"Frieeend! Buti ang aga mo!" Bati agad sa akin ni Nellie.
"Sabi mo eh. Asan na?"
"Yan na." Inabot niya sa akin phone nya. Odiba? Tama ako! Tsktsk. Ishe-share na naman nya sa akin ang mga kalaswaan niyang taglay.
baby ko. akin ka lang ha? mwaaaa.
baby ko.. ang init dito. :((
baby ko, kiss ko po?
Grabe talaga tong si Nellie! Hindi ko ma-take!
"Uy, ano yan?"
"Conversation ni Kim tsaka Nellie."
"Ayy! Pabasa din ako!" Tumabi sa akin si Velle dahil makiki-basa din siya. Tsktsk. Kawawa naman kaming mga inosente.
"Jusme! Hahahaha! Grabe Nellie! Ikaw haaa. May tinatago ka! Hahaha!" Tawa ni Velle. Ang gandang babae talaga neto eh! Maka-tawag pansin lang talaga yung brace.
"Hoy! Ano yan?!" Nag-panic si Nellie. Mehehehe.
"May 'kaanuhan' kang taglay Nellie ha!"
"Ano yaan? Wag mo ipabasa Loisa!" Nag-gagalit galitan na si Nellie.
"Ang damot mo ha! Parang di tropa!"
"Inosente ka pa sa ganyan." Sagot ni Nellie.
"So ako, hindi? Grabehan!" Sagot ko naman. Bata pa akoooo! Hindi pa ako pwede sa ganito e! Hahaha!
"Bakit si Loisa, pwede?"
"Tampo ka na nyan? Sige na. Basahin niyo na." Tapos ay umalis na siya. Bakit namumula yun? Anyare?
Kinuha na ni Velle yung phone ni Nellie at siya na lang ang nag-basa. Ayoko na rin kasing malason ng tuluyan ang utak ko. Hinanap ko na lang si Nellie at ang bruha, ayuuun. Kausap si Chaelle, yung maganda ding best friend ni Velle. Ang harot talaga! Ano kayang pinag-uusapan nila at ang kayo nila sa amin.
"Nako! Grabe talaga tong si Nellie. Anong ano e." Nilingon ko si Velle. Seryoso pala sya sa oag-babasa ng conversation nila Kim at Nellie.
"Ano? Madami ka bang natutunan?"
"Sobra." Sagot nya. Halatang seryoso pa rin sya sa pag-babasa.
"Bae, 3 hrs vacant natin today." Biglang dumating ang Class President namin at sinabi yun.
"Oh! Bakit?"
"Absent si ma'am e. Nag sabi siya na hindi sya makaka-pasok kasi nasa hospital siya."
"Aww. Ang haba ng vacant natin. Anong gagawin natin ngayon?"
"Tara sa room! Food trip tapos laro tayo." Suggestion ng isa naming classmate. Nag-tayuan na kaming lahat tapos ay bumili ng pang-barkada na pagkain. Nakooo! Masaya toooo! Kainan todamax!
BINABASA MO ANG
Bisexual Love
Non-FictionAlam kong hindi tama ang ganitong klase ng pag-ibig. Pero bakit natin hahadlangan ang dalawang taong nag-mamahalan. Kung masaya sila sa relasyon nila, kahit na husgahan sila ng mga makikitid ang utak, wala pa ding makaka-hadlang sa kanila. Alam kong...