Chapter 6
Nandito ako ngayon sa school supplies section at namimili ng dapat bilhin.Sa college isang notebook lang maman ang kailangan pero yung notebook na yun eh makapal kaya hinahanap ko ito ngayon halos pang-elementary at highschool kasi ang nandito.Hindi naman ako timang para gumamit ng notebook na pang elementary noe.Yung may guhit guhit na Abcd at mga hayop at numbers.
Naghanap hanap pa ako at sa wakas nakita ko din ang notebook na makapal.Mura lang pala ito 50 pesos ang isa kaya naman bumili ako ng dalawa.Extra ko yung isa.Sunod naman akong pumunta sa lalagyan ng mga papel at pinili ko ang yellow pad.Ito na kasi ang ginagamit sa college hindi na yung intermediate pad.Sa highschool kasi at elementary intermediate pad ang ginagamit eh.
Naglibot libot pa ako sa school supplies section hanggang sa natapos ko ng bilhin lahat ng aking kailangan.Ngunit may nakalimutan pa pala ako.Bibili ako ng bagong bag butas na kasi yung bag ko eh.Barbie yun, pinagtatawan nga nila ako dahil don.Anong magagawa ko eh wala akong pambili ng bagong bag.Buti nalang talaga at binigyan ako kanina ng 500 ni Aling Marta.
Pumunta na ako sa bag section at namili na.Sa pamimili ko ay isang bag ang nakakuha ng aking atensyon.Kulay dark blue ito at may beads na nakapalibot dito.Nilapitan ko ito at hinawak hawakan.Ang ganda ng tela ngunit ng tingnan ko ang presyo nito ay halos manlumo ako.1,500 ang presyo ng bag na toh.Hindi kasya ang pera ko dito.Sayang gustong gusto ko pa naman yung bag sana talaga may super powers ako na kayang gumawa ng pera noe?para mabili ko lahat ang gusto ko.
Aalis na sana ako don ng bigla akong nakarinig ng sigaw galing sa babaeng nasa likod ko.
“Ahh!magnanakaw!magnanakaw!yung bag ko!” sigaw niya kaya't dali dali kong binitawan ang pinamili ko at hinabol ang magnanakaw.
“Hoi!Tumigil ka!” sigaw ko sa magnanakaw pero mas binilisan pa nito ang pagtakbo.
Mabuti nalang talaga at mabilis ako kung kaya't naabutan ko ito.Nang mahawakan ko siya ay agad ko siyang binalibag at kinuha ang bag.Lumapit din samin ang mga guard at dinampot nila ang magnanakaw.Binigay ko naman sa babae ang kanyang bag.
“Ate oh!bag niyo po.Ok lang po ba kayo?di po kayo sinaktan nong magnanakaw?” sunod sunod kong tanong sakanya matapos kong maibigay ang kanyang bag.
“Ok lang ako hija, salamat,.” nakangiti niyang saad.
“Ako nga po pala si Katya kayo po?” sabay lahad ng aking kamay.Anganda niya mga beh!
“I'm Cristine, how old are you Katya?” saka niya inabot ang aking kamay at nakipagshake hands.Ang lambot ng kamay niya mga beh promise!
“19 years old na po ako kayo po?” balik tanong ko.
“I'm 45 years old,.” casual na sabi niya.Sigurado akong mayaman toh.Halatang halata sa itsura eh.Madaming suot na alahas at branded ang damit at bag.Hindi halata sa itsura niya na 45 years old lang siya.She looks like teenager.
“By the way hija I saw you admiring that bag, do you like it?” hala english.Send help dumudugo ilong ko jk.Maalam kaya ako sa english noe.
“U-uhm o-opo,.” nauutal kong saad.Ang formal kasi niya.
“Then take it.” napayuko ako at dahan dahang lumapit sa kanya at bumulong.
“W-wala po akong pera eh hehe,.” nahihiya kong sambit.
“Don't worry hija I'll pay kasama na yung mga bitbit mo kanina,.” saad niya at natawa ng mahina.
“E-eh?nakakahiya naman po hehe,.” nakayuko ko parin ako.Nakakahiya kasi.
“Don't be shy hija, sige na kunin mo na yung bag tsaka yung mga bitbit mo kanina at babayaran natin,.” kahit nahihiya eh sinunod ko naman siya.
Pagkarating namin sa cashier ay nilagay ko na ang pinamili ko.Naglabas naman ng credit card si Maam Cristine at iniabot ito sa cashier.Matapos niyang mabayaran ang mga pinamili ko ay siya mismo ang kumuha nito at ibinigay sakin.
