Untitled Story Part

1K 10 3
                                    

"Loisa, tignan mo si Nellie oh. Ngiting-ngiti na naman. May nabiktima na naman siguro yang babae."

Kasalukuyan kaming naka-upo ng best friend kong si Gisette dito sa Canteen. 4:30 pm pa ang klase namin pero 2:00 pm pa lang ay nandito na kami. Naka-upo sa harap namin ang isa pa naming kaibigan na si Nellie. Hindi namin masasabing tomboy si Nellie kasi hindi naman siya nag dadamit pang lalaki at mahaba din ang buhok niya. Pero ang nagiging ka-relasyon niya ay kapwa nya ring babae. Ewan ba namin dyan! Ang harot harot!

"Hoy Nellie! May bago ka na namang babae no?" sabi ni Gisette sabay hampas kay Nellie sa braso.

"Aray ko Gisette!" sabi ni Nellie sabay himas sa braso niyang hinampas ni Gisette.

"Ngiting-ngiti ka na naman kasi dyan. Ikaw na babae-lalake ka, ang harot mo! Last week, ang sweet pa nung mga message mo kay Kim tapos ngayon may iba ka na naman. Ang tindi mo ineng!" sabi ko.

"Kasalanan ko bang kumakagat din sila sa kaharutan ko? Tsaka di ko naman sila pinag-sasabay sabay ah. Sinisigurado ko muna na break na talaga kami nung isa bago ako pumasok sa bagong relasyon." May pag-mamalaki pa sa tono ng bruha.

"Haay. Ewan ko ba naman sayo, Nellie. May hitsura ka naman! Bakit ba hindi na lang lalaki ang patulan mo?"

"Juice Colored! Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo Gisette?" Diring diri ang mukha ni Nellie. Akala mo ay napaka-laking kababuyan sa pagkatao niya ang mang-akit ng lalaki.

"In case nakaka-limutan mo ineng. Babae ka. Kalahi ka ni Eba at hindi ni Adan!"

"Nag-mukha lang akong si Eba pero ang kaloob-looban ko ay kay Adan! At mas maganda ako kay Eba!"

Literal na napa-nga nga na lang kami ni Gisette. Mabilis na mamumuti ang mga buhok namin dahil sa kaibigan naming ito!

"Change topic na nga! May assignment na ba kayo sa Accounting?" Tanong ko sa kanila. Business Ad major in Human Resource Development ang course namin. At isa sa mga nag-papahirap sa estudyanteng katulad ko ay ang subject na Accounting. First year pa lang kami at sigurado akong marami pang mahihirap na subject ang kakaharapin namin dito sa Rizal University.

"Wala pa nga eh. Kay Velle na lang tayo kumopya." sabi ni Gisette.

"Nasan na nga pala kaya sila Velle at Chaelle?" tanong ni Nellie at tumingin tingin sa paligid.

"Bakit mo naman hinahanap sila Velle? Nako, Nellie ha."

"Grabe Loisa! Kokopya lang din ako ng assignment kaya ko sila hinahanap!" sabi ni Nellie at tumatawa tawa pa.

"Para kang kinikilig! Na-attract ka sa braces ni Velle no?"

"Ang kulit mo Loisa! Maganda si Velle. At ang ganda ng ngiti niya lalo na kasi may brace sya pero tropa yun e. Hindi ko papatusin ang tropa."

"Sabi mo eh." sabi ko na lang. Pero medyo hindi ako naniniwala. Knowing Nellie, iba ang nasa utak niyan.

Di nag-tagal ay dumating na rin ang iba pa naming mga kaklase. Tuesday kasi ngayon at may assignment sa Accounting kaya medyo maaga sila pumasok. Studyante kami eh.

"Wala pa ba sila Velle?" Tanong sa akin ni Nellie.

"Wala pa."

Nanahimik na lang si Nellie at pinag patuloy ang pagkalikot sa phone niya.

"Huy. Tara na. 4:30 na oh. Pasok na tayo." si Gisette.

Tumayo na kami ni Nellie at nag-lakad. Haaay. Algebra time na. Sana absent prof namin. I haaaaateeeee maaaath.

Pag pasok namin ng room ay nag hihintay na sa amin ang prof namin. Bayan! Akala ko pa naman, absent siya ngayon.

"Nasaan na ang iba niyong classmate?" Tanong sa amin ng prof namin.

"Late lang po." si Nellie.

Tumayo na ang prof namin at nag-simula ng mag-discuss. Eto na naman po kami sa madugong pag uusap na ito.

"Square root of--" chuchu chenes ekekek.
Wala akong maintindihan e!

"Loisa, usog ka! Wala ng upuan sila Velle." Utos ni Nellie. Walangya tong bruhang to. Ang harot!

"Buti hindi kami napansin! Nag-attendande na ba?" Rinig kong tanong ni Velle.

"Hindi pa. Bakit ba kasi kayo na-late?" Si Nellie. Sinasabi ko na nga ba! MAHAROT!

"Traffic kasi tsaka tinatamad kami e." Sabay tawa ng mahina ni Velle. Litaw na litaw na naman ang brace niya. At ang maharot kong kaibigan, ayun! Tulala! Hay. Bahala sila dyan.

Bisexual LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon