#13

154 3 3
                                    

Isa talaga sa mga kinaiinisan ng commuter na tulad ko ay ang traffic. Hindi naman sa reklamador kami pero talagang nakakapang init ng ulo ang traffic. Imbis na madali kang makaka-rating sa gusto mong puntahan ay kailangan mong mag-tiis sa init, nakaka-hilo at sobrang tagal na biyahe. Dagdagan pa ng problema kay Nellie! Ugh! Mag-eenjoy pa ba ako nito?

"Oh. Velle, bakit ka naka-busangot diyan?"

Tanong ng katabi ko sa bus na si Ara. Papunta kaming Ayala ngayon. 30 minutes na ang nakaka-lipas mula nung sumakay kami sa Boni pero heto at nasa Guadalupe pa din kami. Sinong hindi maiinis?!

"Ara, replyan mo nga si Nellie. Ituro mo sa kanya kung paano pumunta sa Ayala. Malapit na mamatay phone niya."

"Sige sige." Sagot ni Ara habang nag-tetext na.

"Nasaan na ba kasi yang jowa mo?"

"Hay nako bakla. Na-stuck si Nellie sa may Munisipyo ng Mandaluyong. Wala din daw usad ang traffic dun."

Nakita kong nag-tinginan si Felix tsaka Ara pero hindi na ako nag-tanong kahit na nag-tataka ako. Nangingibabaw pa din kasi ang inis ko.

*1 hour and 30 minutes later*

"Sa wakas! Naka-rating din tayo!"

"Oo nga! Akala ko tutubuan na tayo ng kabute sa sobrang tagal ng byahe."

Tuwang-tuwa na sabi ni Ara at Felix. Ako? Tahimik lang.

"Ara, hindi pa din ba nag-rereply si Nellie?"

"Friend, hindi pa eh. Hintay lang tayo. Dun tayo upo oh! Malapit sa mga puno."

Nangalay ang binti ko sinabayan pa ng sakit sa ulo. Alam ko ng hindi maganda ang gabing ito pero lahat ng ka-bad tripan ko mawawala pag nakita ko na si Nellie.

Napa-ngiti ako sandali ng maalala ko siya.

"Friend.. nag-text si Nellie. Ikaw na mag-basa." Ngumiti ng alanganin si Ara kaya bigla akong kinabahan. Pero nag-bago ito ng nakita ko ang mensahe..

Ara, ipabasa mo to kay velle ah?

Labs, sorry. :( Hindi na ako makaka-abot. Kahit kasi pilitin kong pumunta dyan, hindi din ako makaka-abot. Sorry talaga labs. Next time na lng tyo punta dyan. I love you, labs. Ingat kayo pag-uwi. Mag text ka pag naka-uwi ka na ha?

Gusto kong kiligin dahil ang sweet ng message pero hindi e. Parang namimilipit ang puso ko. Pinipigilan ko ang pag-tutubig ng mata ko. Ayoko maging malungkot. Ayokong sirain ang magandang view at idamay ang mood ng dalawang kasama ko.

"Thank you, Ara. Okay na, wag mo na replyan."

"Okay ka lang Velle?" Tanong ni Ara.

Ngumiti ako. Kailangan mag-mukhang okay ako! "Oo naman! Ikaw talaga! Tara kain tayo!"

Kunwari ay kumuha ako ng pera sa bag ko para hindi mahalata ang pag-patak ng luha ko. Nakaka-inis naman!

Bago ako humarap sa kanila ay sinigurado kong wala ng bakas ng pag-iyak sa mukha ko. Masayang mukha ang pinakita ko sa kanila. Inabot ko na kay Felix ang ambag ko at siya na ang bahalang bumili ng pagkain namin. Naiwan kami ni Ara dito sa bench.

"May problema ka." Biglang sabi ni Ara.

"Wala be. Paano mo naman nasabi yan?"

"Ang tahimik mo. Hindi tahimik si Velle Hizon kapag okay siya."

Napa-yuko ako. Napa-yuko ako dahil ayokong makita ni Ara ang pag-patak ng luha ko. Ayokong masira ang gabi niya.

"Kung may problema, hindi mo naman kailangan itago. Lalo na sa amin na kaibigan mo."

"Hindi friend. Ayoko lang kasing masira ang mood niyo ni Felix. Dapat ako lang ang malungkot at ayoko mang-damay."

"Wag ka nga! Ano pa't tinawag mo kaming mga kaibigan mo?"

"Oo nga naman Velle! Ganyan ka!" Biglang singit ni Felix na nasa likod lang pala ni Ara at naka-balik na. Friends.. :)

"Ito tatandaan mo, Hindi mo lang kami kaibigan kapag masaya ka. Hindi mo lang kami kaibigan kapag mang-lilibre ka. Hindi mo lang kami kaibigan kapag may bago kang gamit na mamahalin. Kaibigan mo din kami.. sa tuwing malungkot, problemado at nasasaktan ka." Mahabang saad ni Ara.

"Tama! At dapat ang kaibigan, nag-dadamayan sa oras ng kalungkutan at kagipitan. Pero wag niyo na ako isali pag nagka-gipitan, gipit din ako mga beh." Si Felix.

Somehow, nabawasan ang sama ng loob ko. Paanong hindi? Eh ang cheesy ng mga kaibigan ko. Nag-group hug na lang kami kaso humiwalay din agad dahil tumunog ang tiyan ni Ara. Tawanan here, Tawanan there. Tawa kami ng tawa habang kumakain. At talaga namang palipat-lipat kami ng pwesto para lang makapag groupie ng maayos. Tsk!

Napalitan ng todo-todong saya ang kalungkutan ko. Thanks to my friends, okay na ang gabi ko.

- - - - -
PB'S NOTE! :)

Here you go! Chapter 13. :) Salamat po sa mga nag-hihintay ng UD, sa mga nag-babasa at sa mga nagpo-promote. I dedicated this chapter to MisteryusLee, tama ba ako? :D Sa kanya ko unang natanggap ang isang nakaka-tunaw ng pusong mensahe dito sa Wattpad. Isang mensahe na galing sa isang reader. :') Maraming salamat sayo! Nag-reply na pala ako sayo! Baka di mo pa nababasa. :D Yun lang!

Please, Follow me! :) VOTE & COMMENT na rin. Thank you! ❤

Bisexual LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon