Chapter 25
Matapos naming maglaro ay bumalik na kami sa restaurant.Sakto namang hinahanap daw kami ni Mama dahil may sasabihin daw siya samin ni Adam.
“Ano po yun Ma?” saad ko ng makarating kami.
“Kanina habang wala kayo may napag-usapan kami.” kita ko namang napakunot ang nuo ni Adam.
“What's that Tita?” sabat ni Adam.
“So dahil magiging mag-asawa narin naman kayo next month, we decided na maging maglive in kayo.” napanganga naman ako sa gulat dahil do'n.
“What?!” sabay naming sigaw ni Adam kaya naman medyo napaatras do'n si Mama.
“Chill mga anak, ayaw niyo ba no'n? Mapapalapit kayo sa isa't isa at baka magka early apo pa kami,” sabay hagikhik niya, namula naman ang mukha ko dahil do'n.
“Ma naman! pero sige payag po ako do'n tutal do'n din naman ang punta namin,” buti nalang at di ako nautal.
“I'm ok with that too,” tango tangong saad ni Adam.
“Gano'n naman pala eh, bakit pa kayo namumulang dalawa?” gago talaga 'tong si Mama.
Noong araw ding yun ay lumipat kami ni Adam sa bagong bahay namin.Medyo may kalayuan nga ito sa bahay ng pamilya namin eh pero ok lang as long as kasama ko ang mahal ko.
Nandito ako ngayon sa kusina at naglulutong pancake, sinangag at itlog.Hindi pa gising si Adam ngayon dahil maaga palang.Sanay talaga kasi akong gumising ng maaga.Ito kasi palagi ang ginagawa ko no'n sa bukid eh.
Kumakanta kanta pa ako habang nagluluto.
“Ang mga ibon na lumilipad ay mahal ng diyos di kumukupas~” pagkanta ko sabay giling.
“Ang mga ibon na lumilipad ay mahal----” naputol ang pagkanta ko ng may narinig akong tumatawa sa likod at nang humarap ako ay si Adam pala.God! Kahiya.Kahit magiging mag-asawa na kami ay nahihiya padin ako sa kanya.
“You look so stupid babe,” pailing iling niyang saad habang tumatawa.
“K-kanina ka pa d-diyan?” nauutal kong saad.
“Yeah, kanina pa kita tinitingnan.By the way galing mo palang sumayaw babe,” sabay kindat.Gago!
“Yawa ka Adam maligo ka na do'n!” inis kong saad.
“What's yawa babe?” gago 'di niya alam? Taga saang planeta kaya 'tong alien na 'to? Famous na mura niya tas 'di niya alam.
“Ikaw ang yawa,” napakunot naman ang noo niya.
“Yawa means what babe?” nagtatakang saad niya kaya naman may naisip akong kalokohan.
“Yawa means handsome babe,” nakangiting saad ko.
“Oh thank you babe! You're right I'm super yawa,” self 'wag kang tumawa.
“Maligo ka na do'n babe,” saad ko at tinaboy siya.
“Ok babe, you're yawa boyfriend will take a bath later, kakain muna ako babe,” umupo na siya sa mesa at nilantakan ang pancake at itlog.'Di yata siya magkakanin.
Umupo nadin ako at kumain na.Pagkatapos naming kumain ay pumunta na si Adam sa banyo.Maliligo na siguro siya.
Hinugasan ko ang pinagkainan namin ngunit naputol iyon dahil may biglang nagdoorbell sa pinto.
“Wait lang!” sigaw ko at dali daling tinapos ang hugasin ko at binuksan ang pinto.Nagulat naman ako sa bumungad sakin.Ang bestfriend ko.
“Skylar i-is that you?” gulat kong saad.
“Hindi pa ba obvious, Katya Ramos!” sarcastic niyang saad.
“Oh my god! Ohmygod, ohmygod, ohmygod! Ikaw nga!” tili ko at niyakap siya.
“Skylar, namimiss kita! Bakit ngayon ka lang bumalik ha? Ano, okay ka na ba? Hindi ka na ba nasaktan? How about, Tristan? Nagkausap pa ba kayo?” sunod-sunod kong tanong sakanya matapos kong kumalas sa yakap.
