Chapter 19

6 3 0
                                    

Chapter 19

Nagising ako ng mag aalas sais na ng gabi kaya naman bumangon na ako at lumabas ng kwarto.Naabutan ko sa labas sina Tito at Tita.Wala na si Hanz siguro ay natulog na yun sa kanila.

Lumapit ako kela Tita at Tito at tinanong sila.

“Kanina pa po ba kayo nandito Tita, Tito?” baling ko sa kanila.

“Hindi bago lang kaming dating dito,.” nagtaka naman ako sa sinabing yun ni Tita Hannah.

“Eh ibig sabihin po ba bago lang ding uwi si Hanz?” takhang tanong ko na nagpakunot ng kilay niya.

“Nandito pa siya ah nagbanyo lang, oh ayan na pala siya,.” sabay baling niya sa likod ko.Liningon ko naman yun at nandon nga si Hanz.Mas lalong naging itim ang ilalim ng mata nito kaya dali dali ko siyang nilapitan.

“Hanz?! Ba't 'di ka natulog?” may pag-aalala kong saad.

“Binantayan kita kanina habang natutulog ka at nang marinig ko ang boses ni mommy ay bumaba muna ako.” pagpaliwanag niya kaya naman hinampas ko ng mahina ang braso niya.

“Gaga ka matulog ka na do'n baka magkasakit ka,” saad ko kaya naman napangiti siya.

“Concern ka naman pala sakin babe, sige matutulog ako pero bantayan mo ako,” sabay pout.Pft mukhang aso na may lahing panda.

“Para ka namang bata Hanz,” saad ko habang tatawa tawa.

“Ikaw nga binantayan ko eh, sige na.” sabay puppy eyes kaya naman tumango ako.

“Sige pero hanggang sa makatulog ka lang ah! Tutulong ako kela Tita at Tito pagkatapos no'n.” napatango naman siya at ngumiti ng todo.

Tinungo na namin ang daan patungong kwarto at pumasok na.Humiga agad si Hanz sa kama pagkapasok namin kaya nilapitan ko ito at naupo sa tabi niya.

“Kat himasin mo buhok ko,” pag-uutos niya.

“Ano ka manok na isasabong?” natatawang tanong ko napapout naman siya.

“Hindi pero pwede kitang sabungin rawr!” at umaktong parang tigre kaya naman pinalo ko ito.

“Gaga, halatang kulang ka nga talaga sa tulog Hanz.Pumikit ka na,” sumunod naman siya pero agad ding dumilat at sinamaan ako ng tingin.

“Yung kamay mo,” sabay nguso sa kamay ko kaya naman napataas ako ng kilay.

“Anong kamay ko?” pagtatanong ko.

Nagulat ako ng bigla niyang kunin ang kamay ko at inilagay sa buhok niya.

“Himasin mo,” napatawa naman ako dahil do'n.Ganito pala ang Hanz na kulang sa tulog, nagiging isip bata masyado.

Pinahiga ko na ulit siya sa kama at hinimas himas ko ang buhok niya.'Di pa ako nakakalating minuto sa paghihimas sa buhok niya nang pumasok si Tita sa kwarto namin.Napasinghap pa ito sa gulat dahil sa nakita niya.

“Tita its not what you think, pinapatulog ko lang po si Hanz,” napatango naman si Hanz do'n.

“Wala naman akong iniisip Kat ah, bakit? May dapat ba akong isipin?” inosenteng saad ni Tita at bahagyang inilibot libot ang paningin niya.

“Ano po palang ipinunta niyo dito Tita?” walang paligoy ligoy kong saad.

“May naghahanap sayo sa baba,” nagtaka naman ako do'n.

“Pakisabi nalang po Tita na pakihintay ako dahil papatulugin ko pa 'tong anak niyo,” natatawa kong saad.

“Oh siya sige, lambingan well,” saad niya at umalis na.Nakita ko namang napapula ang mukha ni Hanz dahil do'n kaya naman tinapik tapik ko siya.

