#23

93 2 1
                                    

Hi. Hello. Hello. Hi. Kamusta kayooooo? After 987654321 years, nakapag-update na din ako! Whooooo! Parteh parteh!

Pasensya na pooooo sa SOBRANG TAGAL na UD. Naging busy lang po sa mga bagay bagay kaya nakaka-ligtaan ko na ang paga-update. :( Pero, THANK YOU po! Sa mga nag-basa at patuloy na nag-babasa ng story na ito! :) Selemet pews.
-----

*Velle's P.O.V.*

Isang linggo na ang naka-lipas mula ng magka-bati kami ni Nellie. Hindi na katulad ng dati ang pag-sasama namin. Marami ng nag-bago.

Mas lalong naging sweet sa akin si Nellie, mas ma alaga. Ganun siguro talaga kapag may nagawang mali sayo ang partner mo no? Gagawin ang lahat, maka bawi lang sa kasalanang nagawa.

Pero ewan ko ba! Hindi ko na maiwasanv mag-duda ng mag-duda. Hindi naman sa wala na akong tiwala sa kanya pero kasi.. siguro natatakot lang ako na gawin niya ulit sa akin yung ginawa niya or worse mas malala at mas masakit. Hindi ko ata kakayanin.

"Oh Velle. Ang lalim ng iniisip ah? May problema?"

Di ko namalayang dumating na pala si Bea at tumabi sa akin.

"Wala 'to. Ayos lang ako."

"Sigurado ka?"

"Oo naman."

Nag-kwentuhan na lang kami ni Bea habang hinihintay ang mga classmate namin. Andito kami sa usual spot namin sa quadrangle. Ito yung lugar na medyo 'safe' ang mga tao sa mga bolang lumilipad pero dahil 'medyo' lang ay hindi pa din naiwasang matamaan si Bea ng bola ng volleyball.

"ARAY KO!!" Tili ni Bea. Ang lakas nga naman kasi ng pagkaka tama ng bola sa kanya lalo na't lalaki ang mga nag-lalaro.

Naramdaman kong papalapit na sa amin yung lalaking naka-tama kay Bea ng bola. Hindi ko siya tinitignan dahil hinahanda ko na ang kamalditahan ko.

"Naku miss, so--"

"Alam mo kuya-- Matthew?!"

"Oh! Kayo pala yan! Sorry pretty ladies. Hindi ko sinasadya."

"Nako kuya! Kung lahat ng kasalanan ay nadadaan sa SORRY edi sana wala ng babaeng bitter sa mga manloloko nilang EX!" G na G na sagot ni Bea. Hugot kung hugot!

"Sorry na ganda! Hindi ko talaga sinasadya!"

"Bola pa more!" Pambabara naman ni Bea.

"Ganda.. tulungan mo naman ako sa friend mo oh." Baling sa akin ni Matthew.

"Kaya mo na yan! Malaki ka na!"

Napa-kamot na lang sa batok si Matthew.

"Oh sige. Ganito na lang, ililibre ko na lang kayo ng Shanghai para mapatawad mo na ako. Deal?" Tinignan niya kami pareho ni Bea. At dahil matakaw kami ni Bea at paborito namin ang Shanghai ay hindi na kami nag-dalawang isip sa alok niya.

Binilhan niya kami ng tig-tatlong shanghai at may soft drinks pa! Galante!

"Whoooo! Heaven!" Sabay-sabay naming sabi kaya natawa kami.

"Sorry talaga ah?" Sabi ulit ni Matthew kay Bea.

"Wala na yun. Na-digest na. Hehe."

Pag-tapos namin kumain ay bumalik na ulit si Matthew sa pag-lalaro. Pero bago siya umalis ay hinawakan niya ako sa balikat at nagpa-salamat. Ang weird nga eh. Pero di ko na lang pinansin.

"Velle, umilaw cellphone mo!"

Oh. No.

"Shucks! Ang daming texts at miscalls ni Nellie!"

"Hah! Ngayon mo lang nalaman? Busy ka kasi sa pakikipag hawakan at pakikipag ngitian dun sa lalaking nanlibre sa inyo ng Shanghai!"

Nagulat ako sa biglang pagdating ni Nellie. Pero mas nagulat ako sa pag-sigaa niya sa akin. First time. First time niya lang ako nasigawan. Gusto kong umiyak pero ayokong ipa-kita na mahina ako.

"Wala naman kaming ginagawang masama, Nellie!"

"Kaya pala may pag-hawak siya sa balikat mo?!"

"Wala naman yun eh!"

"Kaya pala hindi mo namalayang kanina pa ako tawag ng tawag at text ng text sayo!"

"Nellie--"

"Tang*na naman Velle! Lokohan na lang pala ito eh! Gumaganti ka ba ha? Akala ko na okay na?! Nakaka-g*go naman eh!! UGH!"

Aware ako na pinag-titinginan na kami ng mga tao pero sa sobrang init ng ulo ni Nellie ay wala lang siyang pakielam. Gustong gusto ko ng umiyak! Hindi dahil sa nahihiya ako pero dahil ngayon lang nagalit sa akin ng ganito sa Nellie. Ngayon nga lang niya ako na-mura eh!

"Ayoko na Velle.. Sawang sawa na ako! Pagod na pagod na. Wag na lang muna tayo mag-usap. Palamig muna tayo."

Muling sabi ni Nellie. Kumpara kanina ay napaka kalmado niya ngayon. Pero parang tinatapak tapakan naman ang puso ko.

Sabay ng pag-talikod sa akin ni Nellie ay ang pag patak ng luha ko..

Magkaka-ayos pa kaya kami? Kung oo, kailan pa kaya? Kung kailan, huli na ang lahat?

To be continued. ❤

Bisexual LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon