Chapter 12

10 3 10
                                    

Chapter 12

Tatlong linggo ang lumipas at ganon at ganon parin ang nangyayare.Bago kami pumasok ni Hanz ay dadaan muna kela Aling Nena para magcellphone.Tuloy tuloy din si Adam sa panliligaw sakin.Ang dami niyang binibitawan na corny and not so chezzy lines, pero kahit gano'n yung banat niya sakin ay napapakilig parin ako nito.

Tulad nalang ng, "Ikaw ba yung star sa starbucks? Kasi ikaw ang icing sa ibabaw ng cupcake ko".Nakakakilig diba? Sobra.Sa sobrang kilig ko mapupunit na yata yung unan kakakagat ko.

Anyways ngayong araw ko balak sagutin si Adam.Medyo mahaba haba nadin kasi ang 3 weeks na panliligaw niya at tsaka nakikita ko namang seryoso siya sakin kaya why not diba?

'Di alam ni Lola na magkakaboyfriend ako gano'n din si Hanz kaya nga mamaya ay balak ko ding sabihin sa kanila matapos kong masagot si Adam.S'yempre pag nasagot ko na yung tao hindi na nila pababawiin sakin yun kasi nangyare na, ano pang magagawa nila.Minsan talaga gumagana din 'tong utak ko 'no?

Nandito nga pala ako ngayon sa room kasama si Lyka.Wala dito si Hanz dahil nagpunta siya ng canteen.'Di kasi nag-almusal ang loko.Wala din ang ibang estudyante dito dahil maaga pa.

“Lyka alam mo ba?--” pinutol niya kaagad ang sasabihin ko.

“Nah I don't know,” sabay iling iling.Sapukin ko kaya yung ulo ng babaeng 'to?

“Wala pa nga akong sinasabi eh!” pagtratrantrums ko napahagikhik naman siya.

Hindi na pala siya binubully ni Bea and friends dahil nalaman ng lahat na mas mayaman pa siya kela Bea at mas malaki pa ang share nila sa school.They almost own the school pero kahit ganon ang estado niya sa buhay, 'di iyon naging hadlang sa pagkakaibigan namin.

“What do you want to tell?” tanong uli ni Lyka.

“May nameet kasi akong lalaki online at tsaka balak ko sanang sagutin siya ngayon----” pinutol niya na namana ng sasabihin ko.

“What the heck? Ba't mo sasagutin? Is he serious?” sunod sunod na tanong niya.

“Gaga 'to, sasagutin ko siya dahil yun ang sinasabi ng puso ko at nakikita ko namang seryoso siya eh,.” napabuntong hininga naman siya.

“Ok ok if that's what you want di kita pipigilan by the way ilabas mo na yung cellphone mo, may signal naman dito eh kaya sagutin mo na.Pachismis na din,.” saad niya at bahagyang tumawa.

Walang sabi sabi kong nilabas ang mumurahin kong cellphone at inopen ang data at ang app.

“Oh ito na,” saad ko sabay pakita sakanya ng chat ni Adam.

“Adam?” tumango naman ako.

“Bakit may problema ba?” takhang tanong ko sa kanya.

“N-nothing kapangalan niya lang yung kuya ko,” lumaki naman ang mata ko dahil don.

“Ilan ba kayong magkakapatid?” sa tagal tagal naming pagkakaibigan ngayon ko palang 'to naitatanong.

“We're 3, Kuya Jericho, Kuya Adam and me.” ewan ko ba pero ba't parang iisa lang yung Adam na kuya niya at yung Adam na nanliligaw sakin.Iisa nga ba sila?

“Tatanungin ko siya ngayon, baka kapatid mo 'to eh at tsaka taga Marikina din 'to,” tumango naman siya.

Adam

'may kapatid ka ba?'

'yeah why?'

'anong pangalan nila?'

'wait what happened?'

'sagutin mo nalang ok?'

'sige na nga, oo may kapatid akong dalawa,'

'sino sila?'

'Jericho at Lyka,'

Para akong napako sa aking inuupuan nang mabasa ko ang chat niyang yun.Kapatid siya ni Lyka.

“L-lyka, kuya mo nga,” pag amin ko napangiti naman siya.

“Omg kaya pala siya laging ngingiti ngiti pag nakaharap siya sa cellphone kachat ka pala niya tsaka kinikwento ka din niya sakin, may sinend ka nga daw na picture kaya lang ayaw niyang ipakita sakin.” pagkwekwento niya.

“U-uhm....s-sasagutin ko na b-ba?” ang awkward palang makausap ang kapatid ng taong mahal mo.

“Definitely yes! Matagal niya ng hinihintay ang matamis mong oo niyan eh, nong nakaraang araw nga nakipag video call siya sakin.Ikinwento ka niya,” namula naman ako sa sinabi niyang yun.

“S-sige sasagutin ko na,” saad ko napangiti naman siya sabay hawak sa dalawa kong kamay.

“Welcome to the family,” sabay kindat namula naman ako lalo dahil don.

Adam

'YES!'

'What do you mean by yes?'

'Sinasagot na kita.'

'Seriously?!'

'Yes, kasama ko ang kapatid mo ngayon,'

'who?'

'Lyka, dito siya nag enroll sa school namin and we became friends,'

'Let's video call'

Maya maya pa ay nagring ang cellphone ko kaya naman sinagot ko ito at bumungad sakin ang gwapong mukha ni Adam.Nakangiti siya, namula naman ako dahil don.

“You're now officially mine Katya,” parang umakyat yata lahat ng dugo ko sa aking mukha dahil don.Malalim ang boses niya at ang sarap sa tenga.

“Hey Kuya!” laking pasasalamat ko kay Lyka dahil umepal siya.

“Hi li'l sis, how are you?” tanong niya sa kanyang kapatid.

“I'm good kuya how about you?” balik tanong ni Lyla sa Kuya niya.

“I'm good too,” tango tangong sambit ni Adam habang ngingiti ngiti.

“Li'l sis umalis ka muna diyan, I'll talk to my wife,” kung kanina pulang pula na ang mukha ko mas lalo pa yatang pumula ngayon.

“Ok kuya talk to my future sister-in-law then,” sabay baling sakin at tapik.

Lumabas si Lyka ng room at syempre ako lang mag-isa ang naiwan dito.

“So how are you my wife?” he asked.

“A-ah e-eh?” nauutal na saad ko.

“You look like tomato, ang pula ng mukha mo.Ganon na ba ako kagwapo?” at tumawa.

Ang gwapo ng tawa niya.Lord kunin mo na ako.Mamamatay yata ako sa kilig.

“H-ha?” mas lalong lumakas pa ang tawa niya dahil don.

“Nothing wife, do you know how happy I am right now?” umiling naman ako.Napipi yata ang mga labi ko.

“I'm super happy because starting today I'm officially yours, and you're officially mine.” di ko alam ang sasabihin ko.

“T-thank you Adam,” tangi ko nalang sambit napangiti naman siya dahil don.

“No don't thank me, because I'm the one who will thank you.You brighten my dark world.You are my life now wife.I love you,” napatulo naman ang luha ko dahil do'n.

Ganito pala ang feeling na may nagmamahal sayo? Masaya sa pakiramdam.

“I-I love you too A-Adam,” lumapad lalo ang ngiti niya dahil do'n.

“Don't cry wife, wala ako diyan sa tabi mo para punasan ang luha mo,” napatawa naman ako dahil do'n.Umiiyak na pala ako.

“Tears of Joy 'toh gaga!” sabay tawa.

“Alright Alright,” saad niya habang tumatawa.

Napahaba ang usapan namin pero naputol din ng dumating ang prof namin.

Masasabi ko na ba ngayong nagwagi ako sa larong Internet Love? O nag-uumpisa palang ang larong ito?

Out Of Data(Internet Series #6) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon