok naman siya, miss ka na daw niya eh.”
“Miss ko na din siya pero anong magagawa ko wala akong time para mag online, ba't pa kasi naimbento ang thesis na yan tsaka wala din akong pang load,” naiinis na saad ko.
“Pwede ka namang manghingi sakin ng load o makiconnect sa pocket wifi ko,” agad naaman akong napailing.
“Hala huwag! Sa iyo yan 'no tsaka makakapaload din ako sa mga susunod na araw,” pangungumbinsi ko.
“If that's what you want, but should I call him now?” nagningning naman ang mata ko dahil don.
“Yes! Thank you!” kahit nakakahiya ay pumayag padin ako.Miss ko na kasi siya.
Kinuha niya ang kanyang ipad at pocket wifi at tinawagan ang kuya niya.Ilang beses itong nagring bago niya sinagot.Bumungad sakin si Adam, ang gwapo niya parin.
“Babe!” nakangiting salubong ko sa kanya.
“Hi babe, I miss you.Ba't di ka na nag oonline? Nagtatampo ako,” sabay pout.Cute.
“Eh kasi naman babe ang dami kong gagawing thesis tsaka wala akong pampaload,” pag amin ko.
“How many times do I have to tell you na I can give you load, just send me your number.” sinserong saad niya.
“Kuya sinasabi ko din sakanya yan pero tinatanggihan ako!” pagsingit na sigaw ni Lyka.
“N-nakakahiya kasi eh,” tangi ko nalang sambit.Napailing iling naman siya.
“Paano na yan pag naging asawa na kita? Mahihiya ka parin?,” namula naman ako ng bahagya dahil do'n.
“A-anong asawa?,” nauutal kong tanong.
“Bakit ayaw mo ba?” saad niya at ngumisi.
“G-gust---ay hindi joke lang,” wala sa sariling sambit ko, kaya't napatawa naman siya.
“You look cute, ok I'll hang up the call, continue your thesis.Don't worry I understand you and I will never leave you just because you're busy.I love you babe,”
“I love you too babe, keep safe mwuah,” ako na ang nag-end ng call dahil nakakahiya yung pagflying kiss ko sakanya.
“Nilalanggam ako dito Kat,” sabay hagikhik ni Lyka.
BINABASA MO ANG
Out Of Data(Internet Series #6) [Completed]
Teen FictionKatya Ramos is the girl who stole Adam Easton's heart.She's a simple girl who lived at the top of the mountain.She also born in poverty thats why she can't afford to buy load sometimes. Adam Easton and Katya Ramos meet each other in a dating app and...