Pagdating ko sa bahay, paalis na si Mama. Hindi ba niya ko hihintayin? Hmm. Nakita niya ko then flashed an apologetic smile.
"Anak, mauuna na ko ha? There's been problems daw eh. I need to work on it. Your father's busy din kasi. I'll go na bye." Paalam ni mama sabay kiss sa cheek ko.
The truth is.. wala silang time sa akin. Sinabi ko lang dati kay Mrs. Teresa noon na meron kasi ayaw kong sabihan niya sila Mama and Papa na inappropriate parents.
Lagi kasing busy sa trabaho ang parents ko. Oo, binibigay nila ang kailangan at gusto ko pero di ko mafeel yung affection. Alam kong mahal nila ako, pero sometimes di ko maiwasang malungkot.
I sighed and went upstairs. Tama na ang drama! Kailangan ko pang mag-ayos. Ugh. This is gonna be a super long night!
---
I was already dressed. With white stilettos and blue dress, I'm ready to show up. I mean, gusto kasi ni Mama na presentable ako. Puro mayayaman yung nandun, dapat maayos ka. Baka kasi ikaw pa yung majudge kung magmukha kang tanga diba?
Mom taught me manners at alam ko ang mga ayaw at gusto niya. Kaya ayaw ko sa mga parties na pinupuntahan namin. Parang lahat nakabantay sa moves mo, naghihintay ng pagkakamali.
I sighed. Napaparanoid lang siguro ako. Di kasi ako masanay-sanay sa ganito kahit sobrang dami na ng parties na napuntahan ko. Anti-social eh.
Pumasok nako sa kotse namin. Si Kuya Mike naman ang driver ko ngayon. Hinatid niya na ako and I checked myself in the mirror.
Presentable naman. Kahit wala akong ginawa sa buhok ko, okay naman. Unusually straight kasi buhok ko, di na kailangan plantsahin kaya nga mahal na mahal ko eh.
Nakarating na kami kaya pinagbukasan na ko ni Manong ng pinto. Nagsmile ako then he nodded.
"Thank you, Kuya." Sabi ko.
"Have a nice day po." Sabi niya.
----
Ang dami ng tao. Sobra. As in. Sobra akong OP. Lalo na nung pinakilala ako ni Dad sa mga business partners niya. Halatang mayayaman tsaka ang awkward.
At ang sabi pa ni Mama, wag na muna daw ako gumala. May mga late pa daw kasi na guests. And guess what? Kasama na dun yung mga Delos Reyes. Yup, family ni Drew.
Sa kanila yung Delos Reyes Company. Kaya di nako magtataka kung sobrang bongga nila. Baka masbongga pa dito sa party na to. And don't forget the fact na nandun din si Drew. Magiging sobrang hangin dito.
I sighed. Sigurado namang di ako mahihirapan dun. I mean, di niya ako kilala. Imposibleng aasarin ako nun. Imposibleng papansinin ako nun. Diba?
Demonyo yun.. haha.
Speaking of demons, si Bianca nandito din. Sobrang ganda niya nga eh. Ang kapal ng make up, naka6 inch heels, cocktail dress at ngayon kulot ang buhok niya.
Maganda talaga.
Kaso yung utak natapakan niya eh. Sayang, hahaha. Anyway, di naman sa tsismosa ako pero sadyang narinig ko kasi yung papa ko na kausap papa niya sa phone, humihingi ng tulong kasi nababankrupt na raw sila.
Ipapasign ko kasi sana yung bills na inabot sakin ni Mama kaya ako pumunta sa office ni Dad. Pumasok ako sa
office niya and accidentally heard everything. Umutang pa yata sa amin para maikeep nila yung bahay nila.
Gusto ko nga siyang tulungan kaso sigurado namang mapapahiya lang siya and maslalong magagalit sakin yun. Baka makalbo ako. Mahirap na nu. Ikaw na nga yung nagmamagandang loob, ikaw pa tong lumabas na masama at baka mabugbog pako. Hayy..
BINABASA MO ANG
The Fake NERD
Teen FictionFAME. ATTENTION. ROYALTY. Everyone would want those. Especially when you have everything. Well, except one girl pala. June Allison Nadia A. Santos.. maganda, anghel, matalino at mayaman. Nasa kanya na ang lahat. She was the perfect sophomore student...