Chapter 17

6 3 0
                                    

Chapter 17

Nandito ako ngayon sa tabi ng Lola ko na mahimbing ng namamahinga sa loob ng puting kabaong.Pinagmamasdan ko siya ngayon at 'di ko maiwasang maiyak habang pinagmamasdan siya.I miss her.I miss her hugs, I miss her sweet words and I miss her for calling me ‘Apo’ everytime.

“La? Alam niyo ba wala ng boyfriend yung apo mo ngayon.Sayang La wala ka na dito para maupakan yung lalaking yun,.” pagkwekwento ko kay Lola at tumawa ng pagak.

Nakaburol ngayon si Lola sa bahay namin.Ket malayo ang bahay namin sa bayan ay medyo madami paring pumupunta dito at nakikiramay.Marami ngang nagsasabi na ang bait bait ni Lola sa kanila sayang daw at wala na siya kaya't sinasabi ko nalang sa kanila na, masaya na si Lola kung saan man siya ngayon.

Tinutulungan ako ng pamilya ni Hanz sa pag aasikaso ng burol at tinulungan din nila ako sa mga expenses ni Lola.Nahihiya na nga ako sa kanila eh.

Si Hanz ang nag aasikaso at tumatanggap ng limos ng mga bisita.Si Tita Hannah naman ang nagluluto sa kusina, minsan nga ay tinutulungan ko siya pero sabi niya siya na daw dahil alam niyang pagod ako.Si Tito Riley naman ang nag aayos ng bahay namin dahil madalas ngayong umuulan.

Nakikisabay talaga ang panahon sa pagdadalamhati ko.Nakakatuwa lang na kahit ang panahon eh dinadamayan ako.

“La, miss na miss ko na po kayo.Miss ko na po yung pagmamano ko sainyo sa t'wing uuwi ako sa bahay.Miss ko na rin po yung pagdadasal natin sa alas sais.Miss ko na din po yung ayie ayie niyo saming dalawa ni Hanz.Miss ko na din po kayong bantayan sa gabi bago ako matulog.Miss ko na po yung lahat sa inyo.Miss ko na po kayo....pero wala na eh di na kayo babalik.” saad ko at mapait na napangiti habang patuloy na umaagos ang masaganang luha sa aking mga mata.

“'Di ko pa pala nakwento sainyo La na nagkagusto pala sakin si Hanz pero mas pinili ko yung lalaking yun eh.Gusto ko mang piliin si Hanz pero 'di talaga siya yung pinipili ng puso ko.Sana La kaya po nating turuan ang puso kung sino ang mamahalin 'no? para di tayo masaktan.Ang sakit kasi La eh sobra....” patuloy parin ako sa pag iyak.

“Tapos La no'ng pauwi na ako dito maaabutan ko nalang kayong mahina....Sana pala 'di na 'ko bumaba ng bundok...Sana pala binantayan ko muna kayo...Sana pala inuna ko muna kayo...Napakawaang kwenta kong apo La, inuna ko yung lalaking yun kesa sa inyo...Sabi ko ngayong sem-break sayo ko ilalaan ang oras ko diba? oo nga La ilalaan ko sayo yung oras ko pero La naman 'di ganto yung ibig kong sabihin eh.Nandito ka nga di ka naman humihinga.Ang unfair La...si Skylar at Chloe na naging kaibigan ko no'n iniwan ako tapos si Hanz muntik na akong iwan tapos si Lyka 'di ko alam kung umalis na o nandito pa siya...tapos si Adam iniwan ako tapos pati kayo La, iniwan niyo rin ako.Ang unfair palagi nalang akong iniiwan.Sawang sawa na ako La.Pwede po ba akong sumunod pero pag sumunod ako baka pababain niyo lang ako,.” saad ko at bahagyang tumawa.

Alam kong mukha akong baliw ngayon dahil umiiyak ako tapos tatawa pero dito gumagaan ang pakiramdam ko eh kaya pagbigyan niyo na.

“Para kang baliw diyan Kat,” ani Hanz at pinahiran ang luha ko.

“H-Hanz tingnan mo si Lola oh iniwan na ako, tayo,.” parang batang sumbong ko rito.

“Kat sorry...” nagtaka naman ako dahil dito.

“Para sa'n?” takhang tanong ko.

“Sa pag-iwan sayo, mag-isa ka nalang tuloy no'n,” nginitian ko naman siya.

“Ok lang yun Hanz napatawad na kita, kay Lola ka magsorry sinaktan mo yung apo niya.” saad ko sabay nguso sa kinalalagyan ni Lola.

Bahagya siyang natawa do'n peeo lumapit din naman.

“La sorry po at sinaktan ko 'tong apo niyo.Nasaktan din naman po niya ako eh.Pa'no kasi nainlove siya do'n sa mokong na yun kaya lumayo po ako sa kanya kahit masakit din po sakin, tapos ngayon mababalitaan ko nalang na sinaktan siya ng mokong na yun lagot talaga yun sakin La pag nagkita kami.Uuwi po siya sa kanila na puro pasa ang mukha.Isinakripisyo ko ang nararamdaman ko para sa kanya tas sasaktan lang din naman niya.Sarap niya po talagang upakan.” napatawa naman ako dahil do'n.

Ba't kasi hindi 'tong si Hanz ang pinili ko? Bukod sa malapit na siya eh maalaga pa siya sakin at laging concern.Kasalanan talaga 'to ni kupido.Mali mali kasi kung pumana eh.

Maya maya pa ay lumabas si Tita Hannah galing kusina at lumapit samin.

“Kat, Hanz kumain na kayo,” pag-aaya niya samin kaya naman umiling ako.

“Hindi po ako kakain tita,.” saad ko.Nagulat nalang ako ng marahan akong binatukan ni Hanz.

“Kumain ka Kat, ilang araw ka na kayang walang kain tsaka walang tulog.Sa tingin mo ba matutuwa si Lola diyan sa pinang gagawa mo?” napabuntong hininga naman ako.

“Sige na nga kakain na,” sabay tayo ko.

Tama siya, ilang araw na akong walang kain at walang tulog.Alam kong bumagsak na ang timbang ko at mugtong mugto na ang mga mata ko kakaiyak.Nanghihina na nga rin ako eh.

Nakarating na kami sa kusina at naabutan ko do'n ang sopas na mainit init.Saktong sakto talaga 'to dahil umuulan ngayon at medyo nilalamig ako.

Umupo na ako sa mesa at akmang sasandok na ng sopas ng pigilan ni Hanz ang kamay ko.

“Ako na,” at siya na nga ang nagsandok.

Akmang kukunin ko ang kutsara nang pigilan niya na naman ito.Nakakadalawa na siya ah.

“Ako na din ang susubo sayo, alam kong nanghihina ka lang.Nanginginig yung kamay mo oh.” sabay nguso sa kamay ko at tama nga siya nanginginig ang mga ito.Dala na siguro 'to ng sobrang panghihina.

'Di na ako umangal nang subuan ako ni Hanz ng maligamgam na sopas.Hinihipan niya kasi bago isubo sakin kaya hindi na masyadong mainit pero masarap padin naman.

“Para kayong mag asawa Hanz anak,.” halos mabilaukan ako sa sinabi ni Tita Hannah kaya naman dali dali kong inabot ang tubig at ininom ito.Nakita ko namang sinamaan ng titig ni Hanz ang kanyang ina.

“Mommy naman nabilaukan tuloy si Kat!” sabay pout.Pft mukhang aso.

“Sorry naman, eh mukha talaga kayong mag asawa eh,.” sabay pout ni Tita, parang bata talaga 'tong mag-isip ni Tita.

Natapos na kaming kumain.Babalik na sana ako sa upuan ko kanina nang higitin ni Hanz ang braso ko kaya naman napatingin ako rito.

“'Wag ka ng bumalik do'n matulog ka na,.” malumanay na saad niya kaya naman napaisip ako bago tumango.Magpapahinga muna siguro ako.Baka sumunod ako kay Lola pag 'di ako nagpahinga.

Tinungo na namin ang daan patungong kwarto.Nang makarating na ako ay pumasok na ako at akmang isasara na sana ang kurtina ng pigilan ito ni Hanz kaya naman bahagya ko siyang tinaasan ng kilay.

“Papatulugin muna kita, 'wag kang mag alala wala akong gagawing masama sayo.” saad niya kaya naman tumango ako.Tinatamad kasi akong magsalita.

Pumasok na kaming dalawa sa kwarto at sinara ang kurtina.Pagtapos no'n ay tinungo na namin ang kama.

Nakahiga na ako ngayon habang si Hanz ay nasa may gilid ko at nakaupo.Hinahaplos haplos pa nito ang buhok ko.

“Hanz? Magnunurse pa ba ako? Wala na kasi akong inspirasyon sa pag-aaral ko, wala na si Lola,” ito na naman yung mga luha ko.'Di yata napapagod at pumapatak parin ng pumapatak.

“Anong wala? Pinagmamasdan ka ng Lola mo mula do'n,” sabay turo sa kalangitang madilim na.Syempre gabi.

“Hanz naman 'di na ako bata,”

“Pero baby naman kita, joke lang pinapatawa lang kita.” napatawa naman ako do'n.He never failed to make me laugh.

“Pero Hanz itutuloy ko pa ba?” pagtatanong ko ulit.

“Yes, ipagpatuloy mo ang pangarap mo.Marami kang matutulungan na katulad ng Lola mo.Yun ang magiging inspirasyon mo,.”

“Sige ipagpapatuloy ko na.Para sa katulad ni Lola.” saad ko ng may ngiti sa labi sabay pahid sa aking luha at pumikit na.

Itutuloy ko ang pagiging nurse ko para makatulong ako sa mga taong may sakit sa puso gaya ng Lola ko.

Out Of Data(Internet Series #6) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon