Chapter 21: Two Hearts

1.9K 65 5
                                        

Hindi ko alam kung bakit abot tenga tong ngiti ko ngayong umaga.. siguro dahil sabay kami kumain ni Alex, sabay kami pumasok sa school, hinatid niya ako sa first class ko.. or baka abnormal lang talaga ako.

Bigla nanamang tumitibok ng malakas tong puso ko. Nakuuuu. Magkakasakit ako sa puso neto eh. Normal lang ba 'to?

Nung naglakad ako papunta sa next class ko, nadaanan ko yung Music Room. Maingay sa room, parang may nag-aaway. Kaya chineck ko. Binuksan ko yung pinto ng konti at sumilip.

"Dude!! Just stop, okay?! Wala kang naitutulong."

"Walang naitutulong?! I'm doing this para sa band natin!!"

Sumilip ako at nakita ko sina Drew, Renz at Carlo na nag-aaway.. ano bang problem nila??

"Para sa band natin?? If you really want this then stop looking for someone who doesn't exist!! Naaapektuhan kami dito." Paliwanag ni Renz.

Looking for someone who doesn't exist??

Hindi ako tsismosa or ano.. pero di ko alam kung bakit nandito pa din ako sa side na parang baliw na nakikinig.

Sumilip ako ulit at nakita si Drew na may masamang tingin sa sahig. "Fine.. Alisin niyo nako sa banda." Then he was walking my way..

Nanlaki ang mga mata ko.. Palabas na siya.. Isasara ko na sana yung pinto pero nakita niya na yung half body ko..

Shizzzzzzz!! Papatakbo na sana ako nung nagsalita siya..

"Eavesdropping is not nice."

Uminit yung mga pisngi ko. "Ah.. eh.. ano.. ahmmm. Uhhhh."

Mukha nakong tanga. I mentally face-palmed myself.

"Tsss."

"S-Sorry.."

Niroll niya yung mga mata niya. Amg tarau naman nito!!

"So, narinig mo yung pinag-usapan namin?"

"Ahmm. Hindi naman lahat. A-Ano.. ahmm."

Nagnod nalang siya.. "Dapat di ka nalang nagpa-alis sa banda niyo." Bigla kong sabi.

Tinakpan ko agad bibig ko.. Bakit bako nakikialam?!!! Bobo mo Jana!!!! Ishhh.

He smirked. "Ma-pride akong tao. Tsaka di nila alam nararamdaman ko. I'm doing this for the band.. para sa amin."

Inalis ko na yung kamay ko sa bibig ko tapos nagnod na lang.. Baka kung ano pa masabi ko.

"Kain tayo." Bigla niyang sabi habang naglalakad kami.

"Uhh. Hindi pa natin break time." Paalala ko sa kanya.

"Di pa nga nagiging tayo break na agad??"

Tumawa siya.. ako naman binigyan siya ng are-you-kidding-look.

"Tss. Ang KJ naman neto!!" Reklamo niya.

"May klase tayo.. Ano yun skip?? No way. I don't do that."

He shook his head.. "You must be the saddest person living.. C'mon!! Hindi ka naman mamatay eh.. Mahuhulog lang.. pero wag ka mag alala. Sasaluhin kita.." biro niya sabay tawa..

Napatawa din ako sa kakulitan niya.. Grabe naman 'to. Napakabipolar. Super serious lang kanina tapos ngayon napakaplayful.. Ano ba nakain neto??

"Nababaliw ka na nga."

"Oo nga.. baliw na baliw sayo.. Ampanget mo kasi." Sabay tawa nanaman.

"Oyyy Drew!! Tumigil ka na ah!! Nakakainis na."

The Fake NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon