Maaga dapat ako nagigising kasi marami akong ginagawa. 7:30 time namin sa DU kaya gising na'ko ng mga 6:00. 20 minutes sa banyo, 10 minutes mag make up, 15 minutes kumain, 5 minutes sa pagbihis, 10 minutes sa kotse.
Diba? 1 hour na agad yun. Tulad ngayon, kakain pa nga lang ako. Tapos nako magmake-up. Naka-heels ako, well sanay naman na'ko sa ganito. Parang exercise ko lang ^__^
"Goodmorning ma, morning pa." Bati ko sa kanila.
"Oh Allie, kumain ka na." Yaya ni mama.
----
Nasa kotse na'ko. Hinahatid ako ni Kuya Mark, driver namin. Pero alam niya na kung saan niya ko ibaba. Alam niya kasi yung tungkol sa mga ginagawa ko.
Kinuha ko yung bag ko tapos nilabas yung flats ko. Hindi kasi ako naghi-heels sa school. Sila Bianca lang yung ganun. Nagpalit na'ko tapos nagstop na yung kotse namin.
Tinali ko na yung buhok ko, yung tipong haggard and messy. Lumabas na'ko at nagthank you kay kuya.
"Salamat, kuya!"
Mapagkakatiwalaan yan. Parang kuya ko nga eh. 21 years old lang siya, kailangan niya kasi ng trabaho kaya nag-apply siya last year. Mataas naman sweldo niya kasi alam ni Papa na kailangan niya talaga ng pera. Parang pamilya na nga siya sa amin eh.
Nagsmile siya and that's my cue to leave. Wala namang masyadong tao dito sa gate C kaya lagi ako dito bumababa. Naglakad na'ko hanggang sa makapasok na'ko sa loob. May mga students na. Tumakbo ako papunta sa CR ng freshman tapos nilock ko yung door.
Chineck ko kung may tao. Thank God, wala. Naghilamos na ko tapos inalis yung make-up sa mukha ko. Sinuot ko yung blue na retainer ko tsaka yung glasses ko.
Di naman talaga malabo yung mata ko. Sadyang kailangan ko lang talaga ng disguise. Ginulo gulo ko na yung buhok ko and Jana is back.
Hindi na ko si Allie, yung anak ng mayamang businessman, yung magandang sinasabi nila, yung tinatratong Diyosa.
Ako si Jana, the school nerd with the ugliest face. Yung laging nabubully at hindi napapansin ng maraming tao.
Alam ni mama na nerd ako, actually yung nerd na normal, yung hindi ganito ang itsura. Ayaw niya, kasi Santos ako. Gusto niya maganda ako, kaya nagpapaganda ako sa bahay. Tapos magpapakapangit dito.
Nagtataka siguro kayo kung bakit masgusto ko maging Jana. Si Jana kasi simple, si Allie sosyal at pinagkakaguluhan. Si Jana, invisible at nobody, si Allie, center of attraction.'Basta masgusto ko si Jana. Maskomportable ako sa kanya.
Ang similarity lang nila, hindi nila gusto yung attention. Si Allie kasi, since freshman siya dito sa DU maraming nagkakagusto sa kanya, maraming gusto makipagkaibigan sa kanya.
Tinatrato siya na parang Diyosa, kahit ayaw niya. Gusto niya yung tahimik lang. Pero di niya makuha dahil sa kagandahan at kayamanang sumisilaw sa mga taong nasa paligid niya.
Nangyari yun hanggang sophomore year. Dun niya nakilala yung unang lalaking minahal niya. Pero hindi naman pala niya mahal si Allie, iba lang ang habol niya at iba rin kasi yung nakita niya. Yung kagandahan lang tsaka pera.
Kaya nga masgusto kong magJana. Walang magkakagusto sakin dahil dun. Gusto kong ganito nalang. Yung may magmamahal sakin ng totoo, yung kahit pangit tsaka freak man ako, gusto parin ako. Hindi yung iba yung habol nila. Kung answers man yun, malalaman ko naman, di ako tanga. Hahaha.
Nawala si Allie. Naisip niyang maging Jana at sinabi niya agad sa principal. Naintindihan niya ang gusto niyang mangyari. Yun din kasi ang makakapagpabuti ng sitwasyon sa DU.
BINABASA MO ANG
The Fake NERD
Novela JuvenilFAME. ATTENTION. ROYALTY. Everyone would want those. Especially when you have everything. Well, except one girl pala. June Allison Nadia A. Santos.. maganda, anghel, matalino at mayaman. Nasa kanya na ang lahat. She was the perfect sophomore student...
