Chapter 16
KINABUKASAN, excited akong bumangon at inopen ang cellphone ko at tiningnan kung nandito na ang load at nandito na nga.Tama talaga ang sinabi sakin ni Aling Nena na kailangan lang i-off yung cp pag 'di dumating yung load.
Dali dali akong bumangon at linutuan si Lola ng almusal.Matapos kong makapagluto ng almusal ay pinuntahan ko si Hanz sa bahay nila.Papakiusapan ko kasi siya na siya muna ang magbantay kay Lola habang wala ako.
“Hanz!” pagsigaw ko kaya naman agad siyang dumungaw sa pintuan nila bago lumabas nang may ngiti sa labi.
“Oh ano yun babes?” nakangisi niyang saad pinalo ko naman siya.
“Gaga anong babes ka dyan, pakibantayan muna si Lola dahil bababa ako ng bundok,.” diretsahang saad ko.
“Magic word?” napabuntong hininga naman ako do'n.
“Please....” sabay puppy eyes, napangiti naman siya bago kinurot ang ilong ko.
“Cute ka naman kaya sige na,” sabay tawa niya, pero 'wag ka sinabihan niya 'kong cute dzuh.
“Sige aalis na ko Hanz, alagaan mo si Lola ah,” at tumalikod na.
‘Yes may load na ako sa wakas’ saad ko sa aking sarili habang pababa ng bundok.
Machachat ko na ngayon ang pinakamamahal kong boyfriend.Matagal tagal nadin kasi kaming hindi nakakapagchat tsaka matagal na din akong walang balita sa kanya.Kung nandito lang sana si Lyka.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na ako sa tindahan nila Aling Nena kaya naman umupo na kaagad ako at inopen ang data at ang app.
Matapos kong mabuksan ang app di ko inaasahan ang bubungad sakin, parang guguho ang mundo ko ng mabasa ko ang chat ni Adam sakin.
Adam
babe?I can't take this anymore lagi ka nalang offline.Kung mag online ka naman lagi kang may tinatapos na thesis.I think we should break up’
Sent 7:30pm Friday.
Break? Dahil nawalan lang ng connection break agad? Akala ko ba 'di niya 'ko iiwan? Akala ko ba naiintindihan niya ako? Mali ngaba lahat ang akala ko? Siguro mali nga.
Napaupo nalang ako at tahimik na umiyak.Bakit gano'n? Masayang masaya ako kahapon dahil nagbati na kami ni Hanz tapos ngayon malulungkot na naman kasi nakikipagbreak sakin si Adam? Lahat ba ng kasiyahan dapat may kapalit na kalungkutan? Required ba talaga yun? Kung palagi nalang gano'n mas gugustuhin ko nalang na hindi magiging masaya.
Dito na ba nagtatapos ang larong Internet Love? Talo ngaba talaga ako? Kung gano'n ay di ko na uuliting maglaro nito.
Nang medyo tumahan na ko ay in-uninstall ko na ang app.Gusto ko ng burahin lahat ng alaala namin.Ayaw ko ng balikan ang una, dahil tapos na, tinapos niya na.....
Tumayo na ako at nagsimula ng maglakad pauwi ng bahay.Siguro hindi talaga kami para sa isa't isa.Hindi talaga kami tinadhana.Tanga ko naman para maniwalang may true love sa internet.Kung sa magjowa nga dito samin na nagkikita palagi naghihiwalay pa, kami pa kayang anlayo ng distansya.
Naglalakad ako ngayon na parang wala sa sarili.Para nga akong zombie eh.Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad nang biglang nakita ko si Hanz na humahangos papunta sakin kaya naman dali dali kong pinahiran ang luha ko at nginitian siya.
“K-kat..” hinihingal niyang saad kaya naman hinagod ko ang likod niya.
“Anong nangyare Hanz?” nagtatakang tanong ko.
“A-Ang Lola mo bilis,” nagulat nalang ako ng bigla niya akong higitin at tumakbo na kami.
Pero ano ang nangyare kay Lola?May masama bang nangyare sa kanya? 'Wag naman sana.Kinakabahan ako habang papalapit nang papalapit na kami sa bahay.
Nasa labas ang mga magulang ni Hanz.Hawak nilang dalawa ang kanilang cellphone at parehas silang balisa kaya naman mas kinabahan pa ako ng husto.
Nang makarating na kami sa bahay ay dali dali akong pumasok at halos gumuho na naman ang mundo ko ng makita ko si Lola na nakapikit at nanghihina.Dali dali ko itong nilapitan at niyugyog.
“La?! Ano pong nangyare?!” pasigaw kong saad.Bahagya naman niyang minulat ang kanyang mga mata at napangiti ng makita ako.
“A-Apo....” napaiyak na ako dahil do'n.Nanghihina ang boses ni Lola.
“L-la? A-Ano pong nangyare?” naluluha kong tanong.
“A-Apo p-pasensya na,”
“La wag po kayo munang magsalita.Sandali lang po La papatawagan ko po kayo ng ambulansya,” akmang tatayo na ako ng higitin ni Lola ang braso ko kaya naman napahinto ako.
“W-wag na apo....d-di na a-ako magtatag-gal...”
“La naman magtatagal kayo, di niyo ako iiwan diba?” pumiyok pa ang boses ko.
“S-Sorry.....'d-di a-ako a-ang l-lo.....” nagulat nalang ako ng bigla niyang ipikit ang kanyang mga mata at nawalan ng malay.
“Lola!....Tita! Tito! Hanz! Si Lola kelangan niya ng dalhin doctor ngayon na!” pagsisigaw habang tumutulo ang luha.
“H-Hija 'di daw makaakyat ang ambulansya nila,” nanginginig na wika ni Tita Hannah
Pagkasabi no'n ni Tita Hannah ay dali dali kong binuhat si Lola ket di ko naman masyadong kaya.Tumitibok pa ang puso ni Lola.Paniguradong wala lang itong malay.Maaagapan pa ito.
“Hanz, Tito tulungan niyo 'ko bubuhatin natin si Lola pababa ng bundok,” dali dali naman silang tumalima at tinulungan akong buhatin si Lola.
Nakarating na kami sa may kalsada at do'n namin naabutan ang ambulansya kaya dali dali naming isinakay doon di Lola.
Matapos naming isakay do'n si Lola ay pinatakbo na agad ng driver ang ambulansya.Todo kapit ako kay Lola tsaka todo dasal din ako.
“La lumaban ka, 'wag mo 'kong iwan ikaw nalang ang natitirang pamilya ko,.” saad ko habang umiiyak.Naramdaman ko namang hinagod ni Hanz ang likod ko.
Pagdating namin sa hospital ay kaaga idineretso si Lola sa ICU at ako nama'y nanatili lang na nakatayo sa labas at palakad lakad.Kinakabahan ako.
“Kat kumalma ka magiging maayos ang Lo----” 'di na natapos ni Hanz ang sasabihin niya dahil pinutol ko ito.
“Pa'no ako kakalma Hanz?! Nasa panganib ang buhay ng Lola ko tas sasabihin mong kumalma ako?! Tanga ka ba? Tangina naman si Lola lang yung natitirang pamilya ko sana naman maintindihan mo please,.” napabuntong hininga naman siya.
Maya maya pa ay bumukas ang pinto ng ICU at lumabas ang doctor kaya naman napatingin ako do'n.
“Where's the family of the patient?” pagtatanong niya, agad naman akong sumagot.
“Ako po Doc!” saka ako lumapit sa kanya.
“Kamusta po si Lola? Ayos na po ba siya? Magaling na po ba siya?” nagulat ako ng umiling iling ang doctor.
“Sorry hija but she didn't survive,” para akong napako sa aking kinatatayuan ng marinig ko iyon.Nagjojoke lang siya diba? Hindi maaari.Malakas si Lola eh.
“D-Doc naman 'wag kayong magbiro ng ganyan, ang lakas lakas kaya ng Lola ko.” saad ko at bahagyang tumawa pero nanatali lang na seryoso ang doctor at parang sinasabi nitong baliw ako.
“Hanz? Buhay pa si Lola diba? Kanina no'ng iniwan ko siya sayo masigla pa siya diba? Hindi pa siya patay Hanz diba? Diba?” baling ko sa kaniya ngunit umiling iling lang siya.
Napaluhod nalang ako sa puting tiles ng hospital at humagolgol ng iyak.
“Siya nalang ang natitirang pamilya ko eh.Iniwan na ako nina mama at papa tapos pati siya iiwan din ako? Ba't gano'n? Palagi nalang nila akong iniiwan...Kanina iniwan ako ni A-Adam tapos ngayon iiwan din ako ni Lola? B-Ba't gano'n? Andaya naman.....palagi nalang akong talo....palagi nalang akong iniiwan,.” maya maya pa ay niyakap ako ni Hanz kaya naman niyakap ko ito pabalik.
“Kung alam ko lang na sasaktan ka ng mokong na yun sana 'di nalang kita pinakawalan,.” aniya.
“Hanz andaya nila 'no?” saad ko at pumiyok pa ang boses.
Ang dalawang taong mahal ko iniwan ako sa mismong araw na 'to.
BINABASA MO ANG
Out Of Data(Internet Series #6) [Completed]
Teen FictionKatya Ramos is the girl who stole Adam Easton's heart.She's a simple girl who lived at the top of the mountain.She also born in poverty thats why she can't afford to buy load sometimes. Adam Easton and Katya Ramos meet each other in a dating app and...