Epilogue
Ito na ang araw na pinakahihintay ko.Ang araw na espesyal sa buhay ko.Ikakasal na ako ngayon sa lalaking minamahal ko.Nakaharap ako ngayon sa isang malaking salamin at pinagmamasdan ang suot kong wedding gown.
“Angganda mo Katya,” puri ko sa aking sarili.
Anggaling pumili ni Mama ng gown.Para akong prinsesa na kokoronahang bilang reyna maya maya lang.
Nagulat ako no'ng bumukas ang pinto at pumasok si Mama kasama ang kapatid kong si Kristen.They look stunning.Bagay na bagay kay Mama ang asul niyang gown, the same as Kristen.
“Nak?” pagtawag sakin ni Mama.
“Yes ma?” saad ko at lumapit sa kanila.
“Kailangan na nating umalis, naghihintay na ang mga bisita do'n,” napatango naman ako dahil do'n.
“Sige po Ma, let's go.” at naglakad na kami palabas.
Inaalalayan nga nila ako sa gown ko eh, mabigat kasi.Nakasayad kasi ito sa lupa.Hirap na hirap nga akong lumakad eh.Ang taas din kasi ng heels ko.Maya maya pa ay nakarating na kami sa kotse kaya naman pumasok na kami.
Sabi ni Mama sakin mauuna raw silang lalabas sakin dahil aayusin pa nila ang mga sasali sa prosisyon.Kailangan din daw ng magbabantay sa mga flower girls dahil maliliit ang mga ito at makukulit.Angkyut nga nila eh.
Maya maya pa ay nakarating na kami sa simbahan kaya naman bumaba na si Mama at Kristen at ending naiwan akong mag-isa sa loob.Si Mama kasi ang magdrive ng sasakyan kaya wala akong kasamang driver sa loob ngayon.Sabi ko nga sa kanya maghire nalang ng driver pero sabi niya sakin 'wag na daw dahil baka mangyari daw sakin yung napapanuod niya sa pelikula na kikidnapin ng driver ang bride at dadalhin kung saan.
Tsaka ayaw niya daw yung mangyari sakin dahil masisira daw ang plano niya sa magiging anak namin.Nagulat nga ako no'ng sabihin niya yun.May plano na pala siya sa magiging anak namin ni Adam.Ang advance niyang mag-isip.
Lumipas ang ilang minuto ay bumalik si Mama sa kotse at sinabihan akong lumabas na dahil magsisimula na daw ang pagmartsa.Paglabas ko ng kotse ay mukha ng mga press ang bumungad sakin.Akma ngang lalapit sila sakin pero pinigilan sila ni Mama at sinamaan ng tingin bago inirapan.Natatawa nga ako sa mga itsura ng press eh, mukha silang pinagbagsakan ng langit at lupa.
Nakarating na kami sa pinto ng simbahan at naabutan ko do'n ang mga taong parte sa kasal namin.Pumila na ako sa likod nila dahil magsisimula na daw ang kasal.
Ilang minuto din ang lumipas ay bumukas na ang pinto ng simbahan at isa isang pumasok ang mga taong parte ng kasal namin.Hanggang sa kami na nina Mama at Papa ang papasok.
Lahat ng mata nila ay nasa amin.Madaming kumikislap na camera at may mga taong nagsisingitian pero nakafocus lang ang paningin ko sa lalaki sa gilid ng altar.
He looks so yawa este handsome.Bagay na bagay sa kanya ang suot niya.Nagmumukha siyang kpop na ikakasal.
Dahan dahan lang ang lakad ko papuntang altar kasama si Mama at Papa.Nakikita ko sa mukha ni Adam ang saya at may konti rin akong nakikitang luha.Tears of Joy siguro.Sino ba naman ang hindi maiiyak pag maganda yung bride mo?
Nang makarating na kami sa altar ay ibinigay na ni Mama at Papa ang kamay ko kay Adam.
“Take care of my daughter,” saad ni Papa at bahagyang ngumiti.
“'Wag mo siyang sasaktan Adam, ipapatulfo kita,” emosyonal na saad ni Mama.
“Yes po Tita, Tito.I'll never hurt your daugther,” saad ni Adam.
BINABASA MO ANG
Out Of Data(Internet Series #6) [Completed]
Teen FictionKatya Ramos is the girl who stole Adam Easton's heart.She's a simple girl who lived at the top of the mountain.She also born in poverty thats why she can't afford to buy load sometimes. Adam Easton and Katya Ramos meet each other in a dating app and...