“What happened here? Babe, are you okay? Oh, god damn!” nagulat ako no'ng lumabas si Adam galing banyo.
Gago animal nakatopless ang hayop! Nakakahiya sa bisita.Nang mapansin niya ang mga bisita ay napasapo nalang siya sa kanyang mukha.
“Can we go inside first before you bet and ask a question about the past?” nairitang sambit no'ng lalaki na kasama niya.Tsk! Sungit!
"Ah-oo naman! Pasok na muna kayo!" sambit ko nalang at binalingan siya ng tingin.Ang sungit sungit.
Nakapasok na sila sa bahay kaya naman dali dali kong tiningnan si Adam na nakatayo parin.Anong pang ginagawa niya dyan? Parang timang.
"Magbihis ka nga, Adam!" bulong ko sa kanya kaya naman napanguso ito at pumasok sa kwarto.
Nang makapasok kami ay pinaulanan ko agad si Skylar ng tanong.Grabe miss na miss ko na siya.Ilang taon din kaming di nagkita.Laki nadin ng pinagbago niya.
Nag-usap kami ni Skylar buong maghapon at yung dalawang lalaki naman ay nag-usap din ng kung ano ano.Si Zyler pala yung si sungit.Inaasar ko nga sila ni Skylar eh.
Alam kong hindi sila magjowa pero may parang nararamdaman kasi ako sa kanila eh.Habang nag-uusap kasi kami kanina panay ang lingon ni Zyler kay Skylar eh.'Di ko nalang sinabi kay Skylar baka magalit sakin si Sungit.
It's already five in the evening at napagpasyahan na nilang umuwi.Gusto ko man silang pigilan pero sabi kasi sakin ni Skylar may issue sila sa Manila na dapat ayusin eh kaya pinayagan ko nalang na umalis.
Nakahiga kami ngayon ni Adam sa aming kama.Oo magkatabi kami pero we know our limits.Sabi sakin ni Adam birhen niya akong ihaharap sa altar.Ang pangit naman daw kasi pag buntis akong hinarap sa altar.Parang andumi daw ng kasal namin.
“Babe ilang anak ang gusto mo?” nagulat ako sa tinanong ni Adam kaya napabalikwas ako ng bangon at sinamaan siya ng tingin.
“What?” inosenteng tanong nito.
“What whatin mo yang mukha mo!” mahinang sigaw ko.
“Do'n din naman tayo papunta babe eh,” napabuntong hininga nalang ako.Kung sabagay do'n naman talaga kami papunta.
“Kung ilan lang ang kaya ng bataan ko, yawang 'to,” inis na saad ko.
“Oh thank you babe,” nagtaka ko naman siyang tiningnan.
“You said I'm yawa right?” napatawa naman ako sa isip ko.
“Ah oo yawa ka, tara na tulog na tayo babe,” humiga na ako at nagtalukbong ng kumot saka tumawa ng walang sound.
Ilang araw din ang lumipas at naging busy na kami papalapit ng papalapit na ang kasal kaya naman kailangan naming ihanda ang lahat.Nagpadala na ako ng inbitasyon sa lahat ng kakilala at kaibigan namin.
Si Mama naman ang nag-aasikaso ng gown ko
Si Adam ang nag-aasikaso sa catering at sa venue ng kasal.Siguradong maraming dadayong press sa kasal namin.Inanunsyo kasi sa tv ang magiging kasal namin.Madami ring pupuntang mga sikat na tao samin kaya malamang dadayuhin at dadayuhin talaga kami ng mga press.
Napadalhan ko na rin ng imbitasyon si Skylar at si Sungit.Sabi nila pupunta daw sila kaya't aasahan ko yun.
I'm excited to my upcoming wedding.
BINABASA MO ANG
Out Of Data(Internet Series #6) [Completed]
Teen FictionKatya Ramos is the girl who stole Adam Easton's heart.She's a simple girl who lived at the top of the mountain.She also born in poverty thats why she can't afford to buy load sometimes. Adam Easton and Katya Ramos meet each other in a dating app and...