Chapter 2
Hanggang ngayon ay di parin mawaglit sa aking isipan ang pag uusap namin ng Adam kahapon.Ewan ko ba sa twing naiisip ko ang usapan namin kahapon eh napapangiti nalang ako bigla.Ansaya niya kasi kausap ket may pagkasuplado yun mahal ko yu----teka?anong iniisip ko erase erase tsk!
Pinagmamasdan ko ngayon ang napakagandang araw na palubog na.Ang preska ng pakiramdam ko.Natatanaw ko kasi ang malawak na palayan at ang asul na dagat.Meron din akong natatanaw na mga ibon.Ang sarap talagang mamuhay sa probinsya.
Sa probinsya kasi wala kang masyadong iisipin.Hindi problema dito ang tubig dahil maraming poso dito di rin problema ang pagkain dahil madaming nga prutas at gulay dito.
Ang tangi mo lang sigurong isipin ay ang bigas.Di naman kasi lahat sa probinsya ay may sariling palayan syempre di naman kami mayayaman para bumili ng lupang pagtataniman ng palay.
Nagtratrabaho ako bilang tagalaba ng maruruming damit ng kapit bahay namin dito sa bundok.May kaya sila sa buhay kaya nga nagtataka ako kung bakit sa bundok pa nila napiling tumira kung pwede naman sila don sa bayan.Pero sabi nila mas maganda daw dito sa bundok kasi maaliwalas ang pakiramdam nila dito.Doon daw kasi sa bayan uso ang nakawan at patayan eh dito daw sa bundok walang magtatangkang umakyat kasi mapapagod lang sila.
Pasukan na pala namin sa Lunes at Linggo na bukas hala!kailangan kung kumayod ng todo bukas kasi di pa ako nakakabili ng school supplies.College na ako at tinitake ko ang kursong nursing.
Mahilig kasi akong manggamot ng mga nasusugutan at may sakit at tsaka baka don makahanap ako ng lunas sa sakit ng lola ko.Gusto ko talaga kasing humaba ang buhay niya kasi siya lang ang nag-iisang pamilya ko.
Namulat ako dito sa mundo na lola ko lang ang nag aalaga sakin.Wala siyang sinabi tungkol sa pamilya ko maliban nalang sa iniwan ako nito at inihabilin kay lola noong baby pa lang ako.
Minsan nga pinipilit kong itanong kay lola ang tungkol sa bagay na yan pero iniiwasan niya talaga.Iibahin niya nalang ang usapan bigla kaya wala akong magawa.Ayaw ko din naman siyang pilitin kasi alam kong may rason siya kung bakit ayaw niyang sabihin sakin ang tungkol sa pamilya ko.
Hala!baka naman anak ako ng mafia boss o di kaya'y mayayaman ang magulang ko at iniwan nila ako kay lola dahil nanganganib ang buhay ko.Yun kasi yung nababasa ko sa pocketbooks na nakatambak don sa kwarto ko.
Nakuha ko lang yun sa kapitbahay namin.Susunugin na nga dapat nila yun pero napadaan ako at hiningi ko sa kanila ang mga yun dahil wala akong libangan dahil di naman ako makapagfacebook kasi walang signal dito sa bundok.At buti nalang binigay nila sakin.
Pag uwi ko pa non takang taka si lola bakit daw andami kong dalang mga libro sinabi ko nalang sa kanya na tungkol iyon sa nursing dahil siguradong pag sinabi ko na mga story lang iyon eh baka ipanggatong niya yun naku naku.Sayang naman ang papel na ginamit dito.
Sabi kasi ng teacher namin eh yung papel daw galing sa mga puno kaya dapat itong ingatan dahil galing ito sa kalikasan.Pede namang ipanggatong ang papel pag wala ka ng mahanap na panggatong pero marami kayang patay na dahon ng niyog dito sa probinsya kaya no problem kami sa panggatong dzuh!
“Hoi!” napaigtad ako sa gulat at malapit na kong mahulog sa sanga ng puno na aking inuupuan dahil sa mapangahas na hayop este tao na gumulat sakin.
“Ano ka ba hanz!kitang nagmomoment yung tao eh badtrip ka!” pagmamaktol ko.Si Hanz nga pala ang anak ng kapit bahay namin.
Best friend ko toh eh same year lang kami pinanganak pero mas matanda siya sakin sa buwan.August ako tas siya February.Kaya 20 na siya habang ako 19 parin pero ket na noe hindi naman edad ang basehan sa pagbebestfriend.
BINABASA MO ANG
Out Of Data(Internet Series #6) [Completed]
Teen FictionKatya Ramos is the girl who stole Adam Easton's heart.She's a simple girl who lived at the top of the mountain.She also born in poverty thats why she can't afford to buy load sometimes. Adam Easton and Katya Ramos meet each other in a dating app and...