“There you go hija!Nakikita kong puro school supplies ang binili mo.Wala ka na bang gusto sa mall na toh?Just tell me what you want I'll buy it for you hija.Wag ka ng mahihiya.” nakangiti niyang saad at naisip ko naman si lola.
“Gusto ko po ng lechon manok.Ipapasalubong ko po sa lola ko para makakain siya ng masarap!” nakangiting saad ko rin.
“Alright let's go!” at nanguna na siya sa paglalakad patungo sa Chooks to Go.Sikat na sikat ang kanilang lechon manok sa buong Pilipinas.Bukod kasi sa masarap ito ay mura pa.
Pagkarating namin sa Chooks to Go ay agad kaming pumila.Medyo mahaba haba kasi ang pila.Patok na patok talaga ang manok nila sa mga tao.Umusad ng umusad ang pila hanggang sa kami na ang bibili.
“Can I order 3 of those chicken?” casual na tanong ni Maam Cristine sa nagtitinda.
“Yes maam, just wait here a minute,.” at prinepared na ni kuya ang order ni Maam Cristine.
Matapos maprepared ni kuya ang order ni Maam Cristine ay ibinigay na niya ito sa kanya.
“Here's your order Maam, come again,.” tinanguan lang ito ni Maam Cristine at umalis na.Sumunod naman ako sa kanya.
Nong nasa labas na kami ay biglang tumunog ang cellphone niya kaya't dali dali niya itong sinagot.
“Yes?” tanong niya sa kanyang kausap.
“ok,ok I'll be there,.” saad niya at ibinaba ang tawag tsaka ako binalingan.
“Hija I'm sorry my client called me, she said we have a meeting.I'm sorry hija but I'll go first.By the way thank you for saving me kanina hija.Here, accept this as my thank you,.” at inabot niya sakin ang manok at perang nagkakahalaga ng limang libo.
“Hala!Maam Cristine anlaki naman po nito.Di naman po ako masyadong nahirapan don sa magnanakaw eh tsaka ginawa ko po ito dahil yun ang tingin kong tama,.” pagpapaliwanag ko.
“You know hija, you're so kind.Napalaki ka ng maayos ng magulang mo but you should accept this.Isipin mo nalang na for your studies,.” sana ol may magulang.Tinanggap ko nalang ang limang libo na binibigay sakin ni Maam Cristine baka kasi nakakaistorbo lang ako sa kanya.
“Wala po akong magulang, iniwan nila ako.Tanging lola ko lang ang nagpalaki sakin.” bakas ang kalungkutan sa aking boses.
“I'm sorry for that,.”
“Hala ok lang po Maam Cristine alam ko namang may rason sila kung bakit nila ako iniwan eh.Naiintindihan ko naman po sila,.” nabigla ako ng yakapin ako ni Maam Cristine.
“It's ok hija makikita mo din sila soon.” di ko alam na may tumulo na palang luha sa aking mga mata pero agad ko din naman tong pinunasan.Baka madumihan ang mamahaling damit ni Maan Cristine.
Maya maya pa ay humiwalay na si Maam Cristine sa yakap at nagpaalam na siya na aalis na.
Lumabas na ako ng mall at nag-abang na ng traysikel dahil uuwi na'ko.Namimiss ko na si lola at excited na kong tikman tong lechon manok.Matagal tagal na din kasi kaming di nakakatikim ng gantong pagkain ni lola.Syempre mahirap lang kami.
Ang swerte ko talaga ngayong araw.Una malaki ang ibinigay saking sweldo ni Aling Marta sa paghuhugas lang ng pinggan.Pangalawa naman wala akong nagastos ni katiting dahil sinagot ni Maam Cristine lahat.At ang pangatlo ay may extra money na ako kung sakaling magkaproject kami at para nadin sa gamot ni lola.
Minsan lang namang uminom ng gamot si lola dahil iniinom lang niya yun pag di siya makahinga ng maayos.Alangan naman na uminom siya ng gamot araw araw edi ibig sabihin non araw araw siyang di makahinga.
Maya maya pa ay nakapara na ako ng traysikel kaya't sumakay na ako at umuwi.Dadaan muna ako kela Aling Nena mamaya at ichachat si Adam.Naalala ko kasi na di ako nagpaalam sa kanya kanina.
Naku!baka nag aalala na naman yun.Ayaw ko pa namang may nag-aalala sakin.
BINABASA MO ANG
Out Of Data(Internet Series #6) [Completed]
Teen FictionKatya Ramos is the girl who stole Adam Easton's heart.She's a simple girl who lived at the top of the mountain.She also born in poverty thats why she can't afford to buy load sometimes. Adam Easton and Katya Ramos meet each other in a dating app and...