Chapter 4
Matapos kong maligo ay kaagad akong nagbihis.Paglabas ko ng banyo ay kaagad kong pinuntahan si lola na nakikipagkwentohan kay Hanz.
“La aalis na ho ako!” pamamaalam ko sabay mano.
“Sige apo mag-ingat ka don sa bayan.Alam mo naman sa panahon ngayon laganap ang krimen.Ang ganda ganda pa naman ng apo ko.” puri niya sakin.
“Sus!di naman po ako maganda la eh!” kunwareng di pagsang-ayon ko syempre mga beh pakipot tayo.
“Hanz di ba maganda ang apo ko?” tanong ni lola kay Hanz.
“M-maganda p-po.” namumulang saad ni Hanz.Pwede ko sigurong gawing ketchup tong si Hanz kasi parang kamatis sa kapula.
“Kaya Hanz ligawan mo na ang apo ko,.” sabay tawa ng malakas ni lola na lalo namang ikinapula ni Hanz.
“Naku naku la yung gusto po ni Hanz na yan eh yung Joyce na taga bayan,.” pagpaliwanag ko.Nakakainis si lola mga beh ah.Ireto ba naman ako baka mamaya magalit si Adam milabs ko ay jk.
“Ah yung anak ni Mrs. and Mr.Cortez.Maganda yun eh pero di hamak na mas maganda ang apo ko diba Hanz?” at binalingan ang binata.
“H-ha?e-eh?,.” nauutal ang loko pektusan ko kaya 'toh kaso andito si lola baka mapagalitan ako.
“Wag ka ng mautal Hanz halata namang kinikilig ka yieee,.” lola ko ba talaga 'toh o kapatid?daig pa teenager kung makatili eh.
“La san niyo nakuha yang ayie ayie na yan?” takhang tanong ko baka kasi sinasapian tong si lola, mahirap na.
“Malamang sa kabataan doon kela Nena sabi nila panukso daw yan eh kaya ayieee,.” jusko kung sino man ang nagsabi nito sa lola ko magtago na siya baka mapatay ko siya ng wala sa oras.
“Oh siya sige na po La, Hanz aalis na ako,.” saad ko at binalingan sila ng tingin.
“Sige apo ingat!/Sige Kat ingat!” sabay nilang saad at ako nama'y tumalikod na at lumabas ng pinto.
Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko ng maigi ang kapaligiran.Ang saya.Rinig na rinig mo ang huni ng mga ibon, kitang kita mo ang pasikat na araw at kitang kita mo ang asul na dagat at napakalawak na palayan.
Ang sarap talagang mamuhay sa probinsya.Ilang beses ko na tong nasabi pero kahit kailan hinding hindi ako magsasawang sabihin 'toh.Anganda ganda sa pakiramdam, nakakarelax sobra.
Sa sobrang pagpupuri ko sa kalikasan ay di ko na namalayan na nandito na pala ako sa ibaba ng bundok.Tiningnan ko ang orasan at alas sais na pala ng umaga.Saktong sakto lang ang dating ko.
Pumunta muna ako sa tindahan ni Aling Nena at tumambay.Magfefacebook muna ako.Wala pa kasi masyadong traysikel na dumadaan kaya dito muna ako tatambay.
Inopen ko ang facebook ko at nakita ang mga teachers ko nagmemessage.Goodluck daw para bukas kaya nireplyan ko iyon ng ‘Thank you maam’.
Siguro nagtataka kayo kung bakit walang nagchachat sakin na kaibigan daw.Ganito kasi yan ayaw nilang makipagkaibigan sakin kasi daw mahirap ako.Ay nakalimutan ko pala may naging kaibigan ako nong highschool.Sina Chloe at Skylar kaso ngalang nagtransfer sila sa Manila.Gusto ko nga sanang sumunod non kaso wala akong pera.
Flashback
Kasama ko ngayon si Skylar dahil aamin daw siya kay Tristan.Bestfriend niya yun pero nahulog siya.Kinakabahan nga ako sa kanila eh baka masira ang friendship nila.
“Skylar, sigurado ka na ba sa gagawin mo? Baka pagsisihan mo sa huli ang decision mo na 'to?” tanong ko sakanya na may bahid ng pag-aalala.
BINABASA MO ANG
Out Of Data(Internet Series #6) [Completed]
Teen FictionKatya Ramos is the girl who stole Adam Easton's heart.She's a simple girl who lived at the top of the mountain.She also born in poverty thats why she can't afford to buy load sometimes. Adam Easton and Katya Ramos meet each other in a dating app and...