#18

130 1 0
                                    

*Velle's P.O.V.*

"Baka naman prank lang yan loves! I-delete mo na yan."

"Hindi nga sabi e! Nararamdaman ko! Alam kong totoo itong message na ito hindi prank."

"Ano? Naniniwala ka sa kanya? Na papa-iyakin lang kita?"

Natahimik ako. I didn't mean it that way naman e.

Naka-upo kami ni Nellie sa bench habang ang mga kaibigan namin ay pinapanood ang mga naglalaro ng sepak. Kwinento ko kay Nellie yung natanggap kong message from an unknown number.

"Hindi naman yun yung gusto kong sabihin, Nellie! Ang akin lang, baka kilala tayo nung nag-send nito tapos gusto na namang masira ang relasyon natin."

"Kaya nga sabi ko, i-delete mo na yung message. Kalimutan mo na lang na may nag-text sayong ganyan."

"Hindi mo na naman ako naiintindihan e! Hindi mo maiaalis sa akin ang matakot, ang mag-taka! Hindi pa nga tayo umaabot ng isang taon pero heto! Ang daming nang-huhusga sa atin."

Napa-buntong hininga si Nellie. Kinakalma niya ang sarili niya. Ayaw niyang mag-away kami, alam ko. Pero hindi ko kayang kontrolin ang emosyon ko. Hindi ako katulad niya.

Kung sino man itong nag-padala ng message na ito, nakaka-inis siya! Pinag-aaway niya kami.

"Loves. Makinig ka. Kung pilit kang magpapa-apekto sa mga sinasabi at sasabihin ng tao sa paligid natin, hindi tayo magiging masaya. So what, kung husgahan nila tayo? Wala silang alam sa ating dalawa dahil tayo lang ang nagkaka-intindihan. At syempre, ang pinaka mahalaga sa lahat, mahal natin ang isa't isa. Alam mong mahal kita at alam kong mahal mo ako."

Sa mga ganitong pagkaka-taon na nagsasalita ng ganyan si Nellie ay gusto kong umiyak ng umiyak. Alam niya kung ano ang magpapa kalma sa akin.

Niyakap niya ako. Maraming tao ang naka-tingin sa amin. Kiligin man sila o pandirihan kami ay wala kaming pakielam. Para bang may sarili kaming mundo. Nothing else matters as long as we're with each other.

-------

*Loisa's P.O.V.*

Nag-lalakad na papasok ng room si Velle at Nellie. As usual, magka-akbay sila. Maya-maya'y naramdaman kong umupo sa tabi ko si Nellie, may seating arrangement kasi kami.

"Loisa, kain tayo mamaya sa KFC." Yaya ni Nellie.

"Sino mga kasama?"

"Sila Gisette, Ayn, Renz, Vincent tsaka Ara."

"Sige."

"May kasama pala ako mamaya. Wag niyo siya i-OP ah?"

"Ha? Sino?"

"Si Grace."

"Sino yun? Hindi mo kasama si Velle?"

"Basta, kaibigan ko! Hindi e. Uuwi siya ng maaga."

"Ah, sige."

"Alam ba ni Velle na may kasama kang ibang babae?" Singit ni Gisette na kararating lang.

"Wag ka maingay, uy! Hindi niya alam. Hindi pa niya kasi nakikilala si Grace."

"Naku! Naku! Lagot ka kay Velle!"

"Wag ka maingay, Gisette! Baka marinig ka nun!"

"Eh bakit kasi hindi ka mag-paalam?"

"Hindi yun papayag. Tsaka mag-aaway na naman kami nun!"

"Ewan ko sayong tomboy ka! Hindi ka faithful kay Velle!"

"Agad agad? Ayoko lang naman magalit siya ah?"

Bago pa makapag-salita si Gisette ay sumingit na ako, "Baka nakaka-limutan mong UNOFFICIAL GIRLFRIEND mo si Velle? Dapat ay may tiwala kayo sa isa't-isa. Kung mahal ka talaga niya, maiintindihan niya. Kung mahal mo talaga siya, hindi ka matatakot mag-paalam para atleast, alam niya at wala siyang dahilan para magalit."

"Tama si Loisa, friend! Hindi ka namin lagi-lagi kukunsintihin."

"Eeeh! Basta! Wag niyo na lang sabihin sa kanya na kasama natin si Grace. Ipapa-kilala ko din naman siya dun e."

"Bahala ka nga! Buhay mo naman yan!"

Tumahimik na kaming tatlo dahil dumating na ang prof namin. Habang nagdidiscuss ay hindi ko pa din maiwasang isipin ang gagawin ni Nellie. Ano kaya niya yung Grace? Tina-timer niya kaya si Velle?

-------
*Gisette's P.O.V.*

Nag-lalakad na kami papasok ng KFC ni Ara. Nauna na kasi sila Nellie para makahanap ng bakanteng table.

"Friend." Kinalabit ako ni Ara kaya napa-tingin ako sa kanya.

"Bakit?"

"Si Nathan mo yung umoorder oh."

Hala! Oo nga! Si Nathan KO nga yun! Kahit naka-talikod, ang gwapo pa din niya! Kaya bagay na bagay kami e. Dyosa ako, gwapo siya! Perfect match!

"Huy friend. Matunaw si Nathan!"

"Sssh! Wag ka maingay, friend! Sino kaya kasama niya? Baka kasama natin siya! My God! Baka hindi ako maka-kain ng maayos nito! Siya naman! Hindi nag-sabing---" Hindi ko na natuloy yung sinasabi ko dahil nakita kong may lumapit na babae kay Nathan. Gusto kong isipin na isa lang siyang crew dahil tinulungan niya si Nathan sa pag-dala ng inorder niya at tsaka mukha kasi siyang crew talaga, pero hindi e. May 'something' ata. Ang sakit naman!

"Huy friendship! Wag mong patayin sa tingin yung service crew este girlfriend ni Nathan!"

"Baliw ka friend! Halika na nga!"

Hindi naman malayo sa kinatatayuan namin ang napiling lugar nila Nellie kaya ilang lakad lang ay naka-rating na kami.

"Oh. Nasan si Nellie?" Tanong ni Ara kay Vincent.

"May sinundo daw."

"Sino--Nellie?!"

Hindi na natapos ni Ara ang anumang gusto niyang sabihin ng dumating si Nellie kasama ang isang babae. Maganda yung girl, infairness. Maikli ang buhok na parang pang rock star tapos medyo brown ang color. Okay na sana e! Kinapos lang din siya sa height.

"Guys, si Grace. Grace si, Ara, Vincent, Renz, Ayn, Loisa at Gisette." Pagpapa-kilala ni Nellie sa amin.

Umupo na kami habang si Nellie ang umorder. Katabi ngayon nung Grace si Ara.

"Ano ka ni Nellie?"

"Friend lang po."

"Saan kayo nagka-kilala?"

"Taga Sta. Mesa din ako."

"Ah. Maganda ka. May boyfriend ka na?"

Halatang nahihiya yung Grace samantalang si Ara ay chill lang. Baliw talaga.

"A-ah. W-wala eh."

"Totoo? Pero alam mo? Si Nellie, may girlfriend na. Friend ko nga yun e! Si Velle. Maganda yun! Matalino. Mabait. Tsaka hindi basta-basta sumasama kung kani-kanino yun. Kaya mahal na mahal yun ni Nellie eh!"

"Sis, wag mo namang daldalin ng daldalin si ate." Saway ni Vincent kay Ara.

"Para nga di siya ma-OP sa atin, sis!"

Hindi na sumagot si Grace. Ngumiti na lang siya pero halatang pilit dahil nahihiya siguro.

Dumating na yung order namin kaya nag-simula na kaming kumain.

"Nellie, kwentuhan tayo maya ah?" Malapad na naman ang ngiti ni Ara. Halatang may binabalak.

Tinitigan lang siya ni Nellie. Alam kasi niya ang ibig sabihin ni Ara. Tsktsk.

Bisexual LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon