Chapter 7: Revealed

3.7K 107 6
                                    

Pagpasok ko sa school, nakalagay pa din yung tarpaulin sa harap ng Music Room. Open pa din yung auditions every break.

Paulit ulit din naman yung mga babaeng pumupunta.

Hayy. Hanggang ngayon ba wala pa silang nakuhang magaling? Nevermind.

Why don't you try?

W-what?! No way! I don't belong there!

Sino bang nagsabing you don't belong there?

Ako..

Tss. Sinasayang mo yang talent mo.

Shut up, will you!

Naglakad nalang ako papunta sa locker ko. Friday na ngayon and I'm thankful naman. Why? Syempre Saturday na bukas! Walang school, walang problema.

Binuksan ko yung locker ko, nakita ko yung sarili ko sa salamin. Ano? Syempre dapat alam ko kung ano itsura ko! Actually, sobrang pangit. Para akong zombie sa eyebags ko. Well, atleast maslalong di ako marerecognize.

Kinuha ko na lahat ng books na kailangan ko tapos sinara na yung locker ko at naglakad na. Papunta na sana ako sa Arts class ko kaso may bumangga sakin.

Malakas yung impact kaya nahulog lahat ng books ko. Pati ako napaupo.

Di man lang magsorry.

I groaned softly. "Watch where you're going nerd. Tss. Eww." A familiar voice said.

Nakita ko si Bianca kasama yung mga malalanding alagad niya, si Danielle tsaka si Junah. I rolled my eyes.

Ngayon, alam ko ng sinadya niya.

Umalis na sila, leaving me sitting on the floor. Pinulot ko yung mga books ko tapos may stranger na tumulong sakin.

"You okay?" Tanong niya.

He's not a stranger.

I looked up and shock was probably written on my face right now. Si Drew. I closed my mouth nung narealize kong nakabukas.

Pinulot niya yung ibang books ko tapos tinignan ko siya ng mabuti. Kung prank ba ito o hindi. Mukha naman siyang seryoso kaya maslalo lang akong naguluhan.

Bakit nito ako tinutulungan?

Napansin kong hawak niya na yung ibang books ko. Nagulat nalang ako ulit nung inoffer niya yung kamay niya.

Tinignan ko lang. Baka prank 'to. Kaya di ko na pinansin yung kamay niya tapos tumayo na. He smiled softly.

Sino ba talaga 'to?!

Binigay niya sakin yung books ko ng nakangiti lang. Hinintay ko din yung part na ihuhulog niya yung books ko or something bad. A bad prank.

Pero wala.

I cleared my throat. "Umm. Thanks."

Tapos umalis na'ko. Grabe ang weird! Binuksan ko yung pinto sa classroom ng nakayuko. Umupo ako sa likod, sa tabi ng bintana. Pumasok na din yung Arts teacher namin. Si Ms. Cherry.

The Fake NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon