Chapter 3

25 5 6
                                    

Chapter 3

Nagising ako dahil sa lakas ng tiktilaok ng manok.Oo rinig na rinig dito ang tiktilaok ng mga manok ket malayo kami sa bayan.May kasabihan daw kasi ang mga manok na ‘Distance doesn't matter because our voice is more louder’ oh pak!Pwede na silang mag miss U.

Ok lang naman na nagising ako ng manok dahil maaga din naman akong magluluto ng almusal namin ni lola.Napatingin ako sa orasan alas tres palang ng umaga kaya dali dali kong kinuha ang aking basket at nagpunta sa aming bakuran kung saan mo makikita ang malawak na taniman ng kamote at balinghoy.

Actually meron pa kaming taniman sa gilid ng bahay pero ang mga nakatanim naman don ay mga gulay kaya lang di pa lumalaki ang mga iyon kaya bumibili muna kami ng ulam.

Tiis tiis muna kami sa mga sardi-sardinas o kaya sa cornbeef cornbeef inshort tiis tiis muna kami sa mga de latang pagkain.Maraming nagsasabi na mas masarap pa daw ang cornbeef kesa sa gulay tsk!palibhasa mayayaman.

Masasarap kaya ang mga gulay lalo na ang ampalaya.Sarap yun haluan ng itlog o di kaya'y haluan ng monggo with baboy naku naku ansarap non lalo na pag si lola ang nagluto.Mapapasabi ka nalang ng ’oh my gulay’ sabay labas ng bituin sayong mga mata.

Habang nag-eenjoy ako sa pagsusuka ng kamote ay bigla na lamang may kumalabit sakin kaya agad akong napako sa aking kinatatayuan.

“K-kuya?A-ate?kung sino ka man po sorry po kung may kasalanan ako wag po kayong manakot.” nanginginig kong wika at maya maya lang ay nakarinig ako ng tawa kaya agad akong humarap at mukha ni Hanz ang sumalubong sakin.

“Gago ka talaga Hanz halos himatayin ako sa niyerbos ikaw lang pala yan!” galit kong saad.Apakagago niya.Langhiya.

“HAHAHA nakakatawa yung itsura mo Kat pag galit laptrip!” saad nita at hinampas hampas pa ang kanyang tuhod.Balian ko kaya toh ng buto?

“Ewan ko sayo Hanz wag mo ko kausapin hmp!” saad ko at bumalik sa pagsusuka ng kamote.

“Eto naman nagtatampo agad sorry na Kat hayaan mo uulitin ko pa este di ko na uulitin,.” tsk!halata naman sa mukha niya ang pagpipigil ng tawa.

“Ewan ko sayo halika na nga tulungan mo nalang ako sa paghuhugas nitong mga kamote hayaan mo bibigyan kita mamaya,.” tanging tango lang ang naging sagot niya at sumunod sakin.Rinig na rinig ko parin ang hagikhik niya saking likod.Kung di ko lang talaga toh kaibigan baka nasampal ko na toh ng wala sa oras.

Nakarating na kami sa poso nila kaya hinugasan ko na ang mga kamote.Si Hanz ang nagsasalok ng tubig samantalang ako naman ang naghuhugas ng mga kamote.

Tahimik lang siyang nagsasalok at ako nama'y tahimik lang ding naghuhugas.Nagdadabog dabog pa ko kunware para malaman niyang galit padin ako sa kanya.Ikaw ba naman takutin ng alas tres di ka ba don magagalit?kung hindi pwes ako nagagalit don.

“Hoi Kat!sorry na di naman sinasadya eh gusto lang kitang gulatin kaso nenerbiyus ka naman yata sorry na kat!” saad niya at nagpuppy eyes ket medyo madilim ay nakikita ko padin naman ang kanyang mukha.

“Sige na basta wag mo lang ulitin naku baka mas mauna pa kong mamatay kesa sayo,.” sinserong saad ko.

“Ikaw ah marupok ka sakin ayie ayiee,.” malanding saad niya sabay sundot sa aking tagiliran.

“Gago ka ba?libre mangarap brad.Di ako marupok noe sadyang mahal lang kita yieee” at namula ang gago.

“HAHAHA bat ka namumula Hanz?crush mo ko noe?pero balita ko si Joyce yung crush mo yung taga bayan,.” panunukso ko.

“Hoi!kaibigan ko lang si Joyce tsaka may iba akong crush noe hmp!” sabay pagkross ng kanyang kamay at parang batang nagtatampo.College ba talaga toh?mukhang kinder eh pati height di jk.Mataas siya eh pwede nga magmodel.

“At sino naman yarn ayiee ayiee,.” ako naman ang mang-aasar ngayon.

“Sekret!baka isumbong mo pa ako wag na!” pagmamaktol niya.

“Bilisan mo na nga sa paghuhugas ng kamoteng yan Kat hmp!” hala pikon HAHAHA.

Di ko na siya pinansin at binilisan nalang ang paghuhugas ng mga kamote.Nang matapos ko ng hugasan ay binitbit ko na ito patungong bahay ngunit nag insist si Hanz na siya na daw ang magbubuhat.Gentleman ang loko.

Pagdating namin sa loob ng bahay ay naabutan namin don si lola na nakaupo na naman sa kanyang duyan duyan na upuan at nagkakape.Dali dali ko itong linapitan at nagmano.

“Good morning po la,.” magalang kong sambit.

“Good morning din apo maaga ka yatang nagising ngayon,.”

“Lola naman maaga talaga ako lagi nagigising.Kahapon lang late tsaka magtratrabaho ako ngayon dahil pasukan na bukas at wala pa akong school supplies na nabili kaya't bababa ako ng bundok mamaya,.” excited na sabi ko.Tatambay ulit ako mamaya kela Aling Nena para ichat si Adam.

“Oh siya sige na naniniwala na si lola mo sayo,.” pagsuko ni lola.

“La maiwan ko muna kayo ah lalagain ko lang yung kamote para may maalmusal tayo,.” pagpapaalam ko sabay tayo at nagtungo sa kusina kung saan naabutan ko si Hanz na sinisindihan ang tuyot na dahon ng niyog.

“Hoi Hanz di ka ba pinapagalitan ng mga magulang mo?imbis kasi na sa kanila ka tumutulong eh nandito ka,.” pagtatanong ko.

“Hindi kaya, sila nga mismo ang nagsabi sakin na tulungan ko kayo kasi mahirap ang buhay niyong maglola tsaka pwede namang tumawag si Dad don sa bayan pag may ipapautos siya na gumawa ng gawaing bahay pag busy si Mommy.” mahabang paliwanag niya na tanging tango lang ang naging sagot ko.

“Ako na diyan Hanz don ka na kay lola kwentuhan mo siya don ng mga kalokohan mo shoo!shoo!Alis!” pagtaboy ko sakanya kaya sumimangot naman siya.

“Para naman akong manok na tinataboy Kat hmp!sama mo talaga sakin,.” pagmamaktol niya pero sumunod naman.

Isinalang ko na ang maliit kaldero na puno ng kamote sa apoy at hinintay itong kumulo.Makalipas lamang ang trenta minutos ay kumulo na ito kaya't tinusok ko ito ng tinidor para masiguradong malambot na ito.Mahirap na kasi na hindi malambot wala pa namang ngipin si lola.

Nang masigurado ko ng luto na ang kamote ay dahan dahan ko itong ibinaba sa kalan at kumuha ng mangkok na paglalagyan nito.

“La kain na po!Hanz kain na!” pagtatawag ko sa kanila habang binababa ang isang mangkok ng kamote sa mesa.Maya maya pa ay umupo na sila kaya't nag umpisa na kaming kumain.

Tahimik lang kami kung kumain kasi sabi ni lola wag daw mag usap usap sa hapag kainan saka na daw mag usap pag tapos na kumain.Nakakawalang respeto daw kasi yun sa grasya.

Matapos naming kumain ay kaagad kong hinugasan ang pinagkainan namin.Alas singko na pala ng umaga.Bababa pa ako ng bundok ng alas singko y media siguro makakarating ako don ng mga alas sais.

“Kat ako na diyan maligo ka na don.Maghahanap ka pa ng trabaho don sa bayan diba?” nagulat ako sa pagsulpot ni Hanz.

“Hanz naman hubby mo bang manggulat pero sige ikaw na maghugas ng pinggan at maliligo na ko.Nga pala sasama ka sakin sa bayan?” pagtatanong ko.

“Hindi na Kat babantayan ko nalang ang lola mo mahirap na baka atakihin siya.Ako na ang bahala dito ket bumalik ka nalang ng hapon.Wala kasi akong magawa sa bahay tsaka pasukan na natin bukas kaya kelangan mong bumili ng supplies.” mahaba habang paliwanag niya na agad ko namang sinang-ayunan.

“Kung sabagay, sabay na lang kaya tayong pumasok bukas Hanz para naman may kasama ako,.” agad naman siyang napaangat ng tingin dahil don at ngumiti ng wagas.

“Sige ba!Maligo ka na don bilis shoo!” aba!at siya naman ang nagtataboy sakin.

“ok sige babye!” saad ko at pumasok na sa banyo.

Ano kayang trabaho ang naghihintay sakin sa bayan?hmm?








Out Of Data(Internet Series #6) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon