Naglakad ako papunta sa park. Hindi man specific ang pagkasabi niya kung saang park ako pumunta, alam ko pa din kung saan..
Sa playground kung saan niya ko iniwan..
Matagal kong hinintay to. Pero bakit parang gusto kong umatras?? Parang hindi pako handa sa mga sasabihin niya.
Napabuntong hininga ako nang makita ko si Alex na nakaupo sa swing mag isa..
This is it..
No turning back now.
Dug dug dug dug
My heart thumped loudly in my chest nung nakita niya akong palapit na sa kanya.
Hindi ako umimik. Umupo lang ako sa swing.. sa tabi niya.
Hinintay ko siyang magsalita. Ito na yun. Alam kong ito na yun.
"Jana, I'm sorry."
Huminga ako ng malalim at pinaghandaan yung sarili ko sa mga susunod na sasabihin niyang alam kong masakit.
Pero kakayanin ko, ginusto kong malaman lahat to.
Masasagot na lahat ng tanong ko.
Tumingin ako sa kanya.. Pero hindi siya tumingin sakin..
Sa baba siya nakatingin.
"Tama ka noon. Dapat pala sinabi ko sayo lahat. Pero anong ginawa ko? Kinimkim ko lahat ng problema ko."
Hindi ako nagsalita. Pinakinggan ko lang siya at hinintay na matapos.
"I felt alone and empty.. Araw araw kong naririnig yung mga magulang ko na nag aaway.. Nagsasagutan.. nagkakasakitan."
Kumirot yung puso ko sa mga narinig ko. Hindi ko alam na ganun na pala yung nangyayari sa kanya.
"Nalaman kong may babae yung Daddy ko kaya hindi na siya bumabalik dito kasama si Xandra. Wala siya nung oras na kailangan ko siya."
Si Xandra yung kapatid niya. Siya yung panganay niyang kapatid.
"Naghiwalay sila.. Yun ang di ko kinaya. At ang masmalala pa dun.. maspinili niyang makasama yung babae niya kesa samin."
"Hindi ko kinaya nung marinig kong umiyak si Mama tuwing gabi. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko noon kundi tanggapin lahat. Pero di ko matanggap."
Umalis nako sa swing at pumunta sa harap niya. Sobrang sakit ng dinanas niya pero di naman niya kailangang itago lahat sakin.
"Nalaman kong kailangan kong pumunta sa Amerika. Kukunin daw ako ni Dad. Pero paano na si Mama? Paano ka na? Hindi kita kayang iwan. Mahal kita."
Pero kung talagang mahal niya ko.. sinabi niya dapat. Bakit pa niya ako pinagpalit kay Bianca?
"Di ko sinasadya.. A-Akala ko kasi t-totoo. Nagpaniwala ako sa iba.. Sorry."
"Nagpaniwala sa iba?"
He nodded. "Nagseselos ako noon kay Patrick."
"K-Kay Pat??"
"Oo.. sasabihin ko na sana sayo lahat ng problema ko, Jana. Lahat lahat. Pero hinarangan ako ni Bianca."
"She said you were cheating on me. She said you were with Patrick."
Nanlaki yung mga mata ko. "I did not cheat on you!! Ever."
Napatayo ako. Bakit niya naman paniniwalaan si Bianca?!
"She gave me pictures!!" Ngayon, si Alex na rin ay nakatayo.
BINABASA MO ANG
The Fake NERD
Teen FictionFAME. ATTENTION. ROYALTY. Everyone would want those. Especially when you have everything. Well, except one girl pala. June Allison Nadia A. Santos.. maganda, anghel, matalino at mayaman. Nasa kanya na ang lahat. She was the perfect sophomore student...
