Pagka-uwi ko ay saka ko lang naramdaman ang pagod at sakit ng katawan kaya humilata ako agad sa kama ko.
Tinamaan na naman ng katamaran Little Velle.
Habang nag-papahinga ay tinignan ko ang aking cellphone. Umaasang makikita ang Contact name ni Nellie sa halip ay isang Unknown Number ang naka-display sa screen.
Sino kaya ito?
Hi, Velle! It's me Matthew. :)
Ah. Yung maharot na lalaki lang pala.
At dahil hindi naman ako snob na tao ay ni-replyan ko siya ng 'Hi din' tapos ay sinave ang number niya sa phonebook ko.
Ilang segundo lang ang nag-daan ay nag-reply na siya. In-open ko ang inbox ko at nakita ang pangalan ni Nellie. Ugh! Hindi ko pa pala na-tetext si lalabs! Itong Matthew kasi na ito eh!
At dahil nakukunsensya ako ay tinext ko na muna si Nellie na naka-uwi na ako tapos ay saka ako nag-reply kay Matt.
Nagkaroon ako ng instant textmate, at si Matt iyon. Friendly naman siya. Pero halatang maharot, base na rin sa mga text niya sa akin. Andyan yung, ilang oras lang kami nagka-kilala pero tinanong niya agad kung may boyfriend na ako. Ni hindi man lang nya tinanong buong pangalan ko, edad ko, year and course. Sana nga tinanong niya din ako kung interesado ba ako sa kanya para masopla ko siya ng katarayan ko.
Naku Velle! Kasalanan mo din naman! Ni-replyan mo e. Tapos ngayon mag-tataka ka kung bakit ang kapal ng mukha niyan. Ay ewan!
"Bahala siya. Hindi ko na siya rereplyan. Nag-text naman na si Nellie e. Bwahahahaha!"
Nag-usap lang kami ng nag-usap ni Nellie. Wala naman masyadong nangyari ngayong gabi maliban sa sunod sunod na text ni Matthew. Walang kapaguran ang isang to ah?
Naka-titig lang ako sa screen ng phone ko habang hinihintay ang reply ni Nellie nang may nag-text na unknown number na naman. Sure naman akong hindi to kay Matt kasi naka-save na yung # nya sa phonebook ko.
Nellie doesn't deserve your love and attention. I maybe an unknown person today, but someday you'll thank me for this message. I don't want to see you hurt. And if you'll continue your relationship with that Nellie, no doubt that you'll be hurt.
P.S. I am a friend. Your friend. :)
WHAT THE! Another issue, eh?
To be continued! :)
#ParadiseBliss❤
BINABASA MO ANG
Bisexual Love
Non-FictionAlam kong hindi tama ang ganitong klase ng pag-ibig. Pero bakit natin hahadlangan ang dalawang taong nag-mamahalan. Kung masaya sila sa relasyon nila, kahit na husgahan sila ng mga makikitid ang utak, wala pa ding makaka-hadlang sa kanila. Alam kong...