The next day, tulala ako. Hindi talaga ako makaget-over sa nangyari kagabi. Yung pagcomfort sakin ni Drew, yung way niya para gumaan yung loob ko, yung patawanin ako. Parang hindi siya si Drew.
Yung Drew kasi na kilala ko, conceited, jerk tsaka sobrang yabang. Walang pakialam sa feelings ng iba. Basta ganun! Ang gulo naman kasi eh! Tsaka bakit ko ba ginagawang big deal yun?
Tss. Its nothing! Sigurado rin namang wala rin sa kanya yun. Lahat naman kasi laro para sa kanya, diba?
Paano na si Alex?
My heart fluttered. Umiling naman ako. Sobrang lakas ng effect niya sakin. Diba dapat galit ako dun? Iniwan niya ko, niloko, ginamit, pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
Tapos malalaman ko na magkapatid pala yung dalawa? Tss. I should have known. Magkamukha sila ni Tita Carla, yung Mommy naman ni Drew patay na, nagkacancer daw sabi ni Mom. Kaya siguro si Tita Carla na yung asawa ni Tito Drake.
And I can't believe na nasabi ko kay Alex na boyfriend ko si Drew. Nakakahiya naman nun! Naku, pag to nalaman ni Mama!
Hindi naman sa ayaw ni Mom. I mean, kakakilala lang namin kahapon, tapos boyfriend ko na agad? Ano ba naman to.
"Ms. Santos!!" Someone snapped.
I jolted up. Narealize kong tinatawag ako ng teacher ko sa Filipino. Si Ma'am Janice. Mukhang naiinis na nga siya sakin eh.
"Ma'am?" Tanong ko.
Nininerbyos na'ko. First time kong di makinig sa subject niya. Sobrang strict niya kasi kaya lagi akong nakikinig sa kanya. Pero ngayon, mukha akong lutang.
"Hindi ka ba nakikinig sa akin?! Ang sabi ko, basahin mo yung next paragraph." Utos niya.
Sht...
"Uh.. I-I'm. Uh. s-sorrypo." Nauutal kong sabi.
Anong page na ba kami? Shettt!!
Anong paragraph?
Nilipat lipat ko yung mga pages, pinagtawanan nalang ako ng mga classmate ko. Siguradong sobrang pula na ng mukha ko ngayon.
Lumunok ako. "Ano pong pahina?" Tanong ko kay Ma'am na sobrang pula na din sa inis.
Umiling siya. "Pahina 5, Ms. Santos." Naiinip niyang sabi.
Pumunta ako sa page 5. Kaso ang daming paragraph. Nasaan na ba kami?! Shemayyy! Lagot!
Pinagpapawisan na ako. Ayokong tanungin yung classmate ko kasi sigurado naman pagagalitan ako ni Ma'am.
"Ma'am ano pong para----"
Sumabog siya. "Ano ba, Ms.! Di ka nakikinig! Inuubos mo oras ko! Detention, after school! Hayy."
ANO? DETENTION?!
*KRINGGGG!*
Nagring na yung bell. Di pa rin ako makagalaw. Ako? Detention? Pero, di pa ko nakapunta dun! Ala!
Siguradong mga loko loko lang yung mga nandun! Oh my God!! Lahat ng mga kaklase ko tumakbo na palabas. Ako nalang natitira dito.
I groaned. Inayos ko na yung gamit ko tapos lumabas na sa classroom. Last class ko yung Filipino. So that means, DETENTION!!
BINABASA MO ANG
The Fake NERD
Novela JuvenilFAME. ATTENTION. ROYALTY. Everyone would want those. Especially when you have everything. Well, except one girl pala. June Allison Nadia A. Santos.. maganda, anghel, matalino at mayaman. Nasa kanya na ang lahat. She was the perfect sophomore student...