“Hanz 'wag ka ng mamula diyan 'di ka kamatis.Matulog ka na,” saad ko at tinulak siya pahiga sabay upo sa tabi niya at himas ng buhok niya.

Ilang minuto lang ang lumipas at nakatulog na si Hanz kaya naman bumaba na ako para tingnan ang bisita na sinasabi ni Tita.

Pagkarating ko sa sala ay naabutan ko si Tita na nag aayos ng juice at biskwit.Nandito na siguro ang mga magdadasal para kay lola.Linapitan ko si Tita at kinalabit.

“Tita asan na po yung bisita?” tanong ko sa kanya.

“Ah nando'n siya sa labas Kat, puntahan mo nalang,” sabay nguso niya sa pinto kaya naman napatango ako.

“Sige po Tita,” saad ko at tinungo na ang daan palabas ng bahay.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay ay inilibot ko agad ang mga mata ko at tumama ang mga mata ko sa lalaking nakatalikod sakin.Ito na siguro yung bisita.Nilapitan ko siya at kinalabit.

“Kayo po ba ang naghahanap sakin?” magalang kong tanong.

Nagulat ako ng humarap ito sakin.Siya na naman?

“Babe I'm sorry,” sabay hawak sakin agad ko namang tinanggal ito.

“Sorry para sa'n Adam?” pagtatanong ko.

“Sa nagawa kong mali sayo, kung ano man yun,” seryoso ba siya?

“'Di mo ba talaga alam ang mali mo Adam?” sakristo kong tanong.

“No trust me babe 'di ko alam,” napatawa naman ako dahil do'n.

“'Di mo talaga alam na nakipagbreak ka na sakin?” napakunot naman ang noo niya dahil do'n.

“What? But it was just a prank.May kadugtong yun 'di mo nabasa?” takhang tanong niya.Prank? Tangina niya gagawa pa siya ng palusot.

Kinuha ko ang cellphone ko at iniharap sa kanya ang screen shot ko.

“Ngayon mo sabihin na prank lang ang lahat Adam,” saad ko habang tumutulo ang luha.

“What? Pa'nong nangyare yan eh may dugtong pa yan,” nagmamaang maangan pa talaga siya ha?

Nagulat nalang ako ng biglang may sumuntok sa kanya at tumilapon siya at nang tingnan ko ito ay si Hanz na galit na galit na nakatingin kay Adam.

“Hayop ka! Pinapaiyak mo na naman si Kat.'Di ka pa ba nakontento sa pakikipagbreak mo sa kanya?!” nanggagalaiting tanong niya at akma pa sanang susugurin si Adam ngunit pinigilan ko siya.

“Nakakadalawang sapak ka na sakin bro ah.Who the fuck are you?” madiing wika ni Adam ng makatayo ito.Nakita ko pa siyang nagpahid sa gilid ng kanyang labi.Napuruhan yata ni Hanz, dumudugo eh.

“I'm her f-friend,” napangisi naman do'n ng nakakaloko si Adam.

“Friend? But I think you act like her fucking boyfriend, do you love her?” napakuyom ng kamao naman si Hanz dahil do'n.

“Why are you not answering me?” mapanghamong saad ni Adam.

“Yes I love her, more than friends.Kaya nga kahit mahal ko siya pinalaya ko siya para sayo kasi akala ko hindi mo siya sasaktan but I guess I'm wrong, You fucking hurt her asshole.” madiing saad ni Hanz.Bago pa sila mag away away ay pumagitna na ako.

“Wag kayong mag away dito, Adam umuwi ka na sa inyo.Hanz, tara na,” aalis na sana kami ng hilahin ni Adam ang braso ko.

“Babe it was just a prank, trust me may kadugtong yun,” pagsusumamong saad niya, napabuntong hininga naman ako.

“Bring me your proof then,” saad ko at inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya at pumasok na sa loob.

Naaawa ako sa kanya.Stupidong puso 'to sinaktan na nga naaawa pa.Umaasa din ako na may pruweba siyang ipapakita sakin.Umaasa ako.

Out Of Data(Internet Series #6) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon