Helloooo! :) Pasensya na po sa super tagal na update. :( Sobrang naging busy lang po! Anyways, wag na tampo. Eto na nga oh. May update na!
PLEASE, VOTE and COMMENT. ❤
---
*Velle's P.O.V.*"LABS! UGH!"
Nayayamot na talaga ako!! Tinotopak na naman ako dahil dun sa sa UGH!
"Wag mo na kasi silang pansinin labs. Iniinis mo lang sarili mo e."
"Eh kasi naman! Rinding-rindi na ako sa mga tanong at sinasabi nila! Nabibwiset na ako!"
"Wag ka na lang pa-apekto. Inggit lang sila. Kalma ka lang!"
KALMA?! PAANO AKO KAKALMA HA?! Isang linggo pa lang ang nakaka-lipas mula nung nag-aminan kami ni Nellie pero heto at ang dami ko ng natatanggap na kung ano-anong balita tungkol sa aming dalawa. Pati mga kaibigan ko, hindi maintindihan ang relasyon namin ni Nellie.
"Tahimik ka na naman, labs. Wag mo na sabi isipin yun e."
"Nakaka-inis lang, Labs! Nasasaktan ako na ewan! Wala naman sila dapat pakielam sa buhay natin ah? Ugh! Mananapak na talaga ako e."
At sa di ko malaman na dahilan ay pinag-tawanan ako ng letseng Nellie na ito. Siya kaya unahin kong sapakin? -_-
"Stop laughing!"
"Ang cute cute mo kasi, labs! Sorry na."
"Whatever!"
Bumili na kami ni Nellie ng pagkain. Kanina pa kasi kami naka-tambay dito. At kanina pa din ako nag-lalabas ng sama ng loob.
Habang kumakain kami ay may grupo ng estudyante na umupo sa kabilang mesa sa gilid namin. Ang lalakas nila mag-tawanan lalo na yung mga babae! Ang kakapal naman ng make-up kala mo pupunta ng Sagala ng mga bakla. Tinitignan nila yung mga taong dumadaan tapos ay bigla na lang silang tatawa ng malakas na nakaka-insulto.
Hahayaan ko na lang sana sila sa trip nila kaso may dumaang dalawang babae sa harap nila. Halatang may relasyon ang dalawa dahil naka-akbay yung babaeng maikli ang buhok dun sa babaeng mahaba naman ang buhok. Nakita kong nata-himik ang grupo ng mga maiingay at tinignan lang ang dalawa. Pag-lagpas ng dalawa ay nag-simula na nilang pag-usapan ang mga ito.
Girl 1: Eww. So nakaka-diri naman nun! Girl to girl?
Girl 2: Oo nga e! Paano kaya sila nag-kikiss?
Girl 3: Paano kaya sila nag-ses*x?"
Tapos ay nag-tawanan silang lahat.
Boy 1: Maganda naman yung babae. Sure akong pineperahan lang nun yung tomboy.
Boy 2: Siguro nga! Kasi diba ang mga lalaki, pineperahan ang mga bakla? Ganun din sa babae at tomboy. Hahahahaha!
Girl 2: Nakaka-diri naman yung ganung relasyon. Mas masarap kaya pag-lalaki. May thrill pa!
At nag-tawanan na naman ang mga hayop.
Nakita kong nata-himik si Nellie. Siguro ay narinig din niya yung mga pinag-sasabi nung mga pangit na ito.
"Don't mind them."
Sabi ko kay Nellie sabay subo sa pagkain ko. Nginitian niya lang ako. Tinapos na namin ang pagkain namin dahil may klase pa kami.
*Loisa's P.O.V.*
"Mga impakta yung mga yun ah? Akala mo naman ke gaganda at ke gagwapo nila!"
Kanina pa nag-ngingitngit sa galit si Gisette. Narinig kasi namin yung mga pinag-sasabi nung grupo ng estudyante sa gilid nila Nellie. Nakita namin na nasaktan si Nellie sa mga narinig niya. Kitang-kita ang lungkot sa mukha ni Nellie pero nag-panggap siyang okay sa harap ni Velle. Haaay. Pag-ibig nga naman.
"Loisa! Ano? Tulala na naman?"
"B-bakit?"
"Kanina pa kaya ako salita ng salita dito pero di ka naman nakikinig. May problema ba?"
"Wala. Iniisip ko lang yung nangyari kanina."
"Ano pang naiisip mo, Loisa?"
Tinignan ako ni Gisette sa mata. Alam niyang may iba pa akong naiisip bukod dun sa nangyari.
"Simula pa lang ito, Gisette. Hindi ang grupong yun ang huli at tanging mang-huhusga sa relasyon ni Velle at Nellie. Kung ang mga malalapit nga na tao kay Velle at Nellie, hinusgahan sila lalo naman ang mga taong hindi sila kilala. Masasaktan lang sila parehas."
Pag-tapos kong mag-salita ay iniwan kong tahimik si Gisette sa kanyang upuan.
BINABASA MO ANG
Bisexual Love
Non-FictionAlam kong hindi tama ang ganitong klase ng pag-ibig. Pero bakit natin hahadlangan ang dalawang taong nag-mamahalan. Kung masaya sila sa relasyon nila, kahit na husgahan sila ng mga makikitid ang utak, wala pa ding makaka-hadlang sa kanila. Alam kong...