Chapter 25: Revelations

1.8K 64 5
                                    

Kumirot yung puso ko sa pag iisip kung bakit di pumunta si Alex.

Paulit-ulit nalang na ganito.

Bakit ba wala siya?

Napaisip tuloy ako.

Paano kung hindi ako nagpanggap bilang Jana?

Paano kung inilantad ko nalang sa lahat kung sino ako?

May magbabago ba?

Hays.

Sobrang drama pwede ng pang MMK.

Tumigil ka nga Allie.

Di ka artista.

At never kang magiging bida.

Tandaan mo na sa mundong to, ikaw ang nobody.

Wala kang role na gagampanan. Isang extra lang sa buhay ng ibang tao.

Hindi ko natiis. Pumunta ako sa school. Ano namang gagawin ko sa bahay? Tutunganga?

I looked like a mess by the way

Di ako natulog kaya para akong sabog.

And I didn't care.

Naglakad lang ako. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin.

Inisip ko lang yung buhay ko sa ilang taon na nandito ako.

Paano ba maging masaya?

Alam mo ba yung feeling na kahit anong gawin mo, talagang may kulang. Di mo alam kung bakit malungkot ka at parang may something na mali.

Parang mababaliw na ako.

Pumasok ako sa campus. Wala akong pakialam kung paano ako kumilos.

Kahit lutang ako sa bawat kilos ko, alam ko pa din ang pinaggagagawa ko.

I made sure na ako si Jana ngayon.

The nerd that was invisible.

Thank you dahil kahit papaano wala lang ako dito.

Hindi ako napapansin. Walang kaplastikan na dumarating at higit sa lahat, iwas sa masmabigat na problema.

Sa sobrang aga ko sa school, umupo ako sa playground. Unti unting bumabagsak yung mata ko.

Pero nagising ako sa familiar na lalake sa harap ko.

"Jana." He calls.

Nahulog yung salamin ko. Sobrang antok na ko. Bakit ngayon ko lang naramdaman?

"Jana" ulit niyang sabi.

"D-Drew." Napahikab ako.

Yumuko ako. "Ano bang ginawa mo at puyat na puyat ka?"

Pumikit ako. "May sasabihin ako. Tumingin ka sakin. Di kita makita ng maayos."

Nangati yung ulo ko sa inis. Istorbo to ha.

I groaned. "Wag moko istorbohin. Gusto ko matulog. Hmfff."

Tinanggal ko yung tali ko para di niya makita mukha ko.

Advantages ng mahahaba ang buhok.

"Jana." Pilit niya akong ginising.

"10 minutes."

"Hahalikan kita jan para magising ka."

Tumaas balahibo ko. What the. Puso? Ano ba ginagawa mo! Landi ha! Tumigil ka! Kay Alex tayo.

"Tigilan moko. Pagod ako."

"Ako din. Kaya kailangan ko ng tulong. Gising." He shook my shoulders.

I moaned. "Wag moko guluhin." Inalis ko yung kamay niya sa balikat ko.

His touch burnt me. That was tough. Only Alex could do that to me.

This is so not good.

Kaya inignore ko siya.

I just kept my eyes closed and waited for sleep to come.

Sa susunod matutulog nako ng maayos.

Pero hinawakan niya yung baba ko. Tinaas ang mukha ko at tinanggal yung buhok na nakadikit sa mukha ko.

I slowly opened my eyes and looked to see an open mouthed Drew.

He was pale and he he looked like he saw a ghost.

"Allison?"

As soon as it registered on my mind, I immediately stood up and panicked.

"Allie." He said once again

"I can't believe this!" Napatayo siya.

No no no no no

Di ako nakapag salita.

"Allie." Lumapit siya sakin.

"Shhhhh shhhhh. Tumahimik ka Drew please." I pleaded.

"What?"

"Please lang."

"I don't understand. What? How? Why?" Gulong gulo siya.

"Jana. This is unbelievable."

He scoffed.

Tumitibok yung puso ko ng napakalakas.

Dahil ba sa takot?

Na alam na niya kung sino ako?

Dahil iiwasan na niya ko?

Malulungkot ako?

Ano?! Hindi!!

Di siya tumingin sakin. Tumalikod siya at naglakad papalayo.

He went away without even looking back.

Dug dug dug dug

Ano ba to?

Bakit ang sakit?

Hindi.

Di pwede.

-

Vote

Comment

Share!!

Thank you xoxo

The Fake NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon