Chapter 20

8 3 0
                                    

Chapter 20

Lumipas ang dalawang araw at ngayon na ang nakatakdang libing ni Lola kaya naman ang daming pumuntang mga kaibigan niya.Busy din kami ngayon dahil sa pag aasikaso na parang walang katapusang mga bisita.

“Hanz paabot nga ng mga paper plate,” mahinang sigaw ko kay Hanz na ngayo'y nag aayos ng paper plate.

“Ilan?”

“Isang plastik ng paper plate Hanz,” inabot niya naman yun kaya naman nagpatuloy na ako sa ginagawa ko.

Bago kasi ilibing si Lola ay nagpapakain muna kami ng mga tao na dadalo sa libing ni Lola.Mahirap na baka humatayin sila do'n sa gutom.Malayo layo pa naman ang sementeryo dito samin.Kailangan pa ngang maglakad ng iba e kasi sa baba pa naghihintay yung mga traysikel.

Ilang oras din ang lumipas at handa na ang lahat na umalis kaya naman umalis na kami at pumuntang sementeryo.

'Di na ako umiyak ng ihulog na si Lola sa hukay sa halip ay napangiti ako.

“Makakapagpahinga ka na La, wala ka ng iisiping problema.Salamat sa lahat La, see you sa kabilang buhay,” saad ko ng may ngiti sa labi.

Matapos ang libing ay umuwi na 'ko sa amin.Sasamahan pa sana ako ni Hanz na pumasok sa loob ng bahay pero sabi ko sa kanya gusto kong mapag-isa kaya wala na siyang nagawa pa.

Pagkapasok ko sa bahay ay nilibot ko agad ang paningin ko..Simula no'ng bata ako dito na kami nanirahan ni Lola.Bumuo ng memoryang masasaya at hinarap ang lahat ng problema ng magkasama.

Si Lola ang nagparamdam sakin na importante ako sa mundo.Si Lola ang naging inspirasyon ko sa bawat araw na nagigising ako.Si Lola ang dahilan kung ba't sinisikap kong maabot ang pangarap ko.

Natigil ang pagdradrama ko ng may kumatok sa pinto.Si Hanz siguro 'to.Tumayo ako at pinahid ang luhang 'di ko alam na tumulo na pala.Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako ng bigla akong yakapin ng kung sino man.

“I'm sorry babe, I'm late,” nang marinig ko ang boses na yun ay itinulak ko siya palayo sakin.

“Babe may pruweba na ako,” sabay pakita sakin ng cellphone niya na may screen shot na hindi nadelivered ang kadugtong ng message niya.

“Pa'no ako maniniwala sa ganyan?” seryoso kong tanong.

“Babe ano pang gagawin ko? Please bigyan mo naman ako ng chance oh,” nagsusumamong saad niya at bahagyang lumuhod.

“Tumayo ka dyan,” umiling iling naman siya.

“Hindi ako tatayo dito hanggang 'di mo ako binibigyan ng chance,” napabuntong hininga naman ako dahil do'n.

“Sige binibigyan na kita ng chance, prove yourself that you truly loves me,” pagkasabi ko no'n ay agad na tumayo si Adam at niyakap ako.

“Thank you Babe, you don't know how happy I am, don't worry I'll prove myself that I truly loves you,” at bumitiw na sa yakap.

“You can go now Adam,” walang emosyon kong saad pero masaya naman ako sa kaloob looban ko.Akala ko kasi susukuan niya ako, hindi pala.

“Ok fine, I'll go ahead now.I know that you want to be alone right now.By the way condolece.” and he formed his lips in a line, to make a small smile.

“Bye,” sabay sara ng pinto.

Nang masara ko na ang pinto ay di ko namang maiwasang mapangiti.Sana lang di ko pagsisihan ang naging desisyon ko.

Pumunta na ako sa kwarto namin ni Lola at hinalungkat ang mga damit niya.May pamahiin kasi kami na dapat daw pag namatay ang tao eh kailangan mong sunugin ang mga damit niya kaya ito ako ngayon at sinusunod ang pamahiin.

Habang nilalagay ko ang damit ni Lola sa malaking plastic bag ay may kung anong nalaglag mula sa jacket niya kaya naman tiningnan ko ito.

Kulay puting sobre ito at sa palagay ko'y sulat ang laman kaya naman binuksan ko ito.Nagulat ako ng makitang para pala sakin ito kaya't binasa ko.

Mahal kong Katya Apo,

Unang una sa lahat pagpasensyahan mo na ako kasi bumangon padin ako ng dis oras ng gabi kahit hindi mo alam.Tulog ka pa kaya naman di kita gigisingin.Alam kong pagod ka kakagawa ng thesis mo.

May mahalaga lang akong sasabihin sayo dahil nararamdaman kong papalapit ng papalapit na ang oras ko.

Hindi kita tunay na Apo.Hindi ako ang tunay na pamilya mo.Pasensya ka na ha, sobrang nangulila kasi ako kay Grezelda, sa anak ko.

Nag-iisang anak ko lang si Grezelda, siya yung sinasabi ko sayo na siya ang ina mo, pero hindi.Hindi siya ang ina mo.Ang tunay mong ina ay si Cristine Fernando.

Namatay si Grezelda no'n pa.Nakunan kasi ako, kaya naman naisipan kong magtrabaho para pansamantalang makalimutan si Grezelda at nakapasok naman ako bilang kasambahay kina Maam Cristine, na nanay mo.

Maganda ang trabaho ko do'n.Tinuring nila ako na parte ng pamilya nila.Buntis pa nga no'n si Maam Cristine sayo eh.At nong pinanganak ka, di ko maiwasang mangulila kay Grezelda ulit kaya ang ginawa ko ay kinuha kita at dinala dito sa bundok.

Pasensya ka na talaga apo.Pasensya na dahil nagsinungaling ang Lola mo sayo.Pasensya ka na dahil hindi ko ito masasabi sa personal.Nahihiya kasi ako sayo Apo.Mahal na mahal kita.Hanapin mo na ang mama mo at ang pamilya mo.

Nando'n lang sila sa Bayan ng Solana.Sila ang may ari ng pinakamalaking bentahan ng wine dito sa Pilipinas.Hanapin mo sila.Mahal kita.Ingat Apo.

                                         Nagmamahal,
                                          Lola Esterlita

Matapos kong mabasa ang sulat na yun ay 'di ko alam ang magiging reaksyon ko.Magagalit ba ako kay Lola dahil tinago niya sakin ang katotohanan o magpapasalamat ako kay Lola dahil alam ko na kung saan ko pupuntahan ang pamilya ko ngayon.

I'm happy at the same time dissapointed.'Di ko lubos maisip na magagawa 'to ni Lola sakin, pero naiintindihan ko naman ang rason niya.Kung ako din naman siguro sa posisyon niya ay gagawin ko yun.

She lost her daughter and she lost her husband pero hindi parin siya sumuko sa buhay.I'm proud of my Lola kahit ngayong nalaman ko na ang totoo, ituturing ko parin siya bilang Lola ko.

Hahanapin ko na ang mga magulang ko bukas na bukas mismo.

Out Of Data(Internet Series #6) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon