Chapter 3: Finding an Angel

4.2K 101 9
                                    

Gusto niyo malaman yung nasa isip ko?

ABSENT FOR THE WHOLE SCHOOL YEAR!!

Paano naman kasi, may nagstatus na fangirl sa facebook na ngayon papasok si Alex. I mean, di pa nga siya nakakapasok ng one week may fangirl na agad siya. tss.

(A/N: Uyy, selos naman siya hahahahaha.)

Di talaga ako papasok. malelate na din naman na'ko.

Pero paano na yung mga assignments na ginawa ko kahapon? yung mga activities or surprise quizzes na pwede nilang gawin ngayon. Ano ba naman yan oh.

Tumayo na ako. Siguradong mapapagalitan din naman ako kapag di pumasok. Nagsigh nalang ako. Naligo nako, pero di na ako nagmake-up. Bumaba na rin ako, then nakita ko si Mama.

"Si Papa?" tanong ko.

"Maaga pumasok anak. Oh, bakit hindi ka pa naka-ayos?"

Hindi pa kasi nakaayos yung ribbon ko tsaka wala pakong make up. Ngumiti nalang ako tapos kumuha ng apple sa basket.

"Late na kasi ako nagising eh. Sa car nalang ako mag-aayos." sabi ko.

Kumagat na ko sa apple ko then nagsmile. Umiling nalang siya tapos nagsmile pabalik. Aalis na sana ako nung nagsalita ulit si Mama.

"Ay, oo nga pala anak. Pag-uwi mo, mag-ayos ka okay? may party tayo sa hotel natin. We're hosting it and it starts at 6:00."

"What? kailangan ko pa bang pumunta? Ma naman, alam mo naman na hindi ako mahilig sa mga parties diba?." angal ko.

"You're going and that's final." she said in a stern voice.

"Ugh." dabog ko.

Ano ba yan. Malelate na nga, pupunta pa sa party na sobrang boring. OP lang ako dun sigurado.

---------------------

Thank God, di pa ko late! may 2 minutes pa. hahahaha. Sa kotse ako kanina nagdisguise. Buti nalang walang nakakita sakin na bumaba sa kotse. Mahirap nga ako diba?

Pumunta na ako sa first subject ko which is History. Unfortunately, kasama ko yung tatlong demonyita sa klaseng yun. Siguradong hindi titigil mang-asar yung mga babaeng yun.

Umupo ako sa likod ng walang kasama. Yung lalaki sana kasing uupo sa tabi ko, nilipat yung seat sa side. Dumating na yung tatlong mean girls, sila Bianca, Junah at Danielle, umupo na sa gitnang row, but not before I caught them glare at me.

tss. Ano na naman problema ng mga 'to

Dumating na si Mrs. Alma, teacher namin. Mukha pa nga siyang tinatamad magdiscuss. Ano kayang nangyari kay Ma'am.                                                                                                                                               
"Read pages 6-10 and answer the activities on page 13 and 14." sabi niya.

Tinatamad nga.

Nilabas ko na yung book ko then binasa yung page 6. ililipat ko na sana sa page 7 nung may nagbukas ng pinto. Yung campus president, Katherine Acena.

"Ma'am, may I excuse Jana Santos? tawag po siya ng principal." sabi niya.

Nag usap na kami nung Monday ah. Bakit na naman?

Lumabas na ko ng room then nagsmile na lang sakin si Katherine. Pumunta na ko sa office ni Mrs. Teresa then nagknock sa door.

"Come in."

The Fake NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon