#22

90 2 0
                                    

*Velle's P.O.V.*

"I miss you mahal."

Sabay halik sa balikat ko. Ilang oras na kaming naka-upo dito sa hagdan sa gilid ng room nila. Hindi namin pinapansin ang ingay ng mga classmates namin. Ngayong bati na kami ay balik na naman kami sa mundo kung saan parang kami lang ang tao.

"I miss you too mahal. Wag kang unli."

Tumawa muna si Nellie bago nag-salita. "Namiss kasi kita talaga. Ang tagal din kaya nating di nag-pansinan. Ang tagal ng galit mo sa akin."

"Kalimutan mo na nga yun loves!"

"Never ko yun makaka-limutan. Ang gago ko kasi eh."

"Past is past. Mas importante ang present at mas lalo ang future." Nginitian ko siya kaya ngumiti na din siya tapos ay niyakap akong muli.

Sana ganito na lang kami forever. Masaya. Walang problema. Walang mabigat na nararamdaman.

Alam kong imposible pero patuloy pa din akong umaasa na sana tuluyan na kaming maging masaya.

"Wag mo na ulitin mahal ah?"

"Opo."

"Sobrang nasaktan ako."

"Sorry na po."

"Mag-bago ka na ah?"

"Para sayo, mahal. Gagawin ko."

"HOY! Lalandi netong mga to! Walang forever!" Sigaw ng bitter na baklang si Lixy. At dahil sa sinabi niya kaya nag-tawanan ang iba pa naming classmates.

----
*Velle's P.O.V.*

Umuwi ako ng bahay na may ngiti sa labi at magaan ang dibdib. Sa wakas! Ayos na kami ni Nellie. Sana mag tuloy tuloy na ito! Haaaaay.

"Ngiting-ngiti Cha ah. Anong meron?"

Nagulat ako dahil biglang pumasok ang kuya ko. Nakaka-halata na to!

"Wala naman kuya! Naiintindihan ko na kasi ang Accounting namin. Hehe."

"Accounting nga ba ang naiintindihan?"

"Grabe si kuya!"

"Asuuuus. Alam ko yang mga ganyang ngiti Cha-cha ah."

"Wala naman talaga, kuya eh!"

"Hindi porke nag debut ka na ay pwede ka na sa mga lovelife lovelife na yan. Baby ka pa sa paningin namin."

Napa-pout na lang ako dahil sa sinabi ni kuya. 18 years old na ako pero bine-baby pa din nila ako.

"Tito, don't make sermon Tita Velly na. You go to your room na! Shooo!"

"Dane?"

"Hello there, tita Velly!" Masiglang bati niya sa akin. 15 years old na yan pero napaka-cute pa din! :">

"Hoy Daniella, matulog ka ng maaga ha? May pasok ka tomorrow."

"I know tito!"

Hinintay namin na maka-labas si kuya at nag-simula na kaming mag-chikahan.

"Tita, may nai-kwento sa akin si Mandy. She said you have girlfriend daw. Is it true?"

"OMG! Mandy told you?! UGH!!"

"Calm down tita! You know me and Mandy. We don't keep secrets from each other."

"But she promised me! Pasaway talaga yung batang yun!"

"Hayaan mo na tita. Hindi ko naman sasabihin kina mommy e. Basta mag-kwento ka."

"Ano naman ikekwento ko?"

"Hmm. Kamusta na kayong dalawa ngayon?"

Automatic na napa ngiti ako dahil naalala ko si Nellie. Kung paano niya akong sinurprise. Yung 'feels' kapag niyayakap at hinahalikan niya ako. Iba. Iba talaga.

"Well.. Okay naman kami. Actually, okay na kami. Nag-away kasi kami. Maliit na bagay lang naman pero pina-laki namin. Pero masaya ako kasi okay na kami ngayon."

"Anong feeling na girl siya tapos girl ka din?"

"Okay lang naman. Yung relasyon kasi namin ni Nellie.. parang pang mag-tropa lang."

"Isn't that a little awkward, tita?"

"Mahal ko kasi siya, Dane. Kahit ako, hindi ko masagot ang tanong na, 'Bakit siya? Bakit ko siya minahal?' Hindi ko alam kung anong maisasagot ko sa mga katanungan na yan. Basta nagising na lang ako isang araw, mahal ko na pala siya..."

Bisexual LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon